Tabitha Patrice Lagdamayao's POV
It's just 6:00 o'clock in the morning pero gising na ko. I'm Tubby, 17 a second year college.
Naranasan mo na bang magising pero tinatamad ka pang bumangon, tipong mag-iisip ka muna ng mga posibleng mangyari like bakit di ka crush ng crush mo?
bakit ang minor subject sa college masyadong pa major? bakit yung mga kapit-bahay niyo chismosa mga ganon hahaha!
well ibahin niyo ang akin, iniisip ko kasi kung bakit masyadong mabigat ang loob sakin ni mama pati ng dalawa kong kapatid na babae!
Si papa naman hindi ganon pero hindi naman ako madalas kinakausap para bang hangin lang ako sa paningin niya.
Yung bakit kaya pakiramdam ko aping api ako. Ayos lang ee kung yung mga ka schoolmate ko binubully ako tanggap ko pa kasi sa school masyado nilang pinaparamdam na hindi ako welcome, na hindi ako belong sa kanila kasi nga daw 'pangit' at 'mataba' ako.
Pero yung eksena na pati dito sa bahay binubully din ako, nakakababa na din ng kompyansa sa sarili ee.
Hindi ko kasi maramdaman na may nagmamahal din sa akin sa bahay na 'to. Pakiramdam ko nga isa na rin ako sa mga tinuturing nilang 'kasambahay kuno'.
nagising lang ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang sigaw ng mama ko sa labas! napabalikwas agad ako ng bangon.
"tubby, ano na hindi ka pa ba maghahanda ng almusal? aba'y malelate na sa pagpasok ang mga kapatid mo!" sigaw niya mula sa baba na abo't hanggang dito sa taas ewan ko na lang kung hindi mabulabog ang iba naming kasama dito sa bahay dahil sa lakas ng boses niya.
Suot ang aking over size shirt na pagkalaki laki nga talaga at over size jogging pants, dali dali akong lumabas.
"eto na po ma! bababa na po ako." sigaw ko pabalik.
Well sanayan lang yan pasasaan pa't sanay na ko sa ganto. Kasi naman ganto na lang lagi eksena namin tuwing umaga, may mga kasama naman kami dito sa bahay as in 'kasambahay' daw sabi ng mama ko at mga kapatid ko.
Ako kasi I never treated them as other kasi dito sa bahay sila lang ang kakampi ko simula noon pa man.
Pababa pa lang ako ng hagdan nakikita ko na agad si mama sa hangganan, kay aga aga pero muka na siyang galit! pero may bago ba doon? lagi naman siyang galit sa akin whether I did something right or wrong.
kitang-kita ko yung galit sa mga mata niya habang tinitingnan niya ako.
malakas na sampal agad ang sumalubong sa akin!
"punyeta ka talagang bata ka! sa laki ng katawan mong yan tatamad tamad ka." nanggagalaiti niyang sigaw.
halos mamanhid ang kanang pisngi ko sa lakas ng sampal sakin ni mama. Alam ko anomang oras tutulo na talaga ang luha ko.
"m-mmaaa" utal kong anas dahil sa gulat sa bilis ng kamay niyang dumapo sa aking pisngi!
grabe halos wala akong masabi dahil pakiramdam ko namamanhid na sa sakit ang mukha ko. Naiiyak talaga ako, naaawa ako sa sarili ko iniisip ko kung bakit sa aming magkakapatid ako ang laging sinasaktan physically and emotionally.
"ano lalaban ka na? bakit may maipagmamalaki ka na ba? ayyy oo nga pala bakit ko nakalimutan yang katawan mo pala malaki sayo ano?" dagdag pang-iinsulto niya.
Nakayuko lang ako habang pinakikinggan siya. Alam mo yong habang sinasabi niya yun damang-dama mo yung galit niya sa akin na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling.
Sinampal na nga ako sinamahan pa ng lait!
Masama mang tumalikod sa mas nakatatanda sayo habang kinakausap ka tumalikod na ko. Nag martsa ako papasok sa kusina para maghanda ng almusal para sakanila.
Yung pananakit ni mama sakin hinayaan ko na lang total naman araw-araw ganon ang ganap namin! magkukunwari na lang ako na hindi nangyari yun, na hindi ako nasaktan, na kunwari 'good morning' ang natanggap ko kahit na lahat ng yan hindi totoo.
Diyan naman ako magaling ee ang mag kunwari na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi naman talaga!
Pagkatapos kong maghanda ng ham, scrambled egg, toasted bread with coffee para kay mama at papa. orange juice naman para sa mga kapatid ko.
Agad akong lumabas para pumanhik pabalik sa aking kwarto, alam ko namang kanina pa ako inoobserbahan ng nanay ko! tipong binabantayan niya ang kilos ko sa paluluto at paghahanda ng almusal.
Kaysa naman isipin ang nanay ko sa baba na alam ko namang kumakain na kasama sina papa at mga kapatid ko!
ayoko na muna silang salohan dahil wala naman akong maririnig na maganda mula sa mga bibig nila kaya naghanda na lang ako sa pagpasok ko ngayon pa lang kasi ako mag-eenroll ngayon lang din kasi ako binigyan ni papa ng pera pang enroll at pambili ng gamit ko sa school.
**
Hello everyone! don't hesitate to VOTE and COMMENT po feel free.
Let me know about your thoughts and opinion about this chapter.
Your VOTE and COMMENT will be very much appreciated po!
THANK YOU! aaamwaaa.

BINABASA MO ANG
Tabitha "tubby" the FAThetic LADY
General FictionTabitha Patrice Lagdamayao story! Siya ang babaeng hangad ay mahalin din. Niloko nang mga taong akala niya'y tanggap siya sa kabila ng mga kalait lait sa kanya. sinamantala ang kahinaan, ginamit, sinaktan at pinahirapan. I Tabitha "tubby" signing i...