Chapter 3

20 0 0
                                    

"Tutulungan kita basta mamahalin mo siya at hindi iiwan."

Kung hindi ako nagkakamali o baka mali talaga ito ang mga salitang tumatak sa isip ko na sinabi ni Jonghyun sakin. Hindi ko alam pero gusto ko yung gusto niyang mangyari dahil kaya ko namang gawin yun pero bakit sa tingin ko mahihirapan akong gawin yun? Sino ba si Monique sa buhay ni Onew at bigla daw nagbago si Onew ng sobra?

Nandito ako ngayon sa bahay at kumakain ng dinner. Iniisip ko ngayon kung anong unang hakbang ang gagawin ko para maging close kami. Oo tutulungan ako ni Jong pero hindi sapat yun. Dapat gumawa ako ng paraan para kusa kaming mapalapit sa isat isa. Iniisip ko palang na magiging close na kami kinikilig na ako pano pa kaya kung actual na? Kyaaah!

Teka.. kung magkakilala si Onew Jong at Key so it means kilala sila ni Shenna? Alam ko classmates sila e. Hmm..

Dialing 'bwesxtesxzt' number.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan ang name niya sa contacts ko. Well ganyan din naman ang name ko sa contacts niya. Sinong nakaisip niyan? Ako. Maiba lang. Ayoko naman na name ko lang ilalagay kaya naisip ko yan.

"Hello?" After ilang ring ngayon niya lang sinagot.

"Anong ginagawa mo?" Narinig ko ang malakas na 'toot' sa kabilang line tapos medyo nagcrack ito. Ang sakit sa tenga ha.

"Project best. Pinagawa ako ni Maam Dy para sa program next week." Naalala ko na naman ang eksena kanina na lumapit samin si Onew. Kinilig na naman po ang lola niyo kahit hindi niya ko pinansin kanina. "Napatawag ka?" Medyo mahinang tanong niya sakin sa kabilang line. I bet naka loudspeaker tong babaeng to.

"Ah itatanong ko lang kung kilala mo ba si Jong at si Key." Yung naririnig kong crack sound kanina biglang tumigil sa sinabi ko. Sa tingin ko napatigil sa paggawa si Shenna sa project niya.

"Pumunta ka dito. Tulungan mo ko dito tayo mag usap."

'toot' 'toot' 'toot'

Hala binabaan ako? Anong klase... argh! Nakakainis yung babaeng yun ha. Dali dali kong tinapos ang pagkain ko at nagpaalan kina mama na dun muna ako matutulog kila Shenna dahil may gagawin kaming project at dahil mabait si mama pinayagan niya ako at umalis agad ng bahay.

"Paano mo sila nakilala?"

Pagkapasok ko palang ng kwarto niya yan agad ang pambungad niyang tanong sakin with matching tutok pa ng gunting. Parang holdaper lang ang dating nito ah. Inosente ako!

"Ah pwede ibaba mo muna yang gunting mo at uupo muna ako? Hehe?" Nagpeke ako ng tawa sa kanya at agad na umupo sa kama niya. Grabe napapigil ako sa pahinga dun ha.

"Sagutin mo na ang tanong ko." Bakit ba parang may something na iba sa tono ng pananalita ni Shenna? Parang may iba sa aura niya. Tinitingnan ko siya habang naggugupit siya ng colored paper at bakas sa mukha niya na may tinatago siya. Napatigil siya bigla sa paggupit at napatingin sakin. Nanlaki ang mata ko sa gulat kaya napalingon ako sa ibang direksyon. "Sabihin mo na!"

"Oo na ito na ikekwento na nga e. Ang highblood mo naman. Kalma ka lang." So ayun kinwento ko sa kanya lahat kung pano ko nakilala si Jong at Key at ang gagawing pagtulong ni Jong sakin para mapalapit kay Onew.

"Papaanong ang bait saiyo ni Jong e sakin nga halos hindi ako pansinin ng mga yun? Bakit ikaw best ang bait nila sayo to the point na tutulungan ka pa niya kay Onew?" Hindi ko maintindihan ang expression ng mukha niya habang sinasabi niya yun. Parang hindi siya makapaniwala na nangyari yun sakin at napapailing siya.

"Ahm. Best si Jong lang ang mabait sakin pero yung Key ang taray taray sakin. Pagtumingin nga yun parang iihawin ako sa sobrang nagaalab ang mga mata niya." Binato niya ako ng nakacrumpled na colored paper at tumayo sa kinauupuan niya.

"Ano ka ba lahat sila ganun ang ugali. Mga tahimik pero matataray."

Ano? Tahimik pero mataray? Parang iba naman ata ang ipinakita nung dalawang yun sakin kanina. Ang ingay kaya nila kaya nga hindi na ako nakatulog eh tapos sasabihin nito tahimik pero mataray. Augh.

"Ang daldal kaya nilang dalawa hindi na nga ako nakatulog e sa ingay nila."

"Kung nakilala mo na si Jong at Key so it means kilala mo na din si Minho at Taemin?" Naglighten up ang mukha niya at umupo sa tabi ko.

"Sino naman yun? Aray!" Pinalo niya po ako sa legs. Huhuhu ang flawless kong legs namumula na. Walangya.

"Wag mong sinisino si Minho ko! Ano ka ba lima silang member ng banda nila at isa si Minho ko doon. Si Taemin naman ang pinakabata sa banda nila."

Nagdredreamy ang mata niya habang nagpapaliwanag sakin. Ah so "Crush mo si Minho?"

"Exactly!" Kinikilig niyang niyakap ang unan tapos nagroll sa kama. Hala lakas tama nito ah.

Hinayaan ko nalang muna siyang magdaydream sa kama at lumapit ako sa mga nakakalat na mga gamit pandesign sa sahig. Nakita ko yung card board na may nakasulat. Nacurious ako kaya kinuha ko yun at tiningnan.

"KYAAAAAAAAHH!!!"

Bago ko pa mabasa kung ano ang nakalagay doon biglang sumigaw si Shenna at hinablot sakin ang card board tapos tiningnan ako na nanlalaki ang mata yung tipong parang nakakita siya ng multo.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Sa expression ng mukha niya mas lalo akong nacurious kung ano ang meron sa card board na yun.

"WALA! Hindi mo pa pwedeng makita! Hindi pa to pwedeng makita nino man!"

Tumayo siya tapos tinago sa kung saan ang card board.

"Eh bakit mo ko sinisigawan! What's the big deal on it?"

Sigaw ko sabay bato ng unan sa kanya. Nainis ako. Grabe siya kung makapagreact dahil lang dun.

Biglang kumalma ang mukha niya tapos pinulot ang unan na binato ko at niyakap tapos tumabi sakin.

"Wala bes announcement lang yun. Surprice kasi yun. Gusto ko masurprice ka rin pag nakita mo kaya tinago ko."

Ano naman kayang kasurprice surprice ang nalalaman nito? Pagnasurprice ba ako magiging kami ni Onew? Hay nako tong babaeng to daming pakulo sa buhay.

"Ewan ko sayo." Lumayo ako konti sa kanya tapos tinulak ko siya ng patawa. Napasobra yata ang tulak ko kaya napatambling siya sa kama. Humagalpak ako ng tawa sa naging hitsura niya kaya lumapit siya sakin at gumanti. Tapos ayun puro tawa nalang ang ginawa namin.

Masaya ako kasi kahit abnormal tong babaeng to kung minsan nagpapasalamat ako kasi siya ang bestfriend ko. Duh. Pero minsan gusto ko talaga siya idispatch kapag grabe na pagka abnormal niya.

Maaga na ako pumasok sa school. Ang aga kasi manggising ni Shenna kaya pati ako napaaga. Nasa school grounds na ako ngayon at iniwan niya ko kasi may gagawin pa daw siyang ekla. Kaya ito ako ngayon pumapatay ng oras para sa first class ko.

Nilapag ko ang bag ko at umupo sa maliit na cottage. Nakikita kong padami na ang mga estudyanteng pumapasok dito. Inaabangan kong pumasok si Onew sa gate pero inantok ako. Umunat muna ako ng konti at niyakap ang bag ko at tumungo. Mamaya pa naman ata yun papasok ang aga pa din kasi. Matutulog muna ako.

Patulog na sana ako nang may biglang humablot ng braso ko at hinila ako patayo kaya nakaladkad niya ako. Tiningnan ko ang likod ng lalaking kumakaladkad sakin ang tiningnan ko ang kamay ko. Grabe ang sakit ng hawak niya sakin.

"Teka bitawan mo ko!"

Sinubukan kong tanggalin ang hawak pero wala masyado siyang malakas kamuntikan pa kong madapa.

"Teka uy! San ba tayo pupunta. Sino ka ba?"

Tumigil siya sa paglalakad kaya napauntog ako sa likod niya. Aray lang ang malas ko. Sa buto na part pa ko nauntog. Feeling ko nashake ang mundo ko.

Humarap sakin yung lalaki tapos isang napakalaking smile ang nakapaskil sa mukha niya. Napalaki ang mata ko at konti nalang matatanggal na ang panga ko sa sobrang gulat nung makilala ko siya.

"Tara ipapakilala na kita sa banda at officers natin."

Full smile pa rin siya tapos nag umpisa na siyang maglakad ulit. Teka di pa ko nakakamove on sa gulat ko nung kaladkarin niya ko ulit.

"Ano?"

Ano yung sinabi niya? Teka bakit niya ako ipapakilala? Tsaka kanino?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love You from A far.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon