The Chief Grigory

29 6 0
                                    

Credits po kay KuyaM mmpast.This chapter po is dedicated on you.

~~~~~~

Ang misyon na naglalayong protektahan ang mga hinirang habang ang mga ito ay papunta sa Enchantia ay ibinigay sa kan'ya.Madali lang itong gawin kung tutuusin . ..kung nasa kan'ya ang kan'yang magic

..na sa kasamaang palad ay makukuha n'ya lang pagkatapos n'yang magawa ang misyon.Na magagawa n'ya lang sa pagpasok n'ya sa pamantasang tinatawag na Asylum High.(58)

~~~~~~~

Malapit na s'ya sa kan'yang room ayon sa turo ng registrar office.

Sa Class 4-AD s'ya napunta base sa kan'yang registration papers ay last section ng 4th year. Na hindi na nakakapagtakang doon s'ya ipinunta ng organisasyon dahil andoon ang kanilang mga suspects ..na talagang pabor sa kanya dahil dalawang araw lang ang ibinigay sa kan'yang taning para magawa ang misyon.(61)

Malayo palang ay kitang-kita na n'ya ang mga kung ano-anong ginagawa ng studyante sa loob ng silid na kan'yang pakay roon.(22)

Nakarating na s'ya sa mismong tapat ng tinuturing na basurahan ng eskuwelahan na pinangingilagan ng lahat, mga studyante o teacher pa yan. Pinagsama-sama kase rito ang pinakasiga, pinakatanga,pinakamakulit,pinakanakakainis at malulupit na studyante sa buong Asylum;ito ang Class 4-AD.(41)

Dire-diretso itong pumasok sa loob ng silid.Napatigil tuloy ang teacher na nagtuturo sa harap ng klase(na mukhang walang pake sa lahat ng naroroon dahil tuloy lang ito kan'yang pagsasalita kahit na obvious namang walang nakikinig) at kasama ring napatigil ang buong klase sa sari-sarili nilang mga ginagawa.At nalipat ang buong atensyon sa kan'ya.(56)

"Yes?"masungit na tanong ng guro sa kan'ya.

Imbes na sumagot;inabot nalang nito sa guro ang hawak na registration papers.Tinignan naman ito ng guro at pagkatapos ay nakasimangot s'yang tinignan.(32)

"So you're the transferred student.."hinila s'ya ng guro at ipwenesto sa gitna kung saan s'ya naroroon kanina bago s'ya pumasok sa loob."kanina pa kita hinihintay.. By the way I'm Mr. John Dale Arevalo."

Sinenyasan na s'ya nitong magpakilala.

"My name is Azazel Montreal."simpleng sabi nito.Mukhang narandaman nang guro na ayaw na nitong magsalita kaya pinaupo na s'ya nito sa isang bakanteng upuan sa dulong bahagi ng second row.Nagsimula na ulit magturo ang guro.(78)

Okay sana s'ya sa pwesto n'ya kung hindi n'ya lang katabi yung makulit na babae sa bandang kanan n'ya na feeling close s'yang kinakausap pagkaupong-pagkaupo palang n'ya.(27)

"Alam mo ang gwapo mo."

"...."

Inilabas ni Azazel sa kan'yang satchel ang isang tablet.Wala s'yang balak sayangin ang oras para lang sa pakikinig sa kan'yang guro(kuno) o kung sa sino man dyan sa tabi-tabi.Hindi naman kase s'ya nandoon para mag-aral o kung ano pa man,nandoon s'ya para magtrabaho at yun lang yun.Nagpipipindot ito sa kan'yang tablet nang hindi iniinda ang presensya ng taong nasa kan'yang tabi lamang.

Sinimulan na n'yang tignan ang profiles ng kan'yang mga target.. pero mukhang hindi ata s'ya makapagconcentrate ng maayos dahil sa sobrang ingay ng katabi n'ya.Ang kapal-kapal ih!(98)

"Pwede ba kitang maging friend? "

"...."

The Chief GrigoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon