Mga paang mabibilis ang mga hakbang tila may hinahabol sa kalaliman ng gabi, sa isang mabundok na bahagi ng Bicol. Tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing saksi sa paghahabulang iyon.
"Magiingat kayo, may bangin malapit sa terrain na ito." pagbabala ni Captain Capistran sa mga tauhan nya.
"Yes sir.." halos sabay-sabay na sagot ng mga tauhan nito.
"Hindi natin dapat hayaang mabuhay iyon. Dahil kapag nabuhay yon, makakatestigo yon laban sa atin. Malilintikan tayo sa itaas nito, masisira ang pagpi-frame up natin sa mga rebelde." mahabang pahayag ni Captain Capistran.
Isang grupo ng elite special forces na inatasang dumakip kay Arthur Santillan. Isang haciendero na pinaghihinalaang kasapi ng kilosan ng mga rebelde. Ngunit hindi naging maganda ang kinahantungan ng sana ay pagdakip lamang dito. Dahil sa ambisyon ni Captain Capistran naging madugo ang kinahantungan ng lahat.
Mula sa di kalayuan may kumaluskos, mula sa mayabong na mga damung gubat.
"Banatan nyo!" utos ni Captain Capistran sa mga tauhan.
Sunud-sunod na putok ng M16 rifles ang pumunit sa katahimikan ng gabing iyon.
"Kumander, hindi tayo pwedeng magtagal dito. Baka makasalubong natin ang mga sundalong may ni-raid malapit dito." paalala ng isang meyembro ng kilosan.
Nakayuko si Kumander Frederick Zaragosa, na mas kilala sa tawag Ka-Ricky ng mga nasasakupan nya. Sya ang pinuno ng mga rebelde na nagooperate sa bahaging iyon ng probinsya. Ang mga malalamlam na mata nito ay nakatingin sa isang kaawa-awang bata. Marami itong galos sa katawan at may daplis itong tama ng bala sa may tagiliran. Nakadapa ang bata sa may malaking bato malapit sa ilog.
"Hindi natin sya pwedeng iwanan dito. May mga sugat sya, kailangang magamot kaagad ito bago pa sya maubusan ng dugo." wika ni Ka-Ricky sa tauhan nya.
"Wala na yatang buhay yan Kumander." wika ng isa nyang tauhan.
Hinawakan ni Ka-Ricky ang katawan ng bata at dahan-dahan itong itinihaya.
"Isang batang babae!" bulaslas ni Ka-Ricky. " Humihinga pa sya.. Bilis akin na ang medical kit!" utos nya sa isang tauhan.
Agad naman itong lumapit at inabot kay Ka-Ricky ang medical kit. Dati syang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines. At maliban doon isa syang magaling na doktor ng medisina. Ngunit nang malaman nya ang kurapsyon sa loob ng Sandatahan biglang nabago ang kanyang mga pananaw. Namulat sa katotohanan, sabi pa nga ng marami.
"Tara na kailangan madala ko kaagad sya sa kampo para matahi ko ang kanyang sugat sa tagiliran." sabi ni Ka-Ricky sa mga tauhan nya. Matapos malapatan ng paunang lunas at bigkisan ang sugat nito. Agad nitong bihuhat ang bata at mabilis na lumayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Beautiful Yet Deadly - Sparrow
Action"Buhay kapalit ng mga buhay ninyong kinuha nila, pati na ang buhay na pinagkait nila sa akin. Iyan nalang ang tanging rason kung bakit ako nananatili na buhay ngayon. Hindi ako titigil hangga't hindi nila hinuhugasan ng dugo nila ang markang iniwan...