Chapter 4

77 3 0
                                    

Tila nagdilang anghel naman si Estong sa sinabi nitong mahahanap agad ng taong inutosan ni Fred si Artemio Santos. Dahil makalipas ang dalawang araw natunton na nito ang kinaroroonan ni Artemio. Ayon dito wala na ito sa dati nitong tinitirhan sa Marikina, naroon na daw ito sa may Malabon. Matapos sabihin  kay Estong ang eksaktong address nito, ay agad namang pinaalam ni Estong kay Fred ang magandang balita.

"Sigurado ba syang si Santos yon?" paniniguro ni Fred kay Estong.

"Kumpirmado Ricky, hindi magkakamaling magsabi ng maling balita sa akin yon dahil sa akin naman sya malalagot. Hehehehe." sabi ni Estong kay Fred at tumawa pa.

"Mabuti kung ganon, pupuntahan ko na agad sya. Iiwan ko na muna si Amelia dito sa inyo ng asawa mo." agad na sabi ni Fred na naghahanda na para umalis.

"Sige, walang problema.." agad namang pagpayag ni Estong.

"Papa, saan ka pupunta?" nagaalalang tanong ni Amelia na nakarinig pala ng pinagusapan nila ni Estong.

"Pupuntahan ko lang yong dati kong tauhan Amelia, maiwan ka muna dito kila Estong ha?" masuyong sabi ni Fred kay Amelia.

"Sabi mo hindi mo ako iiwan Papa, tapos ngayon aalis ka nang hindi ako kasama.." tila nagtatampong sabi ni Amelia. Naguumpisa nang mamula ang mga mata nito, nagbabadya nang umiyak.

"Babalik din naman ako agad eh.. Saka hindi kita pwede isama dahil delikado." masuyong pagpapaliwanag ni Fred kay Amelia.

"Wag kang magalala Amelia hindi ka naman namin pababayaan ni Tata Estong mo, at babalik din naman agad ang Papa mo eh." sabat naman ni Dora na asawa ni Estong. Nakabalik na ito galing sa kapatid sa Bicutan.

"Oh narinig mo sinabi ni Nana Dora mo, babalik agad ako anak.." pangungumbinsi ni Fred kay Amelia.

"Promise?" naiiyak na tanong ni Amelia.

"Promise Amelia.." nakangiting sabi ni Fred na itinaas pa ang kanang kamay.

"Sige, bumalik ka agad Papa ha?" pagpayag ni Amelia. Pero hindi na napigilan ang mapaluha. Natatakot kasi sya baka hindi na bumalik si Papa Fred nya.

"Pangako Amelia.." muling sabi ni Fred na nakahinga na ng maluwag dahil sa wakas pumayag na rin si Amelia.

"Basta dito lang kayo ni Nana Dora mo sa loob ng bahay ha?" bilin ni Fred kay Amelia bago sya umalis. Tumango lang si Amelia habang pinupunasan nito ang mga luha. Matapos nya itong halikan sa noo ay agad na syang umalis.

Matapos na bilinan ng mabuti ang mag-asawa ay agad namang nagtungo si Fred sa Malabon kung saan naroon si Artemio. Buti nalang nakadiskarte si Estong ng sasakyan kaya hindi sya mahihirapang hanapin ang bagong tinitirhan nito. Agad nya namang natunton ang tinitirhan nito. Nagmanman muna sya sa labas ng bahay nito ng mga ilang oras, upang masiguro nyang ito nga ang sinasabi ng impormante nila.

Hindi naman nagtagal nakita nya ito, hindi naman nagbago ang itsura nito. Maliban lang sa pumuti na lahat ng buhok nito sa ulo. Nakita nya itong lumabas ng bahay, mukhang babalik naman ito agad dahil wala naman itong ano mang dala-dala at parang nakapang bahay lang ito. Nang makaalis na ito ay agad naman sya bumaba ng kotse at lumapit sa bahay nito.

Nang pihitin nya ang doorknob nakalock ito. Kaya umikot sya sa likurang bahagi ng bahay, dahil hindi nya gugustohing buksan ang pintong iyon. Kilala nya si Artemio, hindi ito basta-basta umaalis ng bahay na wala itong iniiwang sorpresa sa bahay nito. Nang masiguro nyang walang trap sa likurang pinto ay agad nyang nabuksan iyon.

"Sinasabi ko na nga ba eh.." nakangiting sabi ni Fred.

May nakita kasi syang improvised explosive na nakakabit sa likuran ng pinto nito. At ang trigger ay nasa may knob ng pinto, pag may ibang taong nagbukas nito maliban dito siguradong sasabog iyon. Iyon kasi ang specialty nito ang explosives. Kung explosives lang ang paguusapan, para itong si Santa Claus maraming sorpresa.

Beautiful Yet Deadly - SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon