"First love!"! Yan ang mga letra na nakasulat sa unang pahina ng notebook ko. Pero habang tinititigan ko ang mga letrang ito ay siya ring napapanood ko ang taong tinutukoy ng mga letrang ito sa T.V. at sabay tulo ng mga luha na di ko inaasahang babagsak mula sa aking mga mata. Pinahid ko ang luha na kumawala sa mga mata ko at sabay tiklop ng notebook at off ng T.V. para di ko muling maalala ang masasakit na nakaraan.
Kinuha ko yung phone ko na nakalapag sa may side table at nag surf na lang sa twitter kung ano ang trending ngayon ngunit ito nga namang si tadhana handa ata talaga akong paglaruan dahil sila nanaman ang laman ng news feed ko at notification. Dahil sa puros sila na lamang ang nakikita ko sa twitter inilapag kong muli ang phone ko. Muli ko namang tinuon ang aking mga mata sa picture frame na nakadisplay sa study table ko Picture naming dalawa ni Jungkook nung nasa highschool palang kami. Yan yung mga panahon na trainee pa lamang siya sa BigHit. Mga Panahon na lagi ko pa siyang nakakasama at nakakapagkwentuhan sa lahat ng bagay. Mga panahong hindi pa siya busy sa world tour nila. Ito yung mga panahong nasa akin pa ang atensyon niya at hindi sa girlfriend niyang si IU. Oo masakit na makitang ang dating sayo ay pagmamay-ari na ng iba. Oo nga pala simula't sapul hindi siya akin dahil kaibigan lang ang turing niya sa akin at ako lang ang nagmamahal sa kanya ng palihim na umaasang sana'y makita niya ang aking pagmamahal sa kanya.Pero mukhang hindi na mangyayari aking hiling pagkat ako'y kanyang nakalimutan ni hi/hello nga niya wala ehh. Busy siya sa buhay niya at alam kong ako'y kanyang nakalimutan dahil sino nga lang ba ako, ako'y isang nakaraan na madaling makalimutan dahil ako si Yuuri Park na isang ordinaryong babae na nagmamahal sa taong ang layo na ng narating.
-Yuuri Park
YOU ARE READING
First Love
FanfictionLahat tayo'y nakaranas ng first love, first heart break, first kiss or should I say lahat ng first with the first person we love. Pero paano kung yung lahat ng first mo ay yung taong sobrang sikat na ngayon. Pero dahil sa di inaasahang pangyayari...