Tubby's POV
Ano ba 'tong lalaking 'to hindi pa ba naumay sa kakatitig sakin? aba'y kung ice cream lang ako kanina pa 'ko natunaw! pero hindi eh they say na I'm big as pig and they're comparing my sweat to the pig's oil hmmp.. mga bwisit na bullies yun ikompara ba naman ako sa baboy aba hindi na makatarungan yun ah!
Oo nasa plus size ako pero it's not right to compare a person with some animal! nako ah na s'stress na nga ko sa bahay hanggang dito ba naman sa school.
Pero mabalik tayo sa lalaking nasa harap ko na halos di na ata kumukurap sa pagtitig sakin jusme naman ako na ang nahihiya sa ginagawa niya eh! pero alam niyo ba yung puso ko parang ang bilis ng tibok! ano ba 'to ? bakit ganito? may sakit na ba ko dahil sa pagiging mataba? arooy wag naman sana Lord!
"just use it miss!" malamig niyang sabi bago siya tumalikod sakin.
Aalis na ata siya? akmang maglalakad na siya paalis dito sa kinaroroonan namin pinigilan ko siya.
"w-wait lang." pigil ko sakanya.
Syempre habang nakatalikod siya sa akin kinuha ko na 'yong pagkakataon na 'yon para punasan ang aking pawis all over my face, neck and arms! mahirap na ano baka humarap ulit eh.
"Anong pangalan mo?" no response....
"Dito ka ba nag-aaral? bakit ngayon lang kita nakita dito?" no response pa rin hmmmp...
"Anong course mo? Saang building ka?" ughhh bakit ayaw sumagot?
"Nandidiri ka rin ba sakin kaya mo ko binigyan ng panyo?" still wala akong narinig na sagot hayyyysss..
Sa sunod-sunod na tanong ko wala siyang sinagot! ok sinubukan ko lang naman eh, siya kasi ang unang tao dito sa school na medyo maayos ang approach sa akin. Pero akala ko lang pala yun dahil bumagsak ang pag-asang namumuo sa aking kaloob-looban ng marinig ko ang mga salitang...
"You don't need to know who I'am! if ever we meet again in this school, around this campus don't you ever come near me!" a-ano d-daw?
Parang hindi nag function ng maayos ang utak ko ah!
"p-pero.." protesta ko ngunit agad niya namang pinutol.
"Don't just don't!" the last words I heard him told me bago siya tuloyang nawala sa aking paningin.
"pero pano na 'tong panyo mo?" bulong ko sa aking sarili habang tinitignan ang bigay niya sa aking panyo.
"don't you ever come near me!"
"don't you ever come near me!"
"don't you ever come near me!"
Bahala na ibibigay ko nalang siguro 'to sakanya kapag nakita ko na ulit siya kahit na ba binalaan niya na akong wag lumapit sakanya kapag nagkataong nagkita kami! pero kasi hindi naman akin 'to saka hindi ako sanay magtago ng hindi ko gamit.
Lalakasan ko na lang siguro ang loob ko pag nakita ko man siya ulit. Nagpa ulit-ulit man sa utak ko ang sinabi niya sa akin.
Pinunasan ko muna ang pawis ko na hindi na tumigil-tigil badtrip namin eh! kaya ako nilalayuan ng iba dahil akala nila mabaho ako dahil lang sa pawisin ako.
Normal lang naman kasing pagpawisan pero yung akin kasi nasobrahan sa O.A ang dami kong Toxic sa katawan na nilalabas nagtataka nga ako kung bakit di ako nadedehydrate eh!
Pero hah lilinawin ko lang hindi ako mabaho! yan yung isa sa maipagmamalaki ko kahit na matabang pawisin ako, saka hindi din ako maitim no!
Mapuputi naman din kasi kami sa pamilya namin kaya no doubt! diba yung iba diyan pati leeg at batok maitim kapag mataba? hindi po ako nanlalait ah, sinasabi ko lang po.
Tinuloy ko nalang ang paglalakad palabas dahil pupunta pa ako sa Canteen! nagugutom na naman kasi ako. Hehehe wag kayong ano hindi din naman kasi ako nag breakfast sa bahay kanina before I came here.
EATING IS MY STRESS RELIEVER!
Nasa hamba pa lang ako ng pintuan ng canteen nakikita ko na agad ang grupo ng babaeng madalas akong apihin....
GRUPO NINA BIANCA! at kasama pa talaga ang dalawa kong kapatid na kambal. Take note 'mga kapatid ko' Oo pati mga kapatid ko kontrabida din sa storya ko takte na yan!!!!!
Iba pa yung mga babae na nagparinig sakin kanina sa hallway ah. Sikat ako eh sa dami ba naman ng haters ko! note the sarcasm.
Mga peste sila hayyys..
"well..well..well.. look who's here!" maarte niyang usal. Ano ba yan effort talaga 'tong mga babaeng 'to sa pambubuska sa akin!
Ano bang mapapala ng mga 'to? fame? fans? ano para katakotan sila? tsk tsk tsk mga KSP kulang sa pansin.
Alam niyo saka lang naman ako matapang magsalita ng mga ganito sa isip ko lang eh!
hindi ko kasi kayang sabihin ng harapan baka lalo lang nila akong pahirapan. Kasalanan ko ba kong hindi ko sila kayang labanan? Sa bahay pa nga lang kasi ganito na din ang trato sa akin hindi na ako makapalag dito pa kaya?
"padaan ako." mahina kong pakiusap sakanila.
Imbis na padaanin ako hindi! dahil pinalibotan nila ako meron sa magkabilaang gilid ko meron din sa likod ko.
Yung dalawa ko namang kapatid nasa tabi ni Bianca, ayon ang sama ng tingin sa akin. Alam kasi dito sa school na mag kakapatid kami at sabi nila ikinahihiya daw nila ang katotohanang iyon.
aba ako ba gumawa ng tadhana namin at sakin sila galit?
I'M DEAD! huhuhuhu..
somebody help me!!!!!
**
Hello everyone! don't hesitate to VOTE and COMMENT po feel free.
Let me know about your thoughts and opinion about this chapter.
Your VOTE and COMMENT will be very much appreciated po!
THANK YOU! aaamwaaa.

BINABASA MO ANG
Tabitha "tubby" the FAThetic LADY
Fiksi UmumTabitha Patrice Lagdamayao story! Siya ang babaeng hangad ay mahalin din. Niloko nang mga taong akala niya'y tanggap siya sa kabila ng mga kalait lait sa kanya. sinamantala ang kahinaan, ginamit, sinaktan at pinahirapan. I Tabitha "tubby" signing i...