Chapter 11
RAVEN'S POV
Dinala ko siya sa La Vista Tower Hotel. Dito ko siya patitirahin for 2 months. Super tight kasi ang security dito kaya safe si Elaine este Era from paparazzi at chismis. Careless pa naman tong babaeng 'to. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na hindi muna siya pwedeng umuwi hanggang sa matapos ang kontrata, baka mabuking ang true identity niya. Pero magpapasweldo naman ako ng mga mag-aalaga sa lolo niya. Hay naku!nakakabankrupt naman to. Good thing makakatipid ako dahil wala akong babayaran sa buong duration ng kanyang stay sa La Vista, EVERYTHING WILL BE FREE bwahahaha. Kasi naman isa ako sa endorsers ng hotel na 'to kaya anytime pwede ako lumabas pasok kung kelan ko gustuhin ng walang binabayad. The perks of being a celebrity. Ahehe. Anyway dumiretso na kami sa reception area at agad binigay sa akin ang isang key para sa isang room. Ganito talaga dito,automatic kang ihahatid sa isang vacant room.
Pagkarating namin sa room,binuksan ko ang pinto using my key at pumasok na ako.
"Enjoy your stay here Sir at Maam. Call us po when you need anything." sabi nung bellboy.
"Thanks." sabi ko at umalis na ang bellboy.
Ito namang si Elaine,manghang mangha. Kanina pa lingun ng lingon. Pero nang pumasok na ako naupo sa sofa natigilan ako dahil napansin kong hindi sumunod sa'kin si Elaine. Nakatayo lang siya sa pintuan. Anong drama 'to?
ELAINE'S POV
Wow,isa lang masasabi ko sa luxury hotel na 'to, EXTRA-SUPER FABULOUS. May maraming pictures pa na nakasabit sa wall,at hindi lang basta pictures, pictures nang mga millionaires at celebrities na may hotel experience sa La Vista. Oh?Ansabe??
Pero teka,anong ginagawa namin dito ni Raven?A..A..Ano bang binabalak nito. Hinatid na kami ng bellboy sa room pero parang gusto ko ata sumama sa kanya paalis. Ang awkward naman kasi ng atmosphere,kaming dalawa?sa isang room?seryoso ba siya?OMO
Hindi ako tumuloy at tumayo na lang ako sa may pintuan para madaling makalabas patakbo kung saka-sakali. Habang pinagpapawisan ako sa kaba,bigla akong tinawag ni Raven.
"Huy!I know what you're thinking at excuse me lang ha?hinding hindi ko yan gagawin,kahit matukso pa ako. NEVER!kaya pwede ba pasok ka na,marami pa tayo pag-uusapan." sigaw niya mula sa terrace. pheww,medyo nanghinayang ah este nakahinga ako dun ng maluwag. Kaya sinarado ko na ang pinto at naupo na parang tuod sa malambot na sofa malapit sa kanya.
"Umm,so ano na?" nagsalita ako agad para hindi naman halatang naawkward ako.
Chapter 12
RAVEN'S POV
Isang buwan na din ang lumipas mula noong huling check in ko sa room na'to. Ito ang pinakagusto ko sa lahat ng rooms kaya hindi nila pinapagamit 'to sa iba,bukod sa spacious, maganda rin kasi ang view sa labas mula sa room na'to at minsan ko na ding dinala si Kyla dito. Isa iyon sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Pero ngayon, hindi pa ako sigurado kung mauulit 'yon. Kailangan ko pang bawiin si Kyla. Sigurado ako mahal niya ako. Kaya magiging succesful ang planong 'to.
"Dito ka titira sa hotel room na ito sa loob ng 2 months at....sorry pero sa tingin ko hindi ka muna dapat umuwi sa bahay niyo. 'Wa..wa..wag kang mag-alala...."
"Anooo????!Paano si lolo?Sino magpfrmt.." tinakpan ko bibig n'ya,patapusin n'ya muna kasi ako.
"H'wag ka munang O.A okay?kasi I will hire 2 nurses and a driver para sa lolo mo. Hindi ko naman ibabawas sa kikitain mo sa akin ang ibabayad ko sa kanila. I care for elders kaya ako na bahala. Pero kung may ipapabiling gamot ang mga nurses para kay lolo, sariling pera mo na ipapambili mo. Okay ka ba dun?" sana oo