Grammatical Errors A head
___________________________________________________________________________________
Bumibigat ang kanyang paghinga.Tumutulo ang dugo sa kanang tenga niya't para syang namimingi.Bahagyang humahapdi ang mga galos na kanyang natamo dahil sa nangyaring pagsabog.Unti-unti na nyang nararamdaman ang hindi nya dapat maramdaman.
Nakakaramdam na siya ng takot.
"Isuko mo na ang mga hinirang,Azazel.Wala ka ng magagawa pa.Huli na ang lahat,"isang makahulugang ngiti ang binigay ni Baldassare sa kanya.
"Kailanma'y hindi ko sila isusuko sayo!"
Isang alingawngaw ng putok ng baril ang namayani sa kabuuan ng lugar.Kasabay nito ang pagbagsak ng isang katawan sa malamig na sahig ng pasilyo.
Tila nagising sa malalim na pagkakatulog si Yuna.Humikab pa ito at tinignan ang kaharap nitong si Richard na kasalukuyang natutulog. Nilibot nito ang tingin sa lugar. Pamilyar ang lugar sa kanya.Maraming librong nakasalansan sa iba't ibang book shelfs sa lugar na iyon.Nanlaki ang mga mata nito.Nasa library sila.Tinignan nito ang wristwatch at halos malaglag ang panga ng makita ang oras.Pasado alas 5 na. Kanina pang alas 4 ang uwian.Dali-dali nitong kinuha ang bag na nasa tabi nya lamang.Agad nya itong sinukbit sa balikat at hindi na nag-abalang gisingin pa ang natutulog na si Richard.Ano nga bang pake nya rito?
Samantala.Bahagya syang nakamasid sa papalayong dalaga. Mukhang dito na talaga nagtatapos ang lahat-lahat.Lahat ng nangyaring kaguluhan at sa ugnayan nya na kasangkot sa kanyang misyon.Tapos na ang lahat.
"Maybe, this is the right thing to do,"
•|Story End|•
"This is the end of this story,But not the end of their story,"
___________________________________________________________________________________________________________
KINDLY READ!
So yun,bibitinin ko muna kayo para mabigyan naman daw natin ng hustisya ang magiging love story ng ating mga karakter haha kung nagtataka kayo kung bakit inisang chapter ko lang yung unang part nito(bago kayo makarating sa chapter na to) yun ay dahil isasali ko dapat to sa contest pero sa kasamang palad hindi ko sya nasali kaya hayaan na ..mahirap maglipat ng ibang Kabanata to another Kabanata lalo na at napakahaba..Atsaka tamad po akong tao hahaha .So yun marami na akong nasasabi kaya magtethank you na lang ako sayong nagbasa nito o nagbabasa pa lamang kung nakaabot ka rito.Super thank you.So yun lang naman hehe Title pala ng next book nito ay The Gangster's Love(kung nagtataka kayo kung bakit ito yung title basta malalaman nyo rin pagnabasa nyo) pero syempre saka ko palang sya ipapublish pagmay load na ulit ako hahaha.Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
The Chief Grigory
FantasyIsang simpleng misyon... na susukat sa kahihinatnan ng lahat.. Paano kung ang maging kalaban nito ay ang kanyang sarili? Makakaya nya kaya itong labanan?