Past 1

27 5 2
                                    

(Yuuri Park)

Year 2011

7:30 pa lang ng umaga ay andito na ako sa antayan ng bus papuntang school at inaantay ang aking bestfriend na si Jungkook. "Antagal naman ng lalaking yun, sabi niya 7:30 nandito na siya pero bat ako pa ang na unang dumating" nagrereklamong bulong ko sa sarili. Dahil sa naiinip na talaga ako kinuha ko yung novel book sa bag ko na binabasa ko kagabi at ipanagpatuloy ang pagbabasa. Ilang minuto pa ang nakalipas ng biglang may nagsisigaw ng pangalan ko. "YUURI!!!! PARK YUURI!!!!" kaya bigla akong napatingin sa left side ko at nakita ko si Jungkook na kumakaway sa akin habang tumtakbo papalapit. "Antagal mo!" reklamo ko nung nakarating na siya sa kinauupuan ko. "Eh sa late na akong nagising" sabi niya at sabay gulo ng buhok ko. Tinabig ko naman ang kamay niya sa ulo ko. "Ano ba ginugulo mo yung buhok ko!" reklamo ko. Nagsmile lang siya sabay nun ay ang  pagdating ng bus papuntang Herin Middle school kung saan kami nag aaral ni Jungkook. "Andito na yung bus" sabi ko at sabay tayo para pumasok sa loob ng bus. Nakapasok na kami at naupo sa likod "Yuuri, alam mo bang may bagong kanta si IU ngayon!" nakangiting pag iinform niya sa akin. Crush na crush niya kasi yung isang singer na si IU. "Oh? edi maganda." sabi ko sa kanya. "Pakinggan mo ang ganda! ang title niya is Last Fantasy" sabi niya sabay abot sa akin nung earphones niya. Kinuha ko at pinakinggan naman ito. "hmmm, maganda nga!" sabi ko habang nakangiti sa kanya. Pero sa totoo lang naman ay napipilitan akong pakinggan ang mga kanta ni IU para makarelate sa mga pinagsasabi niya. Dahil sa lahat ng oras na may pagkakataong masambit niya ang pangalan ni IU ay nakikita kong sobrang saya niya. Samantalang ako naman ay nagseselos na. Oo alam ko namang wala akong karapatan dahil kaibigan lang niya ako. Pero masama ba na kahit kaibigan lang ako ay hindi na ba ako pwedeng umibig sa kanya. "Yuuri baba na tayo." sambit niya sabay kuha ng earphones niya at tumayo upang bumaba sa bus. "JK! paantay Yaah!" medyo sigaw ko dahil nauna siya sa aking bumaba. "Ambaagal mo talaga kasing maglakad!" natatawa naman niyang sabi. Sinimangutan ko na lamang siya. Naglakad na kami papasok sa loob ng classroom namin ng biglang may mga babaeng nagtakbuhan sa harap ni Jungkook at nagbibigay ng mga gifts and letters sa kanya."Oppa please accept my letter" sabay na sabi nung dalawang babae "Oppa accept my gift!" sabi naman nung isa pang babae "Oppa accept my love please" nagdradrama namang sabi nung isa. "Woah! Girls kalma!" Sabi ko naman pero wew! ansama ng tingin nila sa akin. kinuha naman lahat ni Jungkook yung mga pinag aabot ng mga babae sa kanya at hinila niya ako paalis dun sa mga fan girls niya. Tumatawa kaming dalawa nung nakalayo na kami sa mga babaeng yun "Andami ko nanamang pagkain ahh!" sabi niya. "Paano naman yang mga letters mo?" tanong ko "Babasahin ko pero di ako magrereply" sabi niya. "Kawawa naman yung nag effort diyan rejected agad!" pabiro kong sabi sa kanya di ko ipagkakaila na madaming nagkakagusto sa kanya dahil gwapo siya talented at sobrang bait pa. Kaya nga ako nagkagusto sa lalaking to."Ganun talaga hindi ko naman sila kilala at hindi rin naman sila kasing ganda ni IU." sabi niya sabay talikod at naglakad na muli upang pumasok sa classroom habang ako'y naistatwa na lang dun at tinitigan siyang papasok sa loob ng classroom. Bigla ulit siyang tumingin sa gawi ko "Yah! Yuuri! halika na baka biglang mag ring yung bell." sigaw niya kaya bigla akong napatakbo papasok ng classroom. 

               Uwian na kaya naglalakad kami Jungkook papuntang bus station. "Yuuri?" agaw niya sa attention ko "huh? bakit?" sagot ko naman sa kanya "Paano kaya kung mag audition din ako sa mga entertainment para maging isang kpop idol?" tanong niya. "At bakit mo naman biglaang naisip na maging isang Kpop Idol?" Balik tanong ko naman sa kanya. "Para Makita at Mapansin ako ni IU" Napatigil ako bigla sa sagot niya. "Kahit naman maging isa kang Kpop idol, baka hindi ka rin lang mapapansin ni IU dahil baka hindi kayo magkapareho ng entertainment" sagot ko na hindi pinapapahalata na nagselos ako sa sinabi niya. "Kung sabagay totoo naman yung sabi mo pero diba at least parehas na kaming star" nakangiting sabi niya. Nginitian ko na lamang siya. "Alam ko na! simula ngayon ay mag eensayo na ako sa pagkanta at pagsayaw at mag 0-audition din ako sa mga entertainment na naghahanap ng mga trainee." Masaya niyang sabi. At dahil ako naman si tanga ay agad kong sinuportahan ang kanyang desisyon. "Kung saan ka masaya ay susuportahan pa rin kita. Dahil bestfriend kita!" nakangiti kong sabi. 

               Isang week na ang nakalipas nang nag umpisang mag ensayo si Jungkook ng Pagsasayaw at pagkanta para sa pangarap niyang mag audition sa mga entertainment dito sa Korea. Maganda naman kasi talaga yung boses niya at pagdating naman sa pagsasayaw ay medyo maalam siya ang kailangan na lamang ay i-ensayo pa niya at mas lalo pa siyang gagaling.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First LoveWhere stories live. Discover now