Nakatayo na kami sa punong nilandingan nung isang daan ko. Sa dinami dami ng punong pwedeng paglandingan ng pera bakit ito pang pinakamataas? Kaya ko namang akyatin, pero nakapalda kasi ako, kaya kumuha ako ng stick. Susundutin ko na lang para malaglag pero yung nakuha kong stick naputol agad. Marupok, parang ako. Naghanap ulit si Tristan ng stick na mas matibay. At sa wakas after five minutes, nakahanap na rin siya ng mahaba at matibay na stick.
"Tristan! Kanina pa kita hinahanap." hingal na hingal na sabi ni Wesley. "Pinapahanap ka ni Sir Jordan, magreport ka daw agad sakanya. Ngayon na." paliwanag niya.
"Han, sorry maiwan na muna kita. Kilala mo naman si sir kung nagpapatawag ng estudyante, gusto niya magpakita agad."
"Okay lang ako Tristan, kaya ko na 'to. May stick naman na. Thank you ulit!" Umalis na nga si Tristan. So tinry kong sundot sundutin pero wala parin. Wala na akong choice, aakyatin ko na 'tong punong 'to. Sanay na ako sa mga ganito, hindi sa akyat bahay ako ah. Tinignan ko muna ang paligid para sure na walang makakasilip sakin habang umaakyat ako. Dahil secure na ang paligid, umakyat na ako.
Malapit na. Malapit na. Unti na lang maabot ko na. Maaabot ko naaaaaaaahhhh!
Nalaglag yung isang daan kasama ako. Sabay kaming nalaglag!
Pinikit ko ang aking mga mata ko. Alam ko masakit 'to. Ang tanga ko bakit ko ba naisipang umakyat. Inexpect ko na 'yung sakit!
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" Ang sakit!!!!! Wait asan 'yung sakit??
Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at ang tumambad sakin ay ang mukha niya. At iyon ang aming unang pagkikita.