Chapter Six

70 3 0
                                    

Pano to?

Dumaan ang mga araw, nalaman ko na rin ang pangalan niya. Siya pala si Faye. Bagay sa kanya yung pangalan niya! Kasing-cute niya. (Hoy Ranz bakit ganyan ka! Hahaha para kang tanga. Nacucute-an ka sa babae ah.)

Ang haba nga ng pangalan nun eh. Pero Faye Elizalde lang ang natandaan ko. May first name pa ata siya bago yung faye. Tapos may pangalan pa siya after ng Faye. Grabe lang ah para siyang mauubusan ng pangalan.

Madalas ko siyang nakakasalubong sa school. Pag nagkakasalubong kami nakayuko lang siya. O kaya naman pag kasama niya mga kaibigan niya jusko panay ang tulak sakin. Nakikita ko rin siya pag naglalagay sa locker. Isang locker lang kasi pagitan ng lockers namin. 2nd row kasi parehas yung locker namin. 1-6 sa unang row tapos 7-12 sa pangalawang row. Number 11 yung kanya, tapos 12 ng locker nila then yung akin na na number 7. Kaya pag naglalagay o kumukuha siya ng gamit sa locker eh minsan nakakasabay ko siya. Di ko maiwasang di tumingin kasi parang may strange feeling sakin na pag nakikita ko siya may something.

Para kang praning Ranz!!! Tumahimik ka nga ang korny mo na.

Onga pala, Friday ngayon. Nakakatamad magdota kasi gabi na kaya bubuksan ko na lang FS ko. Nabulok na rin to eh haha.

Issearch ko si Faye. Mukang photogenic din eh. Baka nga. Haha.

Teka may friend request pala ako. *click*

Faye Elizalde

Confirm                                         Delete Friend Request

Kinonfirm ko na. Grabe siya pa talaga ang nag-add sakin ha. Crush yata ko neto eh! Hahaha.

Bah nagcomment pa sa profile ko.

"Thanks sa accept Ranz. :)"

Nagcomment ako sabi ko wala un. Haha bakit ganito ang torpe mo Ranz! Nabasa niya kaya yun? Pfft madaling araw na rin pala kaya baka nag-out na yun.

Tinignan ko mga picture niya. Ang ganda at ang cute niya nga talaga. Ang ganda na nga sa personal, photogenic pa. Wow, what a girl.

Grabe, ngayon lang ako natorpe nang ganito ah. Gangster tapos torpe? Huwawawaw.

May mga pictures siya nung nagsantacruzan siya. Muka siyang anghel bumaba sa lupa. ANG KORNY KO NA BA TIGNAN? Wala akong masabi ang ganda naman kasi talaga niya.

WTF DID I JUST DID?! Ginrab ko yung picture niya. Di ko alam kung bakit at pano ko nagawa un. O____________O Yung nakanguso siya na parang bata! Pssh. Nu ba yan, makita niya kaya? Siguro hindi bakit niya naman bibisitahin profile ko di ba =_= Sagarin na natin. Dadamihan ko na. Lalo na nung santacruzan. Wow, just wow. Nakakainggit yung dalawang partner niya. Parehas may itsura ah. Pero mas gwapo pa rin ako sa dalawang kumag na to! Hahahaha.

Last na nga tong naka-violet siya. Ang ganda niya eh, para siyang prinsesa. Nakakorona pa. Hanep!

Makatulog na nga! Ala-una na ng madaling araw. Haha.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sabado na pala? Haha anong oras na rin ako nagising. Magdodota muna ko.

Di ko kasama sila Nard. Tong mga tropa kong taga rito ung kalaro ko. Sus mga weak!

Paborito kong hero si Razor. Wag mo nang tanungin kung bakit kasi di ka makakakuha ng matinong sagot. Haha lol.

Natapos din ang laro. Panalo na naman kami! Syempre kasama ko sa grupo eh talagang mananalo kami. Hahahaha.

Mabuksan nga ang FS.

Faye commented on your profile

"Kamusta? :)"

Waw nagcomment siya. Ok lang sagot ko. Hahaha. Ang dry ba ng pagkakasagot ko? Di ko maexplain kung bakit e. =____=

Di alam nila Jerison yung paghanga ko sa kanya. What? Crush ko siya? Grabe. Tinamaan ba ko rito sa babaeng to? Lakas naman bg kamandag nito.

Wait, what?!! Nagcomment siya sa profile ko. So pwedeng nakita niya rin yung mga picture na ginrab ko?! WHOOOOOOOAAAAA.

____________________________________________________________________________________________________________

Nakita niya kaya yung mga picture niya sa profile ko?

Ambobo ko naman kasi bakit nawala sa isip kong friend ko na siya eh!

Pano to? Baka mahalata niya?!

Wag naman sana... Wag muna.

The Angel Meets The Devil (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon