Part 1

6 0 0
                                    


Halos dalawang taon na din kaming magkakilala ni Liz, sa YM nga lang. Di ko din naman sya maaya ng meet up kasi nasa magkabilang dulo kami ng Mindanao. Halos dalawang araw din aabutin sa byahe kung tutuusin.

Kaya nagkakamustahan nalang kami tuwing matyempuhan ko syang online. Noong mga panahong iyon, nabanggit nya na meron syang bf. Ako naman, hindi na single na alam na ito. Graduating sya ng nursing mula sa isang malaking university sa CDO nung una kaming nagkakilala. Ngayon syay ganap nang nurse.

One time, nag online ako at naabutan ko sya. Timing lang din talaga siguro kasi papunta daw syang Manila para mag aasikaso ng kanyang papeles dahil magwowork sya sa Singapore, at ako naman ay may aasikasuhin ding mga lakad doon. So ayun, di ko na pinalampas ang pagkakataon na ayain syang magkita kami.

Mga isang linggo na din akong dumating sa Manila nun pero di pa kami makatyempo ni Liz ng common schedule. Andami nya pa kasing inaasikaso na papel. Buti na nga lang daw at sinasamahan sya ng best friend nyang si Janine. Kaya enjoy daw yung lakaran nila.

Hanggang nagkasundo din kami araw na pareho kaming libre. Sabado night gimik daw. Ice cold Red Horse daw. No curfew daw. Isasama daw nya bestfriend kasi maiiwan itong mag isa sa apartment nila sa San Juan. Game ako sa lahat na yan, yun lang nasabi ko.

Magkikita kami sa may Adriatico area sa Malate. First time ko mami-meet in person si Liz. Kaya nagsuot ako ng casual pero medyo may dating. Nung medyo kabataan ko kasi, maporma din naman ako at may kaartehan ako sa branded na mga gamit (opposite na ngayon – wala ng pakialam. Lol).

Nakita ko na naman si Liz sa mga pictures nya pero nung nagmeet na kami, di nabigyan ng hustisya ang kinis ng kanyang kutis at ang hugis ng kanyang katawan. Slim ito pero sexy, may hubog ang pwet, katamtamang laki ng kanyang hinaharap. Hawig sila ng katawan ni Janine. Sa mukha lang magkaiba. Pareho silang maganda actually, pero yung mga mata ni Janine, matindi ang dating.

Pagkatapos naming mag dinner, tumuloy na kami sa Bedrock, isang bar na nagsara na pero along Adriatico sya nun at may live band. Maganda yung theme ng bar sa loob, mala-Flinstones at jungle. Magagaling din yung mga bandang tumugtog nung gabing iyon.

Dun kami pumwesto sa may pinakagilid na di daanan ng tao masyado. Medyo madilim din ito kasi natatakpan nung decor na puno sa harap. Order dito, tagay dun, dampot ng pulutan, kwentuhan. Ganun tumakbo ang aming gabi hanggang di namin namalayan, nakalimang bucket na kami ng Red Horse.

At syempre pa, alam naman natin lahat kung ano ang epekto ng alak, di ba? Pero ako di pa naman lasing, tipsy lang. Si Liz na katabi ko, tuwing may sinasabi sakin, medyo pabulong na at dumidikit na ang kanyang mga labi sa tenga ko. Di ko lang ininda kasi parang di tama na pag isipan ko ng malisya yung ginagawa nya.

Pero habang napapadalas yung bulong nya, sigurado akong may dila at laway na akong nararamdaman sa tenga ko. Dahilan upang medyo nabuhay si manoy. Kaya nung sumunod syang bubulong sana, hinarap ko na sya at sinalubong ang labi nya ng labi ko.

Ewan ko, nawala na sa isip ko kung may makakita o makakilala sa akin nun, pero naglaplapan kami ng matagal. Ubusan ng laway. Espadahan ng dila. Umuungol na din si Liz. Ang kanang kamay ko humahagod sa kanyang bewang, abot sa arko ng likod nya. Di ko lang pinaabot sa kanyang mga suso kasi obvious na masyado. Mga sampung minuto din yung laplapan namin. Natigil lang ito ng magpaalam syang mag ccr daw sya. Basang basa daw ang kanyang panty, bulong nya sa akin bago ito tumayo.

Pagkaalis ni Liz, napansin ko si Janine na nakatalukbo sa mesa. Hinawakan ko ang kanyang balikat at bumulong para marinig nya ako. Medyo may kaingayan din kasi yung tugtog. Kinumusta ko sya at sagot nya medyo masakit lang daw likod nya at nakakainggit daw kami tingnan kaya pumikit nalang daw sya.

KakaibaWhere stories live. Discover now