Part 2

2.7K 82 3
                                    

"THE STRUGGLE is real!" nagngingitngit na bulong ni Grace nang bumalik siya sa kanyang mesa. Hindi siya nakatiis at nag-tweet siya ng mismong phrase na iyon. Limang minute lang ang nagdaan at nakita niyang nag-"favorite" na doon ang mga followers niya. May nag-reply at nag-retweet din noon.

Beast mode siya. Ang aga-aga niyang beast mode.

Text message iyon na pinadala niya kay Uncle Kevin, na dili iba't ang presidente ng kumpanyang iyon. Walang nakakaalam sa opisinang iyon na pamangkin siya nito. Ang alam lang ng lahat ay malakas ang backer niya dahil nga presidente mismo. Pero si Uncle Kevin ang may gusto na hindi na kailangan ipaalam na magkadugo sila. Half-sister nito ang mommy niya. Magkaiba ang ama nito at ng mommy niya kaya siyempre pa, magkaiba rin ang apelyido nga mga ito. At bilang married ang status ng mommy niya, siyempre pa apelyido ng daddy niya ang gamit niya kaya hindi na rin gaanong mate-trace ang pagiging magkamag-anak nila. Mabuti na lang din at pribadong tao si Uncle Kevin. Iilan lang talaga ang nakakaalam ng mga detalye ng personal na buhay nito.

Mabait si Luis. Kilala ko siya. Pagtiyagaan mo lang.

Iyon ang nabasa niyang sagot nito sa text niya. Napangiwi siya pero hindi na siya sumagot sa text nito. Baka mamaya ay naroroon na rin iyon sa sarili nitong opisina at busy na. Sa isang linggong pagpasok niya doon, wala na yatang nauuna pang pumasok sa uncle niya. Doon din siya nakatira sa mansiyon nito pero hindi sila sabay na pumapasok. Kasama sa "parusa" niya ang mag-commute.

Bitbit ang baon niyang damit na nagpunta na siya sa CR. Dinatnan niya doon ang kaopisinang si Vina na nauna pang mag-report sa CR kesa sa desk nito.

"Good morning!" bati niya dito.

"'Morning," ganti sa kanya ni Vina na tiningnan siya sa pamamagitan ng reflection nito sa salamin. Tuloy lang ang pagpapahid nito ng rustic red lipstick na paborito nito. "Saan ang lakad? Ang ganda ng damit mo."

"I'll change na nga. Napagalitan ako ni boss Lui."

Tiningnan siya ni Vina. "Ah, maigsi kasi damit mo. Para kang rarampa sa beach."

Natawa siya. "Ganyan nga ang mismong sinabi sa akin. Nagbaon naman ako talaga ng damit." Kumaway siya dito at pumasok na sa cubicle.

"Huwag mo siyang tatawaging Lui. Isa pang dahilan iyon at iinit nga ang ulo noon," malakas ang boses na sabi nito sa kanya.

"Bakit nga ba?"

"Ewan ko. Basta ang alam ko lang ayaw niya. Luis siya sa lahat. Mauna na ako sa iyo," malakas na sabi ni Vina.

"Okay!"

Nang lumabas siya ng cubicle, makinis na makinis na nakalapat sa katawan niya ang kulay beige pants and white top na corporate attire. She also wore a blazer in a darker beige tone. Pati sapatos niya ay pinalitan niya. Isinuot niya ang dark brown Ferragamo pumps at itinago ang Tory Burch sandals na katerno ng summer dress niya. Nag-retouch na rin siya ng make-up niya. Binura niya ang pink na pink na lipstick at pinalitan iyon ng subtle coral peach shade.

"Office girl na office girl na ang look mo, Grasya. Sino ang mag-aakalang isa kang senyorita? Magtiis ka. Kasalanan mo iyan," wika niya sa sarili at pinagmasdan pa ang sarili bago pabuntong-hiningang lumabas.

"Mukha ka na ring boss," sabi ni Vina sa kanya nang madaanan niya ito. "Your suit looks good on you."

Matamis siyang ngumiti. "Kaya close tayo agad, eh. Honest ka."

Bumaba ang tingin nito sa bag niya. "Ang ganda! Class A?"

Gustong mag-evaporate ng ngiti sa mga labi niya. Siya, gagamit ng Class A na bag? No way! Authentic ang Chanel bag niya na iyon. Isa lang iyon sa mga bagay na madaling mapasakanya noong hindi pa nagbabago ang kapalaran niya. Pero naisip niyang hindi naman talaga alam ng mga naroroon ang tunay na estado niya.

A Brand-New Christmas For LuisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon