Coffee Sip 5

9 1 0
                                    

Days had passed. Wala akong ginawa kundi magpakalulong sa init ng panahon ngayon. Sinabayan ko pa Ito ito ng mainit na kape para maibsan lang nararamdaman ko ngayon.

Tinawagan ko siya ulit. Pero tanging paghinga niya lang narinig ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako ginaganito. Nababaliw na ako.

Naipasa ko na yung assignment na pinapagawa sa amin. No problem when it comes sa mga essay writing. Expert na ako don.

"Hi!" Narinig kong may tumawag sa akin mula sa likod kaya nilingon ko naman ito agad.

"Hey. Kamusta?" Tanong ko agad sa kanya.

"I am doing well."

"Uhm. Nagulat ako nung nakita kita kanina. Dito ka rin pala nag-aaral ha."

"Yeah. For 3 years. Nag-shift Kasi ako from medtechnology to radiology. Nakakuha Kasi ako ng bagsak na grade sa core course ko sa chemistry. Nawawalan rin ako ng gana dahil puro na lang kami laboratory. Siguro tadhana rin ang nagdala sa akin para ipursue ang radiology. As of now, masaya naman siya"

Napangiti naman ako. "That's fate."

"Oh? Saan ka pupunta?" He asked.

"Coffee shop." I retorted.

He suddenly stopped.

"Oh? Is there any problem?"

He smiled.  "Nothing. It's just that---"

I furrowed my eyebrows.

"Uhm. Princess ba talaga Ang pangalan mo?"

Napatawa naman ako nung maalala yung nangyari nakaraang araw.

"No. Haha.  I am Snowheart." I scratch my nape.

"Oh. If it doesn't bother you, Im Ace. Ace Buencusesso"

My heart broke into pieces. Ilang beses mo ba ipapaalala? Tama na Ace.

I managed to smile. Kahit ganun pa man.

Ilang oras ang ginugol naming makipag-kwentuhan about random things.

"Tama na nga yang kape. Naka-ilang shots ka na?" Inagaw niya sa akin ang iniinom kung kape.

"No. Akin na yan. Apat pa lang naman" Ani ko habang inaagaw ang coffeee ko sa kanya.

"Too much is unhealthy, Snowheart"
He snarled.

Whatever. I just rolled my eyes.

"Akin na lang to ha?"  He sarcastically said and I crossed my arms.

Bakit parang ang gaan-gaan mo pa ring kasama?

Dahil tapos na rin kami sa aming ginagawa ay napag-isipan naming umalis na. Ngunit bago pa iyon ay binanggit niya ang pangalan ni Mr. Harlow na siya namang ikinatigil ko.

"Alam mo ba kung nasaan na ngayon si Mr. Harlow?"

"H-hindi eh." Pagkatapos noon ay tumalikod na ako.

Pero saan na nga ba siya?

"Hay. Suplado pero mabait yun. At alam mo ba? Hindi ko pa nakikita ng lubusan ang kanyang hitsura sapagkat lagi siyang may takip na mask.Tuwing pumupunta kami dito ni Michella, lagi kaming may free milk tea. Pero ang malas lang dahil noong araw na wala siya dito ay ang araw kung saan. Pinaghiwalay kami ng tadhana. Kaya minsan, napapangiwi na lang ako tuwing pumapasok ako sa malagim na nakaraang 'to"

Nagulat ako sa sinabi niya. Para akong nabunutan ng tinik. Naghiwalay na sila? Bakit hindi man lang sinabi iyon ni Michella?

"Uhm. That's enough. Move on na." I said and managed not to sound croaky.

Ganyan ba talaga ang feeling kapag in love na in love ka sa isang tao?

How pathetic. Buti pa ako. Mabilis lang makalimot.

Pero, masakit pa rin na hanggang ngayon. Si Michella pa rin ang bukambibig niya. Sana nabigyan man lang siya ng pagkakataon na makilala Kung sino man ang tunay na nagmamahal sa kanya.

At ako yun.

At sana nabigyan rin ako ng pagkakataon na aminin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

No. It's too late. Kung sana hindi ko na lang siya nakilala. Kung sana Hindi ka na lang nadisgrasya.

Ace, alam mo ba? Nagpakalayo-layo ako upang makalimutan ka. Ang masaklap pa, ay noong nalaman kung kayo na pala ng best friend Kong si Michelle -mas gumuho pa lalo ang aking mundo.

"Huy. Okay ka lang?" Kalabit niya sa akin. Hindi ko alam nakatunganga na pala ako sa harapan niya.

Eh bakit ba kasi pinagtagpo ulit kami ng tadhana?

"Oo naman. A-ah. Uwi na ako. Bye" paalam ko pa.

"Hatid na kita sa inyo"

Napataas naman ang kilay ko. At Hindi na ako makapagsalita nung hinablot niya ang bag ko.

Ace talaga. Hindi pa rin nagbabago. Masasabi ko kaya ang totoo?

Kinuha ko ang aking bag mula sa kanya. "No. Kaya ko. Promise" I smiled at tuluyan nang naglakad.

He waved at me and I was startled when he suddenly curved a precious smile on his face when I looked back.

How I wish you can still remember me.

Ace.

Saved Mornings (Coffee Talk)Where stories live. Discover now