MFL (Start of War)

6 0 0
                                    

VJ POV

Ako si Vren Juztin Alonzo. First year high school. Matinik sa chix kaya madaming umiiyak na babae dahil sakin pero nun makilala ko ang babaeng mukhang lalaki nag iba ako. Binago ni Just ang pagkatao ko.

----

Kakatapos lang ng practice namin sa basketball at nagpapahinga nang makita ko yung babae na tingin ng tingin sakin. Maganda sya kaya di ko maalis ang tingin sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya at ngumingiti pero inirapan nya ko, hmmmm suplada pala.

"Hoy pare! Sino na naman pinagpapantasyahan mo jan?" Biro sakin ni Sam sabay bato ng bola sakin

"Haha naghahanap lang ako ng maganda para mafullcharge na ko." Binato ko ulit sa kanya yung bola kaso umiwas sya kaya ..

Bogsh

"Aaarray! Sinong tanga ang bumato sakin?"

Lumapit agad ako sa kanya para magsorry "sorry miss, nasaktan ka ba?" Ang cute nya pala sa malapitan lalo na pag galit. Di ko maiwasang ngumiti.

"Nagsosorry ka ba o nang-aasar?" Namumula na sya sa galit.

"Bakit kasi tingin ka ng tingin sakin tapos iirapan mo ko. siguro nagagwapohan ka din sakin noh?" Ano ba tong nasabi ko, napatingin na lang ako sa mga kabarkada ko na ngingiti ngiti na sakin ngayon. Tinamaan na naman ng fullmoon ang mga kaibigan kong to. Parang mga baliw.

"Hoy lalaki! FYI lang ha, di ka gwapo saking paningin. May gwapo bang puro ilong? Hahaha"

Di daw ako gwapo. Sya lang ata ang babaeng di nagagwapohan sakin. Makatawa pa parang baliw. Kaasar!

" kung di ka lang baba--"

"Ocge kung di ako babae anong gagawin mo?"putol nya sa sasabihin ko

"Teka babae ka ba? Bakit mukha kang lalaki? Hahaha" tumalikod na ko sa kanya ang ingay nya sakit sa tenga.

Naglalakad na ko pabalik sa upuan ko nang..

Pakkk

Aray ang sakit. fuck takong ba ng sapatos yun. Pagtingin ko dun sa babaeng masungit dalidali na syang umalis habang paika-ika. Wala ang isa nyang sapatos.

"Iba tong babae na to."

--

Wala ang teacher namin sa huling subject kaya maaga kaming lumabas. Uuwi na sana ako nun mapansin ko ang sapatos ng babaeng masungit.

"Lakas ng loob nyang batuhin ang pinakasikat na lalaki sa campus na to. Wala ka bang gagawin mr. Pogi? Hahaha" -sam

"Mukhang tinamaan ka sa babaeng yun pare ha" -michael

"Tinamaan talaga sya Myk, tinamaan ng sapatos. Hahaha"-sam

"Tumigil nga kayo jan. Isubo ko tong mabahong sapatos na to sa mga bibig nyo" sinamaan ko sila ng tingin pero tawa parin sila ng tawa. Sumakit sana tyan nyo.

Sino kaya ang babaeng yun? Mukhang maeenjoy ko ang school year na to ahh.

"Tara na mga tsongo. May hahanapin tayo. Walang babae ang hindi maiinlove sa mukhang to." Pogi sign. Humanda ka babaeng masungit.

---

Pasado alas singko na pero di parin namin makita ang masungit na yun. Halos isang oras na din kami nagbabantay dito sa exit ng school nang makita ko si sungit. Patago tago ka pa jan ha.

"Hoyy ikaw babaeng mukhang lalaki ." Vj

"Bakit lalaking malaki ang ilong?" Just

Ano daw? Sa gwapo kong to.

"Kung malaki ang ilong ko ano pa yang sayo? Parang kamatis na idinikit jan sa mukha mo. Hahahah" kala mo ikaw lang marunong manlait ha. Simula pa lang to sungit.

"Hoy lalaking isang katerba ang electricfan sa katawan tigilan mo nga ako. ano bang klangan mo? Wag mo ngang sinasayang ang oras ko." Tumalikod na sya sakin.

"Sige tumalikod ka lang para maibato ko din to sayo" tinaas ko ang kanang kamay kong may hawak na sapatos.

Lumapit sya sakin hinablot ang sapatos at dalidaling umalis.

"Hoy babaeng mukhang lalaki. Sa susunod na ibabato mo sakin yan siguraduhin mong nagpalit ka ng mejas para hindi humahawa ang amoy. Ang baho ng paa mo.hahaha" pulang pula sya sa galit habang palayo samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon