CHAPTER 6
ELAINE'S POV
"Hindi mo naman sinabi apo na artista pala boypren mo.HEHE" di ko naman siya bf lolo eh,kadiri kaya
"HEHE,pa'no po lolo. Idedate ko lang po 'tong apo niyo. Iuuwi ko po siya ng buo. Huwag po kayo mag-alala." at nagpaalam na kami ni Raven kay lolo. Madali naman silang nagkasundo,madaldal kasi si lolo. Kaya hindi ko nagawang makisawsaw sa usapan nila. Puro rin kasi kwento si lolo tungkol sa childhood ko. Todo tawa naman tong si Raven,kala mo naman kung sinong close. Tsk!
Sumakay kami ni Raven sa kanyang sasakyan ng nakatago ang mga mukha. Hindi pwdeng malaman ng publiko na dito ako nakatira.
At FYI, bago pa kayo magtaka, hindi naman talaga kami magdedate. Pag-uusapan lang namin ang aming mga gagawin para hindi mahalata ang aming pagpapanggap. Mabuti na lang at naisipan ni Raven mag-iwan ng isa sa kanyang mga katiwala na makakasama ni lolo sa bahay. Infareness sa kanya.
RAVEN'S POV
Papunta kami ngayon sa isang restaurant na pinareserve ko ng half-day para sa aming dalawa ni Elaine. Actually,hindi naman kami magtatagal dito ng half-day. I'm just going to make things clear to her. Meron din akong rules at contract na isinulat (oh di'ba?ang o.a lang?HAHA) para walang gulo. Alam niyo na,baka pagsamantalahan lang ako ng babaeng 'to.
"Good morning po. Dito po tayo." bati sa amin ng may-ari ng resto at inihatid niya kami sa isang table.
"Thank you." sabay naming sabi ni Elaine
"Maari mo na kaming iwan, tatawagin ko lang kayo 'pag gusto na naming kumain. Okay?"
"Ok po sir." at ngumisi siya tsaka umalis. Inilabas ko mula sa aking bag ang isang folder na naglalaman ng mga dapat niyang tandaan.
"Eto,basahin mo ng malakas ang mga nakasulat diyan." at inaabot ko sa kanya ang folder.
"Ano 'to? Food menu?" wow,nagawa pa niyang magbiro.
CHAPTER 7
RAVEN'S POV
"Pwede ba?mamaya ka na magpatawa?Ok? Simula ngayon ikaw na si Era Trinidad at 5 months na tayong magkasintahan. Isa kang freelance photographer at sa Europe ka nagtapos ng college." at bago pa siya makapagsalita, "Basahin mo ang Rule No.1."
"Galingan mo ang iyong arte. Huwag kang aangal kung ikikiss man kita o ihoholding hands sa publiko dahil wala namang malisya di ba?"
"Rule No. 2?"
"Bawal ka makipagkita sa kung sinu-sinong lalaki."
"Rule No. 3"
"Mag-ingat ka sa iyong pupuntahan dahil baka mapaparazzi ka. Kung maari ay takpan mo ang iyong mukha kung may gagawin kang ayaw mong maisapubliko."
"Rule No. 4"
"Dapat parati kang nakaayos dahil anytime pwde kang mainterview at makunan ng litrato. Huwag kang lolosyang-losyang. "
"Last rule and the most important rule of all.."
"Huwag kang maiinlove. Arte lang ang gagawin natin. Hindi kita gusto at sana huwag mo ako magustuhan pakiusap lang. Pagkatapos nang 2 months ay kunwaring magbebreak na tayo."
"Very good Era. Isaksak mo sa utak 'yan."
CHAPTER 8
ELAINE'S POV
Grabe ha?! hindi ko naman siya type no!Hindi naman ako nagagwapuhan sa kanya (uhhhh ...slight lang). Pero ang kapal naman niya. Tsh
"Alam mo di mo naman kelangan isulat pa tong mga rules na to eh. Kasi hindi mo ako fan at mas lalong hindi kita gusto!Kaya isaksak mo din sa utak mo yan!"medyo pasigaw kong sabi ky Raven.
"Tsh,mahuhulog ka din sa kagwapuhan ko. Kaya huwag ka magsalita ng tapos! " at lumalapit ngayon ang may-ari sa amin kahit hindi pa naman tinatawag ni Raven.
"Excuse me po. Okay lang po ba kayo?Baka may gusto po kayo inumin?juice?iced tea?soda?o tubig?" salamat naman at dumating sya,baka natangay na ako sa lakas ng hangin na dala ni Raven. Tsk! Buti nga sa kanya,mukhang nahiya ata siya sa ginawa nya dahil biglang ngumisi.
"Ahhh,hehe. Juice nlang po para sa aming dalawa. Pakiserve na din ng pagkain. Baka kasi gutom na tong girlfriend ko,kung anu-ano sinasabi." whattt!?sinungaling!urrggg...! Hindi na ako nagsalita pa, inirapan ko na lang sya.
"Ok po sir. Give us a sec lang po." at umalis na ang may-ari
RAVEN'S POV
Kumain kami nang hindi nag-uusap. Teka,hindi pa pala nya nababasa at napipirmahan ang kontrata. Kaya binilisan ko ang pagkain at pinabuksan ko muli sa kanya yung folder kahit abala pa sya sa pagkain.
"Anu ba yan!?istorbo ka talaga."
"Dali! basahin mo na." may pupuntahan pa kasi kami pagkatapos nito
CHAPTER 9
"...For this 2 month contract,you will be paid according to the number of your TV/media appearances with or without Raven Ruiz, 10k for every appearance. But you will be deducted if you break any of the rules. "
"Ano?deal or no deal?kung payag ka na,eto ang pen,pirmahan mo na." inabot ko ang pen sa kanya pero,
"NO DEAL!" ano??!! Ano namang kadramahan to.
"Patapusin mo muna kasi akong kumain. Atat mo naman. Sayang din kasi tong pagkain eh." sh*t!
"Haist!bilisan mo nga pwede. May pupuntahan pa tayo eh." wala na akong choice kundi hintayin siyang matapos.
"Bakit ba kasi ang o.a mo. May pacontract ka pang nalalaman." mabuti naman at mapipirmahan na nang maipatago ko na sa aking secretary.
"Naninigurado lang ako. Baka singilin mo pa rin ako kahit lampas 2 months na. Kaya tama lang na may contract. Ayaw ko ng gulo. Akin na nga yang isang copy ng contract. Itago mo rin yang isa at nang makaalis na tayo dito."
ELAINE'S POV
"Saan ba tayo pupunta?" nasa loob na kami ngayon ng sasakyan
"Basta."
Mga 20 minutes lang naman ang itinagal ng byahe tsaka huminto ang sasakyan sa isang mataas na building, isang luxury hotel. Ang wow naman nito,ngayon lang ako nakapasok sa ganito ka garang hotel. Dito lang namam kasi chumecheck in ang mga sikat na Hollywood stars kapag bibisita sila sa Pilipinas.
"Ano ba gagawin natin dito Raven?"