Buraot

31 8 9
                                    

Jazzie's POV

Isang umaga na naman na napaka BORING!

Jusko fourth year highschool na ako pero wala pa ring exciting na nangyayari sa buhay ko. Well, except nalang sa isang pang yayari.

Flashback

Isang mainit na Lunes ang bumungad sa akin. "Mamamatay na ako sa init dito," reklamo ni Lyrac. "Sorry ha, andito kasi ako," walang hiyang sabi naman ni Margaret.

Napaka immature talaga nitong mga kaibigan ko. Pero sanay na ako. Kahit ganito tong mga to mahal na mahal ko tong mga to.

Dahil iba iba kami ng mga silid aralan, nagpaalam na kami sa isat-isa at tumungo na sa aming mga classroom. As expected, mukha niya ang bumungad sa akin.

"Hi Jaz, penge limang piso," sabi ni Zane na may malapad na ngiti na nakapinta sa kanyang labi.

"Hay nako ikaw talagang buraot ka!" Inis na sigaw ko, "Hindi ka ba binibigyan ng baon ng mama mo at palagi kang nanghihingi ng lima sakin?"

"Binibigyan naman pero.." Natigilan siya saglit, "Ah basta, penge lima."

"Ewan ko sayo," sabi ko at nilampasan siya. Naghiyawan naman ang aming mga kaklaseng hindi ko namalayan na nakikinig samin.

Ngumisi ako at humarap sa kaniya. Gulat na umatras ako dahil hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. "Ano ba! Distansya o ambulansya?" Inis kong banat sa kanya.

Pero parang ako pa ang natakot kasi napaka seryoso ng kaniyang mga titig. Those very very cold glares. Watdapak!

"Hoy ano ba!" Sigaw ko nung hinawakan niya ang aking palapulsuhan. Hindi gaano mahigpit pero tama lang para hindi ako makawala.

Hinila niya ako palabas sa classroom at papunta sa plaza ng aming paaralan.

"Hoy Zane ano ba

-"

bago ko pa natapos ay siniil niya na ako ng isang nakakahilo ngunit mabilis at mababaw na halik. Watdapak.

"Alam mo ba kung bat ako palagi nang hihingi ng lima sayo?" Malamig na sabi niya sakin.

"Olol malamang di ko alam malay ko ba kung nagdadrugs ka tapos wala kang pambili

-"

"Damn you, baby." Sabi niya na nakapagpatigil sakin, "Can you let me speak first?"

Dapaakkkk

"Nanghihingi ako ng lima sayo kasi..." Sabi niya nang nakatingin ng malalim sa aking mata na may multo ng ngiti sa labi. "Iniipon ko iyon para sa magiging bahay natin in the future.."

Gag

-


"Wag ka muna magreact pwede?" Sabi niya bago pa ako makasagot. "Mahal na mahal kita Jazzie, dati pa. I don't have any excuse to talk to you kaya nanghihingi ako ng lima. Pero may benefit naman din yung panghihingi ko diba?" Ngumisi siya, "Nagsisimula na tayong magipon para sa magiging pamilya natin."

"Maybe you're right. Nagdadrugs siguro ako kasi adik na adik ako.... sayo."

"Baby, can I court you? You can't say no, by the way"

E N D

Anue daw HAHAHAHHA k bye thanks for wasting your time <3

And I oop

-


C r i n g e

(The picture on the book cover is not mine. Credits to the rightful owner.)

Pahingi Lima (A buraot one-shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon