Chapter 3

3 0 0
                                    

My parents and I decided to visit our mansion in the province. I miss El Teresa eh.

"Connie, nahanda mo na ba ang gamit mo? Aalis na tayo." sabi ni Mom. Agad ko namang isinara ang bagahe ko at kinuha naman iyon ni Manang para ibaba. Pumasok si Dad sa kwarto ko at kinuha ang iba ko pang gamit na dadalhin ko doon. 3 weeks rin kasi ako doon kaya for sure, kailangan ko nang maraming damit.

"Sigurado ka bang 3 weeks ka doon? You can go with us in France, dear." tanong ni Mom. Ngumiti ako sa kanya at umiling. My decision is final at alam ko na alam na iyon ni Mom.

"Mom, I wanna be in El Teresa. I'll be fine. Ihahatid niyo naman ako eh tas 2 days naman kayo doon. Magkakasama pa rin tayo." paliwanag ko na agad namang inuprubahan ni Mom. She knows me to well kaya hindi na siya namilit. Dalawang araw lang sila doon dahil lilipad sila papuntang France para sa isang business trip. Mom wants me to come with them dahil alam niyang mahilig ako sa sweets, but I already planned my stay in El Teresa. Mas maganda ang surroundings doon at mas nakakakalma. Besides, nandoon naman ang mga pinsan ko kaya okay lang. Nagpaalam na rin naman ako sa mga kapatid ko at nangakong bibisita rin doon.

Bumaba na kami ni Mom at sumakay sa sasakyan na dadala samin sa Port papuntang Isla. 4 hours ang byahe papuntang Port habang 2 oras naman papuntang isla. Malaki ang El Teresa at isa iyong maliit na syudad. My grandfather was once the great governor of El Teresa and siya ang naging dahilan kong bakit lumago ang syudad. It slowly drawn people to it. Maraming dumarayong turista sa El Teresa at unti unting itong nakikilala dahil sa ganda ng isla. My uncle Darius is the current governor of the island and he's doing a great job. Mas pinalago niya ang business ng bawat mamamayan at nabigyan ng maraming opurtunidad ang mga iskolar doon. Tito Paul owns a school na free. Wala masyadong nakakapag aral sa isla dahil nga walang pera panggastos sa pag aaral, so he decided to build a school in there and he made all the students his scholars. Malaki ang naitulog namin sa isla at lahat ng iyon ay para makatulong sa kapwa. Every citizen knows our family because of that.

I listened to some music habang nasa nakahiga ako sa balikat ni Dad, nakahawak naman sa kamay ko si Mom. Komportable ako sa kanila kaya wala akong problema kung ano ang gawin ko. My family loves me so much since miracle baby ako. When my mom got pregnant on me, may dysfunction sa matress niya. May bukol daw kasi doon at posibleng mamamatay ako sa loob dahil hindi na kayang magcessarian ni Mom since pangatlong beses na siyang cessarian. But when the day come of my birth, parang wala lang sakit si Mom. She delivered me normally. The doctors were schocked sabi ni Kuya Rome dahil himala raw iyon. My Mom didn't struggle like what everybody expected.

Kaya lahat sila ay talagang tutok na tutok sakin. Maliban sa pagiging miracle baby eh nag iisang babae lang ako at bunso talaga. Growing up with 5 brothers is kinda like ---- hard. My brothers are very good at flirting, except Kuya Jonas. Ang lalandi nang mga iyon lalo na si Kuya Hunter. Minsan nga ay nadadamay na ako sa kabalastugan niya. All his 'TOYS' keeps on bugging me para lang maikama niya ulit. They all want to be pleasured again by my brother pero wala naman akong inentertain. Sinusumbong ko kasi sila dahil naiirita ako sa kanila.

After a total of 6 hours of travel, nakarating na rin kami sa daungan ng El Teresa. Tulad nang naaalala ko, El Teresa is still stunning and beautiful. A place like no other.

"Mag ingat ho kayo, Madam." sabi nung tumulong sa akin na bumaba. I hopped out of the boat and the warm white sand of El Teresa's beautiful waters amazed me. Nauna nang bumaba sina Mom at Dad at sumunod naman ako sa kanila dahil sasakay nanaman kami ng sasakyan papuntang mansyon. May rest house kami dito, malapit sa bundok at mga kalahating oras ang papunta doon sa malapit na bayan. We live in Casa Paulana, isang lugar kong saan itinayo ng lolo ko ang kanyang negosyo. Malaki ang Casa Paulana at doon nakatira sina Tito Darius. Nasa kabilang dako ang bahay nina Tita Mary at Tito Paul. Sa La Helena kasi sila nakatira at medyo malayo talaga iyon dito.

Sumakay na kami sa Estrada na dala ni Manong Paeng, yung caretaker at personal na driver ng pamilya namin. As usual ay nasa gitna ako ni Mom at Dad. Dad caressed my hair while they are talking to Mang Paeng, tahimik lang ako dahil di naman ako ganoon katalkative pagdating sa ibang tao. I'm not that socialize.

"Kamusta ang Casa, Paeng?"

"Okay lang naman po, Madam. Mas lumaki ang kita namin sa pangingisda at marami rin harvest ang prutas at gulay sa San Isadora." sagot ni Mang Paeng.

"Ganoon ba? Eh kamusta ang bahay? Ilang taon rin bago kami nakabalik, medyo busy sa trabaho eh." Dad said and smiled.

"Okay lang naman po, Sir. Napagawa na po ang mga dapat baguhin noong nakaraang buwan, napaayos na rin po ang mga rancho para sa mga bagong alaga niyong kabayo. Nagpadala kasi ng mga alagang kabayo si Sir Levi kaya nadagdagan ang alaga niyo sa rancho."

Abala sila sa pagkwekwentuhan kaya tumingin nalang ako sa labas. Paakyat na kami ng bundok pero di iyon halata dahil sa kinis ng daanan. May ibang kapitbahay kami sa Casa pero malayo layo yung amin. Balita ko ay meron ding mga turista na nagpagawa ng bahay nila sa Casa kaya paniguradong marami ang makikilala kong kapitbahay. We entered the big gate of our mansion and it opened automatically dahil high tech iyon. Either open it manually or just scan your face. Dumungaw si Dad at agad naman iyong bumakas.

Standing greatfully is our white wooden mansion. Medyo maypagka medieval iyon dahil matagal na rin itong nakatayo, pinarenovate lang ni Papa.

Bumaba na kami at pumasok sa loob. Agad namang lumabas ang kasambahay namin si Manang Lira na siyang asawa naman ni Mang Paeng. She greeted us with such smile in her lips. My parents greeted back and smiled also. When they are finished greeting each other she looked at me.

"How are you, Manang Lira?"

Para siyang naestatwa ng magtagpo ang mga mata namin.

"Maria? Ikaw na ba yan, anak?" tanong niya na parang di makapaniwala. 7 palang ako nung last bisita ko dito. Pagkatapos kasi ng grade school eh pinadala ako ni Dad sa Maynila para mag aral. I wanted to stay here and study pero mas maraming opportunities doon kesa dito kaya medyo di na ako nakabalik agad.

Manang Lira hugged me and then laughed.

"Ang laki mo na aking munting dilag. Dalagang dalaga ka na!" sabi niya at binitawan na ako. I smiled sweetly at her and hold her hands.

"Sorry for not coming back early. Medyo nabusy po kasi ako sa school, Manang kaya di ako agad nakabalik. I hope you understand."

She smiled and held my cheeks.

"Okay lang yun, Maria. Kayo na bay kumain na? Naku Madam Maresa, gumanda kayo ng sobra. At si Sir Henry eh mas lalong gumwapo." nakangiting sabi ni Manang. She looks so happy and we feel the same too. 10 years had passed and now, I'm back.

Kumain kami ng hapunan since medyo dumidilim na rin. Pagkatapos naming magdinner ay pumasok ako sa kwarto ko. All white ang kwarto ko with butterfly designs hanging in the ceiling. Maraming pictures ko dito nung bata pa ako, may pictures din ako na kasama ang aking mga kapatid at sina Manang. May solo pictures din at may kasama lahat ng pamilya Padilla. Walang pinagbago sa aking kwarto maliban sa mga bagong sapin sa kama. I feel home for the nth time. Bukas ang pintuan ng veranda kaya medyo malamig dulot na rin sa mahanging klima sa tabing dagat. Ang harap ng veranda ko ang malinaw na dagat. Since nasa taas ng burol ang bahay namin eh kitang kita namin ang dagat mula sa mga veranda namin. It is very breathtaking. Wala talagang tatalo sa El Teresa.

I changed my clothes and put all the remaining ones in the closet para di na ako mahassle pag gusto kong magbihis. Its 6 pm but I feel sleepy. I lay my head and slept happily.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midnight SkyWhere stories live. Discover now