CAPTURED! : Chapters 1-5

178 3 3
                                    

Click! may kinunan ako ng litrato, isang sikat na tao kasama ang kanyang kasintahan na kapwa sikat din. Mukhang masaya silang dalawa at magkahawak-kamay pa. Akala siguro nila walang epal na paparazzing nakakita sa kanilang patagong "date". Bwahaha, siguradong maging magnitude 5 volcanic eruption ang isyung ito (pero seryoso, hindi talaga ako masamang tao. I'M JUST BUT A POOR, ORPHANED PRINCESS SARAH.) Anyways, wala naman talaga akong balak maging paparazzi. Isa lang akong ordinaryong freelance photographer. Masyado na kasi akong "bored" (at namumulubi na rin) sa ginagawa ko kaya naisipan kong lagyan ng konting thrill ang pagkuha ng litrato. Kung dati nagkakapera lang ako kung may okasyon at may kumukontak sakin para i-hire ako. Ngayon, hindi na ako nauubusan ng pera dahil tiba-tiba ako sa bawat litratong kuha ko. Kaso nga lang, bawal dapat mahuli. Ang katumbas kasi ng isang litrato ay isang mainit na "showbiz issue". Sa madaling salita, kami'y "worst nightmare" ng mga celebrities.Well, hindi naman lahat ng celebrities bitter sa mga paparazzis, meron din naman kasing super love ang camera flashes at gustong mapansin ng publiko. Meron kasing bumibili ng mga kuha namin,hindi lang namin pwedeng sabihin kung sino.Minsan din hindi nabibili ang aming mga kuha,kaya nga dapat "KABOOM" ang picture para "KABOOM" ang presyo.

Paano kaya kung magising ako isang araw at babaliktad ang aking mundo?Paano kung sa akin na haharap ang mga camera?at maging instant celebrity tuloy ako?OH-MY

ELAINE SCARLET JAVIER o "Leyn" isang freelance photographer slash paparazzi at na-inlove sa isang sikat na tao.

RAVEN JASPER RUIZ isang celebrity na may sekretong relationship sa kapwa celebrity (Kyla) pero na-inlove sa isang paparazzi (Leyn).

KYLA DENISE TEJERO isang celebrity na girlfriend ng isang sikat na basketball player (Hans) at may sekretong relationship sa kapwa celebrity (Raven).

HANS LEGASPI isang sikat na basketball player slash artista at boyfriend ni Kyla Tejero.

MARIANNA MONTERO isang photographer at kaibigan ni Elaine Javier.

CHAPTER 1

Ako nga pala si Elaine Scarlet Javier, 20 years old. Matagal ng patay ang aking mga magulang kaya si lolo ang tumayong nanay-tatay ko. Wala na rin kasi ang lola ko. Ang malas-malas ko ano? Mabuti nalang at nandyan si lolo. Kahit papaano ay may nakakausap ako at may nag-aalaga sa akin. Mahal na mahal ko si lolo kaya hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kapag mawawala siya. Siya nalang ang meron ako ngayon bukod sa aking camera.

Mahilig ako kumuha ng litrato, nilihi daw kasi ako sa camera. (Good thing hindi ako nagmukhang camera. Teka?di'ba ang nililihi, pagkain lang?Ano ba 'yan?kelan pa naging gamit ang paglilihian?WHATEVS). Sikat na photographer ang tatay ko at runway model naman ang Mama ko (Oh?whatcha say?model ang mama ko). Namatay ang Mama noong ako'y iniluluwal niya. Ewan ko ba? mukhang kasalanan ko tuloy nabuhay ako kaya hindi namin kasama si Mama ngayon. Ang Papa ko naman ay naaksidente. Haaay, huwag na nga nating pag-usapan 'yan. Anyways, nag-aral ako ng photography (Visual Arts, CHOZ. Scholar kaya ako, akala niyo) at sa awa ng Diyos ay nakatapos ako (malaking tulong ang scholarship) . Madalas akong kuning photographer ng aking mga kapitbahay at kakilala lalo na kung may kasalan o birthday party. Kaso lang, hindi sapat ang kinikita ko para sa ikabubuhay namin ni lolo. Mahal kasi mga gamot ni lolo, kailangan mamaintain or else :( Sinubukan kong mag-apply sa isang advertising company pero wala silang balak na kunin ako kasi konti lang daw experiences ko compared sa ibang applicants, tsk!. Kaya tuloy wala akong naging choice kundi ang magpaka dakilang ......paparazzi. Infareness huh?malaki kita ko. HAHA, pero nakokonsensya din naman ako sa pambibisto na ginagawa ko. Di bale, titigilan ko din ito in time. PROMISE!kelangan ko lang talaga ng pera ngayon.

ELAINE'S POV

"Uy Elaine, alam mo na ba ang mainit na showbiz balita ngayon?" ani Marianna, aking paparazzi friend.

CAPTURED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon