I. UHAW

20 1 0
                                    

I

Ako si Delgado, sawi sa pag-ibig, ngunit,
Nakakasigurado na mabait at pangit.
Ako ay marami nang naranasan na sakit,
Alam kong kailangan kong tanggapin kahit masakit.

Iba't iba man ang ating mga nararamdaman,
Pare-pareho parin tayong mga masasaktan.
Kahit tayo magtulungan, wala rin ito;
Sarili lang natin makakatulong dito.

Mahirap sabihin, ngunit kailangan naman;
Kailangan naman sabihin upang malaman,
Maraming nangyayari, sa ating kapaligiran man.
O, sa ating sariling utak ng kaguluhan.

Pagmamahal ko sa kanya, hindi mawawala.
Kahit ako'y lagi niyang itinataboy na;
Ginagawan ko ng paraan upang maayos,
Ang nararamdaman ko sa aking puso ay tagos.

Maraming ipinangako, maraming pangarap;
Maraming pako, nawala sa hinaharap.
Maraming hadlang, maraming kasunduan ngnuit,
Maraming naglaho; maraming kadahilan.

Lahat ng ito ay pinagplanuhan subalit,
Lahat ng ito ay unti-unting nawala at-
Kinalimutan, binaliwala lahat ito.
Tila naging isang imahinasyon; naglaho.

Upang tayo ay magkakilala ng maayos,
Kailangan muna nating tanggalin ang gapos.
Kinakailangan ko lamang ng isang salita.
Ngunit, wala ka man lang binigay, kahit isa.

Narito ako, upang maglikod ng maayos.
Maglingkod ng mabuti para sa ibang tao.
Itong regalong ito ay para lamang sa'yo.
Buksan mo, dahil dito nagsimula ang "tayo"

-Concepcion

Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon