8/3/2012
2nd year High School
"Reesa tawag ka ni coach Sara" classmate 1
"Ba't daw?" sagot naman ni Ree
"I don't know, just go." mataray namang sagot ni classmate 1 na pangalanan na lang nating Merlita
Well, if your wondering, hindi kasali si Ree sa choir. Si Ree ay varsity sa school namin. Volleyball ang sports niya.
"Siguro meeting niyo para sa Regional Meet." sagot ko habang kumakain ng cream puffs.
"Siguro nga, sige iwan na muna kita Han." paalam ni Ree bago niya ako iwan.
Habang palabas si Ree sa classroom biglang naghiyawan ang mga mahaharot kong kaschoolmate.
Well well well, ano pa nga ba ang ibig sabihin ng ganitong eksana sa mga nababasa niyo? Ano pa nga ba? Edi may gwapo o sikat na paraan. Dahil ako ang bida sa istoryang ito, hindi ko papansinin at magkukunwaring may sariling mundo o di kaya'y iisnod ko siya. Sorry guys pero ibahin niyo po ako. Pagkarinig ko pa lang ng tilian nila, syempre di ako papatalo! Takbo agad sis!
"ANDREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEW!" sigaw ko. Sis hindi pwede masapawan ang sigaw ko. Dapat lumingon siya sakin. Syempre nagsigawan rin silang lahat pero dahil ako ang bida, sakin siya una tumingin at ngumiti. Pagkangiti niya sabay takbo.
"Andreeeew!" Ang ate Han niyo hindi papatalo sa takbuhan, syempre hinabol ko! Kung san san lumusot si Andrew.
'Male' pagkabasa ko kung san si Andrew pumunta. Bakit dyan pa? Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan siya. Habang dinadail ko yung number niya may lumabas na lalaki. Kilala ko 'to.
"Tristan!" tawag ko sakanya. "Hi Han" bati niya sakin. "Pwedeng favor?" tanong ko sakanya. "Ano 'yun? Basta ba kaya ko." sagot niya habang nakangiti. "Pwede pakisabi kay Andrew lumabas na. ASAP. Thank you."
"Bakit naghabulan nanaman kayo?"
"Alam mo na, as usual Hehe" nahihiyang sagot ko kay Tristan. Opo may hiya po ako, slight.
Ngumiti lang siya pabalik at pumasok na ulit sa CR. Hindi ko na tinuloy 'yung dinadial ko dahil alam ko naman 'di rin niya ito sasagutin.
"Kuya andyan parin ba siya sa labas?" nakinig kong pabulong na tanong ni Andrew kay Tristan.
"OO ANDITO PA AKO SA LABAS!" sagot ko. Akala niya siguro lumabas na ako.
"Labas ka na daw sabi ni ate mo. Bilisan mo baka mas lalo pa siyang magalit." narinig kong sinabi ni Tristan kay Andrew. Lumabas na rin sa wakas si Andrew. Oo, kapatid ko si Andrew. Kukunin ko sakanya yung baon ko, sabi ni mama binigay daw niya sakanya kasi buo yung pera at nauna siyang pumasok sa school. Yung kinakain ko kanina? Pagkain yun ni Ree, humingi lang ako.
Inabot naman niya agad 'yung baon ko na 100 pesos, pero dahil malas ata ako ngayong araw , hinangin yung 100 pesos ko. Sinubukan kong hablutin pero parang mas napalayo ko pa. Narealize ko na 'yun lang 'yung pera ko, wala kasi akong dalang extra. Sinundan ko ng tingin yung pera habang hinahangin. Puno. Sa puno naglanding yung isang daan ko.
Tinignan ko si Andrew, 'yung tingin na anong gagawin ko? Pabalikbalik yung tingin ko, kay Andrew, sa puno, kay Andrew, sa puno, kay Andrew. "Naabot ko na, ang bagal mo makasing kunin, hindi ko yan kasalanan." sagot niya. Hala ano gagawin ko? Pano ko maakyat yun? "Alis na ako ate, kokopya pa ako ng assignment." paalam niya. Walang kwentang kapatid talaga siya.
"Tara, kunin natin." Oo pala! Andito pa si Tristan.
"Talaga???" Ang bait niya talaga! So bumaba na agad kami at pinuntahan 'yung puno kung san hinangin yung isang daan ko.