SAVING US - I

1.2K 26 14
                                    

I
.........


              "Doc.... Hinahanap po kayo ni Doc Vera." Sabi ng isang nurse kay Enrique paglabas nya ng emergency ward. Kakatingin lang nya sa isang nabangga ng motor at nabali ang buto sa tuhod.
            "Ah sige pupuntahan ko na lang sya mamaya... By the way... Call Doctor Salve para sa orthopedic surgery ng pasyente sa loob." anito tumango naman ang nurse saka inangat ang telepono para tawagan si Doc Salve. Kinapa naman nya ang cellphone nya sa bulsa ng lab gown nya at nakita nya ngang madami ng missed call si Vera sa kanya.

           Napangiti sya saka nya binalik ang cellphone sa bulsa nya at tumingin sa dinadaanan nya para lang mapatigil dahil kitang-kita nyang dumaan sa harapan nya ang taong di na nya sana gustong makita. Napakunot ang noo nya, alam ba nito na dito sya nagtatrabaho ngayon?
               Napailing sya baka hindi...baka may iba syang kailangan dito. Nagkibit-balikat na lang sya at pumasok sa elevator para puntahan sa clinic nya si Vera.

           Pagdating ni Enrique doon ay agad nyang bnuksan ang pintuan at nabigla sya ng makita na may pasyente si Vera.
            "Oops sorry... May pasyente ka pa pala.." Apologetic na sabi nya saka sya napatingin sa pasyente nito at di nya sinasadya na mapatingin sa lalaking kasama ng pasyente ni Vera.

                Daniel.....

            Maging ito ay halatang nagulat sa pagkikita nila pero mas mabilis syang nakapagbawi ng tingin mula dito.
            "Babe.... Tatapusin ko lang ang check up ko..." nakangiting sabi ni Vera. Napatango naman sya.
             "Okay.... Hintay na lang ako sa labas." Sagot naman ni Enrique at palihim nyang sinulyapan si Daniel na ngayon ay nakayuko na sa cellphone nito. Napailing sya saka nya sinara ang pintuan. Pagkasara ng pintuan ay agad syang naupo sa bench na nasa labas ng bawat clinic at room dito sa hospital.


             Pakiramdam ni Enrique nanghina sya, parang may kung ano sa sarili nya na nagbabalik na naman sa mga ala-ala na lagi nyang nais kalimutan pero lagi syang tinatraydor, laging bumabalik.
           Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng clinic ni Vera at lumabas ang pasyente na tinintingnan nito kanina. Tumango ito sa kanya. Tumayo naman sya, kasunod nito si Vera na lumapit agad sa kanya at humawak sa braso nya. Huling lumabas si Daniel, mailap ang mga mata nito di nya mahuli.

           "Babe.... Si James nga pala.. Sya yung sinasabi kong pinsan sayo na sa San Francisco naka-base... Kakauwi lang nila ngayon." Nakangiting sabi ni Vera. Tumango naman ako.
           "Nice to finally meet you Enrique... Madalas kang ikwento ni Vera sa akin....actually sa amin... Di ba love?" anito kay Daniel na doon lang nagtaas ng tingin sa kanila.
           "Ganun ba... I hope magagandang bagay ang ikinu-kwento nya." Nakangiting sabi ni Enrique.
            "Oo naman di ba love?" Nakangiting sabi ni James kay Daniel na isang pilit na ngiti naman ang binigay sa kanila.

            "Y-yes... Tama si James. Anyway... Nice to meet you Que---i mean Enrique." anito
           "Me too..." Matipid na sagot nya.
           "Pauwi na din sila Babe... Eto kasing si James di sanay sa init ng Pinas ayan medyo nilalagnat." ani Vera.
            "Oo nga di ko akalain na ganito kainit sa Pinas... O sige na uuwi na kami para makapagpahinga din." ani James di naman na nagsalita si Daniel.

          "Babe they are the reason why I'm calling you... Para makilala mo sila personally....anyway sasabay na ako sa kanila... I need to rest na din kasi... Twenty-four hours na akong gising" ani Vera may naaksidente kasing bus kagabi kaya kailangan nasa emergency room silang lahat para maattendan lahat ng biktima. Tumango naman sya.
          "Mag-ingat ka... Mag-ingat kayo." ani Enrique tumango naman si Vera saka sila naglakad papunta sa elevator at bago pa man sumara ang elevator ay tumingin sa kanya si Daniel.

Saving UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon