Makalipas ang limang araw tumawag si Artemio sa kanya. Gaya ng naisip nya, hindi pa rin talaga ito pumapalya. Pero ikinagulat nya ang sinabi nito sa kanya, bigla syang kinabahan para sa kaligtasan ni Amelia.
"Hello Fred?" agad na sabi ni Artemio sa kabilang linya. Tila hindi ito mapakali.
"Artemio, kamusta na ang pinapagawa ko sayo?" agd na tanong ni Fred nang mabosesan nya agad na si Artemio sa kabilang linya.
"Nakuha ko na, tulad ng instructions mo. Kaya lang may konting problema.." sagot ni Artemio.
"Anong problema Artemio?" agad na tanong ni Fred na naalerto agad.
"May inutusan ka bang tao na maging anino ko?" tanong ni Artemio.
"Wala.. Bakit?" sagot ni Fred.
"Kung ganon hindi nga sa atin itong umaanino sa akin, noong isang araw pa ito nagumpisa eh. Hinayaan ko lang akala ko inutusan mo, pero hindi maganda ang kutob ko kaya tumawag na ako sayo para makumpirma. Kung kakampi nga ba ito o hindi, mahirap kasi baka pagdinali ko ito tapos inutusan mo pala." paliwanag ni Artemio.
"Makinig ka Artemio, wala akong inutusang magsurveillance sayo. Dahil kung meron man, sa umpisa palang mapapasin mo na agad pagkabigay ko sayo ng mga pinagagawa ko." sabi ni Fred.
"Kung ganon, hindi nga ito sa atin.. Sige ako nang bahala dito." sabi ni Artemio.
"Artemio, wag mo munang papatayin. Baka may makuha tayong impormasyon. Teka nasaan kaba, bakit parang ang ingay ng kinaroroonan mo?" si Fred.
"Nandito kasi ako sa sasakyan, papunta na sana ako dyan sa inyo. Kaya lang hindi pa rin lumulubay tong buntot ko eh. Kaya naisipan kong dumiretso ng highway, malapit na ako sa Batangas ngayon. Hehehe." sagot ni Artemio na natawa pa.
"Sige, icapture mo yan. Ikaw nang bahala, tulad ng dati." bilin ni Fred.
"Yes Sir! Namiss ko din itong ganito, kala ko habang buhay nalang akong kakalawangin sa isang tabi..Hahahaha." sabi ni Artemio pagkatapos tumawa ng malakas at nawala na sa linya.
Natawa naman si Fred sa huling sinabi ni Artemio. Hindi pa talaga ito nagbabago, agresibo pa rin ito at maloko. Pero hindi naman nabawasan ng ganoong ugali nito ang pagiging magaling nito. Ilang beses nya na itong sinubukan sa field at ilang beses na rin nitong pinatunayan sa kanya ang galing nito. Kaya kampante syang ito ang inatasan nyang gumawa ng mga kailangan nya. Kaingalan nyang mailabas ng bansa si Amelia sa lalong madaling panahon, dahil hindi pa nila alam sa ngayon kung sino-sino ang mga kalaban nila. Kung sino ang talagang utak ng mga nangyari sa kanila.
"Ayos na ba ang pinapagawa mo kay Artemio?" tanong ni Estong sa kanya dahil napansin nitong nagaalala sya.
"Oo, kaya lang may problema.." sagot ni Fred.
"Ha, anong problema?" agad na tanong ni Estong na bumalatay na din sa mukha nito ang pagaalala.
"Naguumpisa nang makakuha ng atensyon ang presensya namin ni Amelia dito sa lungsod." agad na tanong ni Fred na napatingin kay Amelia na nang mga oras na iyon masayang kausap ang asawa nitong si Dora.
"Sa tingin mo ito na iyong mga kalaban nyo?" nagaalalang tanong ni Estong.
"May kutob akong ganon na nga, kaya kailangang makalabas na agad kami ng bansa bago pa man nila malaman na buhay din ang bata. Dahil may kutob ako na iisa lang ang nasa likod ng mga nangyari sa amin." sagot ni Fred.
"Kung ganon sana makaalis na agad kayo.." sangayon ni Estong.
"Estong sabihan mo ang mga bata mo na, pupunta dito si Artemio. Sabihan mo silang kumalma, bago pa magkaroon ng hindi pakakaunawaan. Kilala ko si Artemio, hindi magdadalawang isip iyon na pumatay kung kinakailangan." pahayag ni Fred.
BINABASA MO ANG
Beautiful Yet Deadly - Sparrow
Acción"Buhay kapalit ng mga buhay ninyong kinuha nila, pati na ang buhay na pinagkait nila sa akin. Iyan nalang ang tanging rason kung bakit ako nananatili na buhay ngayon. Hindi ako titigil hangga't hindi nila hinuhugasan ng dugo nila ang markang iniwan...