Chapter 12
Arianne's POV
Maaga kaming umalis ng Manila ni John para pumunta sa Capas, Tarlac, naiimagine ko na ang sariwang hangin sa kanilang lugar,
Nagleave ako ng tatlong araw sa kompanya, tatlumpong minute na lamang sabi niya at makakarating na kami sa kanilang tahanan,
Sakay kami sa isang van na kanyang inarkila,
Maya maya lang ay natanawan na naming ang kanilang bahay, tumigil ang sasakyan,
Naauna siyang bumaba at sumunod ako, nakaabang na ang kanyang pamilya doon, niyakap ako ng kanyang ina at nagmano ako
" naku? Hija, mabuti at nakarating ka dito sa aming lugar, tuwang tuwang sabi nito
At nakangiti lang ang dalawang kapatid nito, " pasok na tayo sa loob, yaya ng kanyang ama,
isang simpleng bungalow lamang ang bahay nina john, na wala pang pintura, pero maaliwalas ang loob nito dahil malalaki ang mga bintana, isang set na kahoy na mga upuan, at may maliit na lamesa, puro brown ang pintura ng mga muwebles nila na binagayan ng kulay cream na sahig,
" naku, pasensya ka na ate arianne sa bahay namin, babago pa lang akong nakakapagtrabaho kaya hindi pa namin maipaayos sabi ng pangitan niyang kapatid na si Joan
" ok lang naman, cute ang bahay ninyo at malinis, sagot ko naman,
Ngumiti lang ang mga ito, abalang abala na ang kanyang ina at ang bunso nitong kapatid sa paghahain, samantalang nagpunta sa kwarto si john para dalhin ang mga gamit namin.
............
" saan nga pala kayo nagkakilala nitong si John namin? Tanong ng kanyang ina
Hmpf, anong isasagot ko,
" sa isang welcome party ng kaibigan ko, ina, sagot ni John na nakatingin sa akin, saved by the idea john,
" ah, wala ka bang boyfriend hija, baka magalit yun pag nalaman na sumama ka kay john tanong ng ama nito na nagbibiro ang tono,
Napatawa ako,
" naku? Wala po, kabebreak lang po namin isang buwan na ang nakakalipas, sagot ko naman, buti naman at hindi na nagusisa ang mga ito,
Wala akong masabi ang sarap magluto ng nanay ni John, pinakbet at adobong manok ang inihanda nito, may kaunti pang salad at ube na ginawa ang nanay niya, mawiwili ako dito,hehehe
....................
Ericson's POV
Gabi na at nasa labas lang kami ni Arianne nakaupo sa Bermuda, at nanunuod ng mga bituin,tanging ingay lang ng kuliglig ang maririnig mo sa paligid,
" padamihan tayo ng constellation na makikita hamon ni Arianne sa akin,
" sige pa, sagot ko naman at tumingin na ako sa langit, sobrang dami ng bituin na parang mga isinabog na glitter sa kalangitan
" tingnan mo yun, rosary, sabay turo niya sa direksyon na may rosary, kaya ako naman ang naghanap
" nakikita mo yung parang zigzag na number 3, yun ang Cassiopeia sabi ko naman, at nagkita ako ulit
" at yang parang saranggola na yan, yan ang Big dipper at sa opposite ay little dipper turo ko ulit na malapit sa Polaris, the north star
BINABASA MO ANG
I'll Be Your Man (on going)
RomanceArianne Del Mundo was indespaired one day her grandfather asked her to give a grandchild, before he declare That she will be the next CEO of Del Mundo Capital Securities at the age of 25. At saan naman siya kukuha ng apo nito aber? Alangan namang ma...