1

225 10 8
                                    

Wayne's POV

"ARGHH!!"

Nasa kalagitnaan ako ng magandang panaginip ko ng tumunog ang alarm clock ko. Siya pa naman ang bida sa panaginip ko.

Nakaka-asar talaga. Sa panaginip ko na nga lang siya nakikita, pinagkait pa ng pesteng alarm clock na yan.

"Wayne, wake up. It's past 6 already. You should not be late on your first day of school."

Gising ni mommy sakin habang mahinang kumakatok sa pinto ko. Ginatungan pa ni mommy  yung pagka banas ko.

"I'm up mom." Sagot ko na sa kanya.

Makaligo na nga. Sa totoo lang, ayoko talaga pumasok. Kaka-transfer ko lang kasi sa Marie Claire Academy—school na pinapasukan ng bestfriend kong si Bobby.

Nagtransfer ako dahil sa walang kwentang dahilan. Oh hell, i don't want to open that chapter of my life anymore.

Before i forgot, I'm Wayne Seth Oh, 17 and currently Junior High. I'm half-korean because my father is Korean and i don't give an effin s-hit about it! I hate my father for some reason. But I think i should skip that part. It disgusts me more.

"So, aren't you excited on your new school? What's with that face, darling?" Tanong ni mommy sakin habang umuupo siya sa silya ng kusina.

"Not really." Walang buhay na sagot ko. Nagkibit-balikat na lang siya.

"Oh, by the way, Bobby is waiting for you. Ask him to join us here."Sabi ni mommy sakin. Bakit ba english ng english 'tong si mommy?

"Mom, can you please stop talkin' in english? Nasa Pilipinas tayo."Reklamo ko sa kanya.

"You are talking in english too, son." Then she smiled at me. I sigh and just roll my eyes. Si mommy talaga namimilosopo pa.

"Ewan ko sa inyo. Sige na ma. Hindi na kami magbe-breakfast. Malalate na kami." Paalam ko sa kanya pagkatapos ay humalik ako sa pisngi niya.

"Bilis mo na. Hinahantay ikaw ni Bobby na." Hindi maintindihang sabi sakin ni mommy. Natatawa na lang akong umalis sa dining area.

Laking Amerika si mommy pero pure Filipino siya. Bumalik sila ng Pilipinas nung pinagbubuntis pa lang niya ako. Hanggang sa dito niya na ako ipanganak.

"What's up bro?" Bungad ni Bobby sakin at saka bigla na lang akong niyakap. Sa totoo lang? 10 years ba kaming hindi nagkita?

"Ano ba?! Bakla ka ba?!" Kunwang nandidiri ako sa kanya.

"G-ago! Namiss lang kita." Nangingiting sagot niya sakin.

Naglakad lang kaming pumasok ni Bobby. Kahit na may kanya-kanya kaming sasakyan, mas gusto pa din namin maglakad. Tutal malapit lang din naman sa village namin 'yung school.

Ayoko kasing pinag-uusapan sa school. Gusto kong mag-aral ng hindi na pinag-uusapan. Ayoko na ng buhay ko dati. Kung hindi lang ako sikat, baka okay pa kami hanggang ngayon.

Pagpasok namin ng school, may nalagpasan kaming nagbubulungan. Pero hindi sila mukhang nagbubulungan dahil ang lakas-lakas ng boses nila na talagang maririnig mo na kahit nasa malayo ka pa.

"Did you saw Yessa? My god! She's so ugly!" Sabi nung mukhang kutong babae.

"Yeah, i don't think na dapat dito siya mag-aral. She should transfer na sa ibang school. She doesn't deserve dito. God!" Sagot naman 'nung mukhang garapatang babae.

Ganito ba talaga dito sa school na 'to? Parang hindi ko matatagalan dito. Buti na lang nandito si Bobby.

Paulit-ulit kong naririnig 'yung pangalan ng Yessa hanggang sa makarating kami ng ground para gawin ang boring na flag ceremony.

Hindi ko pa alam kung san ako pipila kaya sumama na lang muna ako kay Bobby. May ibang istudyante na tumitingin sa'min. Siguro sikat dito si Bobby. Kung minamalas ka nga naman oh.

"Bby, sino si Yessa?" Tanong ko kay Bobby kasi hindi ko na matiis.

"Huh?" Nagtatakang tumingin si Bobby sakin.

"Kanina ko pa kasi naririnig yung pangalan niya, kilala mo ba siya?" Tanong ko ulit sa kanya.

Bakit ba kasi ako naku-curious sa pangalan na Yessa.

"Ahh, classmate ko siya before." Hindi interesadong sagot niya sakin.

"Ahh." Kibit kong sabi. Hindi nako ulit nagtanong mukhang wala naman siyang paki sa Yessa na 'yan.

"Yeah, but i'm not into her. Kaya 'wag mo ng isipin 'yun." Sabi na lang ni Bobby.

"Hi Bobby!"

Napatingin kaming dalawa sa babaeng tumawag kay Bobby.

Siya pa lang yata nakita kong maganda sa school na 'to. But I'm not interested to her.

"Ahh... Hello?" Bati ni Bobby sa babae. Pero bakit parang ilang siya sa babae na 'to?

"Are you free later?" Malambing na tanong ng babae kay Bobby. Tsk. Ang landi.

"S-sorry I'm not... maybe next time."

"Oh. Okay." Sabay alis 'nung babae.

"Sino naman 'yun?" Tanong ko sakanya.

"Si Audrey."

"Siya si Audrey?!" Gulat na tanong ko sa kanya.

Sa pagkaka-alam ko matagal na siyang may gusto kay Audrey. Matagal na niya kasing kinukwento sakin 'yung Audrey na 'yun. Pero bakit niya tinanggihan si Audrey?

"Oo nga." Nahihiyang sagot ni Bobby.

"Teka lang... Huwag mong sabihing torpe ka?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Ako?! Hindi ako torpe ah!" Napasigaw na sabi sakin ni Bobby. Napatingin lahat samin ng mga istudyante na nandito.

"Bro. Hindi ako torpe." Pabulong na sabi niya sakin. Pinagdiinan niya pa yung torpe na yan.

"Talaga lang ah. Then why you didn't accept her invitation?" Lalo ko pa siyang inasar. He roll his eyes.

"Because I wanted to invite her myself."

"Then why until now, you still did not invite her? Or maybe court her?" Dahan-dahan kong tanong sa kanya.

"It's just..." Nag-iwas siya ng tingin.

BINGO! Tumawa ako ng tumawa. Hanggang sa maubusan ako ng hininga. Seriously?

"Dude, sabi ng hindi ako torpe eh. Tumigil ka nga. Nakakahiya ka." Bulong ulit ni Bobby sakin.

♡♡♡
[A/N] Sorry po kung medyo sabaw first chapter. Promise sa susunod na chapter medyo may laman na yan. Hahaha
Please vote and comment. And also please please please suggest my story to your friends.
Thank you Thank you po ulit.

Standing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon