Chapter 2

17 2 0
                                    

Hindi ako makatulog. Nananakit na ang katawan ko kakaikot dito sa higaan ko. Bakit? Bakit?

Augh... Di maalis sa isip ko yung scene kanina sa office. Yung perfume niya hindi ko makalimutan. Ang bango niya pa rin siguro kahit hagardo na siya.

"Hmm? Anong oras na bat ngayon ka pa tumawag?" Tamad at antok na sabi ni bes sa kabilang line.

"Sorry. Hindi kasi ako makatulog bes di ko alam gagawin ko."

"Kung di ka makatulog wag ako ang istorbohin mo." *toot* *toot* *toot*

Waaaah! Pinatayan niya ko ng telepono. Argh! Argh!

Gumulong gulong ako sa kama at sinipa sipa ang hangin. Oo Onew mahal kita pero please patulugin mo na ako. May pasok pa ko ng 7:30.

*Kinabukasan.

"Eh yo! Zombie." Lumapit siya sakin tapos inakbayan ako.

Tumingin lang ako ng half awake sa kanya at umupo at tumungo sa lamesa at natulog. Almost 3 hours lang tulog ko kagabi so please let me sleep.

Late ako sa unang subject ko kaya di na ako pumasok. Mamaya pa konti next class ko kaya previlage na to para makatulog ako.

"Omg!" Kinurot ako ni Shenna sa braso at pinalo.

Walangya naman oh.

"Omg bes. Look!" Pinalo niya ako ng mas malakas tapos shinake shake.

"Ano baaaahh.. Inaantok ako~~"

"Bes si Onew papalapit dito."

-.-

O.O

O.O

Inangat ko agad ang ulo ko sa lamesa at shake shake ng konti sabay ayos ng buhok.

Ano? Onew? Where? Saan? Gwapo pa rin ba? Nasa-n? Omg.

Starstruck.

Sa ilang segundo ng buhay ko feeling ko ito na ang pinakamatagal. Tumigil sa pagtibok ang puso ko sa pag upo niya sa harap namin.

"Shenna, tawag ka ni Maam Dy sa office now na." Straigh face na sabi niya tapos tumayo na at umalis.

Say what?

Tumingin ako ng nanlalaki ang mata kay Shenna. Konti nalang maiiyak na ako.

"Bes bakit? Bakit ikaw lang ang pinansin niya? Invisible ba ko? Bakit hindi man lang siya tumingin sakin?"

"Baka marami pa siyang gagawin bes kaya wala na siyang time para you know ahm.. pansinin ka."

Halos madurog ang puso ko sa sinabi niya. Grabe parang hindi kaibigan tong isang to.

Namumuo na ang luha sa mga mata ko kaya tumungo nalang ako ulit para hindi niya makita. Itutulog ko nalang to tapos umalis na muna si Shenna para makita si Maam Dy na hindi ko kilala.

"Pwedeng makiupo?"

Hindi ko pinansin ang boses lalaki na nagsalita pero naramdaman kong umupo siya sa harap ko.

"Excuse me miss? Gusto mo kumain?"

Ayoko siyang kausapin dahil nagcoconcentrate ako sa pagtulog ko kaya tinaas ko lang ang kamay ko na sign na okay lang.

"Sige mukhang antok na antok ka pa."

Sabihin na nating tulog ako pero augh... naamoy ko ang pagkain niya kaya medyo nakaramdam ako ng gutom. Shoot! Di pa nga pala ako nagbrebreakfast.

"Jong."

May nagsalita na namang isang lalaki at feeling ko kausap niya yung lalaking nakaupo sa harap ko.

Love You from A far.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon