Just POV
Ako si Justine Dimagiba. First year high school ako nun makilala ko si Vren Juztin Alonzo MY FIRST LOVE.
"Ui girl, bakit umiiyak na naman si Myka?" sa araw na araw na atang ginawa ni Bro palagi na lang umiiyak tong classmate ko.
"Ano pa nga ba, edi yung ex bf na naman nya. Di parin nya matanggap na ayaw na talaga sa kanya." Sagot ng kaibigan kong si Cathy.
"Sino ba yung lalaki na yun. Ganun ba talaga kagwapo yun para iyakan nya ng sobrang tagal?" hay naku kaya nga ba ayokong mainlove. Masakit na nga sa puso nakakapangit pa.
"Sya yung cute na nasa Section 1. At di lang sya cute ha, matalino na at very talented pa."
Kung kiligin namn to. Kala ko ba matalino e bakit mukhang di alam na ang mga babae hindi dapat paiyakin.
"Ayyyyyyy, girl ayon sya ohh. Yung may hawak na bola. Grabe talaga ang gwapo nya." Bulong sakin ni Cath habang kilig na kilig.
"Asan ba? Wala namn akong nakikitang gwapo e." Ano bang mata meron tong kaibigan ko. Wala namn gwapo sa mga tinuturo nya. Wala akong makita as in WALA!
Hinila ko ni Cathy malapit sa bench na inuupuan nila.
"Yan na ba yung iniiyakan ni Myka? Kala ko ba gwapo e ang pangit namn kaya. Ang pandak na nga ang laki pa ng ilong." Sorry guys pero yun talaga nakikita ko e.
"Ano ka ba, ikaw lang ang napapangitan sa kanya..... OMG girl nakatingin sya sayo"
Loko ata tong lalaki na to ahh kung makatingin akala mo kung sinong gwapo ang laki naman ng ilong. *Irapan ko nga*
"Halika na girl alis na tayo,sayang lang oras natin dyan. Mas gusto ko pang titigan ang patay na kuko ko sa paa kesa sa mukha ng feeling gwapo na yan." Ewan ko lang talaga pero nababadtrip ako sa mga tingin nyang kala mo nakakaluko.
Tatayo na sana ako nang... "Arayyyyyy! Sinong tanga ang bumato sakin?" Sapol na sapol sa matangos kong ilong.
"Sorry miss di ko sinasadyang mapahagis sayo ang bola. Nasaktan ka ba?" habang ngumingiti ng parang aso.
"Nag sosorry ka ba o nang aasar?" Mataray kong sagot habang hawak ang ilong ko. Lokong to naiinggit ata sa ilong ko kaya gustong palakihin gaya ng sa kanya.
"Bakit kasi tingin ka ng tingin sakin tapos iirapan mo ko. Siguro nagagwapohan ka din sakin no." Sabay tawa at tingin sa mga kabarkada nya na parang pinagttripan talaga ako. Aba lokong to sobra din pala ang kayabangang taglay.
"Hoy lalaki, FYI lang ha. Hindi ka gwapo sa aking paningin. May gwapo bang puro ilong?" Ako namn ang tumawa para makabawi bawi naman. Ang sakit kaya ng ilong ko.
"Kung di ka lang baba-"
"Ocge kung di ako babae anong gagawin mo?" Putol ko sa sasabihin nya habang tinitingnan sya ng masama.
"Teka babae ka ba talaga? Bakit mukha kang lalaki?" Sabay tawa ng malakas habang naglalakad na palayo samin. Bwisit na to sa ganda kong to mukha daw akong lalaki.
Ok cge aamin na ko. Di talaga ako maganda nagfefeeling lang pero di din namn ako pangit, nakukuha kaya akong muse minsan (*^﹏^*)v
Medyo malayo na sya nang kinuha ko ang sapatos ko at binato sa kanya.
Pakk!
Sapol sa ulo. "Cathy halika ka na takbo na tayo, napalakas ata bato ko sa kanya. Tingnan mo oh umuusok na ang ilong." Dali dali ko na syang hinila.
"Pano ang sapatos mo? Bakit kasi binato mo pa?"
Oo nga noh. Ang tanga ko bakit kasi sapatos ko pa ang naibato ko sa kanya. "Hayaan mo na, may rubber shoes namn ako sa locker yun na lang muna isusuot ko."
---
5:30 na ng hapon ng matapos ang klase ko. Naglalakad kami ni Cathy palabas ng school nang makita ko ang mayabang na lalaki na nakaaway ko kanina.
"Patay! Girl itago mo ko. Mukhang binabantayn ako ng hambog na lalaking yun." Nakatago lang ako sa likod ni Cathy habang nakikisabay kami sa ibang estudyante para di nya ko mapansin.
"Hoy ikaw na babaeng mukhang lalaki." Pagtawag nya sakin.
Patay! Nakita nya ko siguradong patay talaga ako nito. Bahala na nga, di ako takot sa kanya.
"Bakit lalaking malaki ang ilong?" Bawi ko sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay ko.
"Kung malaki ang ilong ko ano pa yang sayo? Parang kamatis na idinikit dyan sa mukha mo." Sabay tawa ng malakas.
"hoy lalaking isang katerba ang electricfan sa katawan tigilan mo nga ako. Ano bang klangn mo ha? Wag mong sinasayang ang oras ko." mataray kong sagot.
Tatalikod na sana ako nang magsalita sya. "sige tumalikod ka lang para maibato ko din to sayo." itinaas nya ang kanang kamay nya na may hawak na sapatos.
Hinablot ko ang sapatos ko sa kanya at dali daling umalis.
"hoy babaeng mukhang lalaki, sa susunod na ibabato mo sakin yan siguraduhin mong nagpalit ka ng mejas para hindi humahawa ang amoy. Ang baho ng paa mo. hahaha" sigaw nya sakin habang nagtatawanan sila.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThe more you hate, the more you love. Ako si Justine at dyan nagsimula ang buhay pag ibig ko.