2

134 7 1
                                    

Bobby's POV

"Bby, sino si Yessa?" Biglang tanong sakin Wayne.

"Huh?" Sabi ko. Paano niya naman nakilala si Yessa?

"Kanina ko pa kasi naririnig pangalan niya. Kilala mo ba siya?"Ahh. Kala ko naman kilala niya si Yessa. Kilalanin niya na lahat ng babae dito, huwag lang si Yessa.

"Ahh, classmate ko siya before." Sagot ko na lang sa kanya.

Tigilan na niya sana pagtatanong sa babae na 'yon. Ang dami-dami ng pwede itanong eh.

"Ahh."

"Yeah, but i"m not into her. Kaya 'wag mo ng isipin 'yun." Sabi ko para magtigil na siya sa pagtatanong.

"Hi Bobby!"

Oh my god! Hindi pa ko lumilingon alam na alam ko na kung kaninong boses 'yun. Yung boses na mala-anghel para sakin na para akong hinaharana ng langit. Lalo na kapag tinignan mo na siya. Lumingon kami sa kanya.

"Ahh... Hello?"  Bati ko sa kanya.

S-hit . S-hit . S-hit .

Bakit ako nauutal? 

"Are you free later?" Malambing na sabi niya. 

F-uck! Oo! Audrey, free ako.

"S-sorry i'm not...  maybe next time." Oh, just great. 

F-uck you Bobby. Ang torpe mo talaga!!

"Oh. Okay." Badtrip! Umalis tuloy bigla si Audrey.

"Sino naman 'yun?" Tanong ni Wayne.

"Si Audrey." 

"Siya si Audrey?"  Gulat na gulat na tanong niya. 

Nagkukwento kasi ako sa kanya ng tungkol kay Audrey. Grabe lang 'yung reaction niya ng makita niya si Audrey ha. 

"Oo nga." Sabi ko kahit naiilang ako magsabi sa kanya.  

"Teka lang... Huwag mong sabihing torpe ka?" 

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kilalang-kilala na talaga ako ng mokong na 'to.

"Ako?! Hindi ako torpe ah!" Napasigaw ako dahil sa pagdedeny ko kahit alam kong buko na ko.

Inasar niya lang ako ng inasar hanggang sa maghiwalay na landas namin. Kung hindi ko lang matalik  na kaibigan 'yung mokong na 'yon, baka nasapak ko na siya. 

Papasok na ko sa naka-assign na classroom sakin ng makita ko si Yessa sa hallway na naglalakad. Biglang nag-iba mood ko. I really hate her. Lahat ng tao sa school ayaw sa kanya.

Hindi ko nga alam kung bakit nandito pa rin siya. Baka naman mas lalo niya lang kami inaasar ng pagmumukha niya kaya ayaw niya lumipat ng school. 

Sa kaka-isip ko, bigla akong may nabunggo sa mismong pinto ng room. 

"Aray." Sabi ko sa nakabunggo ko. 

Huwag mong sabihin na.

Kaklase ko siya? 

Hell no! 

"Sorry." Pabulong na sabi ni Yessa sabay diretsong umupo sa isang silya. 

D-amn! Badtrip talaga!

Bakla na kung bakla sa paningin niyo, pero 'yang babaeng 'yan na yata ang pianaka-ayokong tao sa mundo. ARRGHH

By the way, I'm Bobby. Same age with Wayne. We've been bestfriends ever since we can't remember. Family friends. 

I've been in love with Audrey since 1st year. Hell yeah. I really love her but I can't tell her and I don't know why. 

I know what you're thinking.

F-uck I'm not.

Don't believe in Wayne. Oh well, whatever.

Hindi ko kaklase si Wayne. Sayang.

Paglingon ko nakita ko si Yessa. What the hell? She is staring at me. Ang creepy lang. Aware ba siya na nakatingin siya sakin? 

Yessa's POV


Lahat sila nakatingin, nagbubulungan. Gusto ko ng magpakalayo-layo at maglaho. Hindi ako dapat nandito sa kung ano ang tingin nila sakin ngayon. 

Pagsisisi.

'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Kung buhay pa sana si mama ngayon hindi sana ako malulungkot ng ganito. Kahit siguro nangyayari sakin ngayon ang mga ito, okay lang.

Pero hindi eh. Mas lalo akong nangungulila sa kanya. 

'"Aray." Sabi ng nabunggo ko. 

Nagulat ako kung sino. Biglang bumilis tibok ng puso ko.

"Sorry." Mahinang sabi ko. 

Hindi ko alam kung ano gagawin ko kaya umalis na lang ako bigla at umupo sa isang silya. Hindi ko kasi alam kung paano siya pakikitunguhan.

Ako pala si Yessa, Yessa Jin Castro. 17, Junior High. My mom...is resting now in heaven. I have my stepdad and my older brother. 

Lahat ng tao dito sa school na ito, galit sakin. Dahil sa maling taong pinagkatiwalaan ko ng buong-buo. Ewan ko. Wala akong nagawa. 

Okay lang sana kung ibang tao eh. Pero siya pa, na halos ituring ko ng kapatid. Siya na inaasahan kong magtatanggol sakin ang siya palang sisira sakin. Kaya ngayon, wala na akong ibang pinagkakatiwalaan bukod sa stepdad ko at sa kuya ko. 

"Nakita mo na ba 'yung bagong transferee dito sa school?" Narinig kong pag-uusap ng dalawang katabi ko.

"Yung kasama ni Bobby? Oo nakita ko na." Sabay hagikgik nung isang babae.

Napatingin ako kay Bobby. Nagulat ako ng mahuli niya kong nakatingin sa kanya.

Wayne's POV

GREAT! 

Ang boring talaga mag-aral. I hate school. Hahanapin ko na lang si Bobby, pero s-hit, san ba room ng mokong na 'yon? 

"Dude!" Tawag ni Bobby sakin. Buti na lang nakita niya ako.

"Gutom na 'ko. Kain muna tayo." Yaya ni Bobby sakin. 

"Tae ka! Saan ba room mo? Kanina pa 'ko naglilibot dito." Reklamo ko sa kanya. 

"Doon lang. Tara na nga lang. Nagugutom na talaga ko."  

Nagpunta kami ng canteen. Pumwesto kami sa sulok dahil ayoko ng napapansin. Pero ako yata ang may napansin. Isang babae...

[A/N]
Pasensiya na po sa delay na update. Medyo naging busy lang. Sana po nagustuhan niyo update ngayon. 

Please Vote, Comment, and Suggest my story. Thank you Thank you po. I'll try to update tomorrow or the day after tomorrow.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Standing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon