Chapter Two

70 2 2
                                    

First Day of School

Yes! Tapos na ang summer vacation. \m/ May pasok na ulit! Makakapagchikahan na ulit kami ng mga best friends ko. Yipee! Ilang buwan din kami di nagkita ng mga yun, I'm sure andaming kwento nun.

---

Andito na ko sa school, whoo! High school na ko! Di na ko bata yeah. Hahaha! Aakyat na nga ko sa room namin. Pfft, daming bata. Hirap na nga maglakad dahil napakabigat ng bag, tapos dami pang nakaharang na bata. =___= Imagine 16 notebooks, 8 books, tapos school supplies all in one bag! Kamusta naman diba. Tapos 3rd floor pa room namin, good luck! *Kaya pala alam ko na agad kung saan ang room at section ko kasi pinopost na yun sa bulletin board sa ground floor before pasukan. For the benefit din siguro ng mga transferee sa school.*

Okay! Nandito na ko sa room. Bababa ko lang tong bag ko tapos pupunta na ko kina Abby at Kate.

"HOOOOOOOY!" sigaw ko sa kanila.

"HAHAHAHA nandito ka na pala!" sabi ni Abby habang tumatawa sila ni Kate.

"Bakit ba kayo tumatawa?"

"Ang ayos kasi ng neck tie mo eh! Anong klase yan hahaha!" tawa pa nila.

"HAHA malay ko ba kung pano mag neck tie!!!!! Di naman ako marunong e. =___=" sabay tawa

Malay ko ba kasi kung pano mag neck tie. Eh nung elem, ribbon at belt lang naman na sinusuksok sa uniform ung accessories ng uniform eh. Ngayon neck tie na, eh di pa ko nakapagpaturo kay tatay kung pano magknot ng neck tie eh. Kaya pinaayos ko na lang sa kung sino man ang nag-ayos nun.

Okay the class starts and we met our adviser na. Si Teacher Jacq. Cool siyang teacher, makulit. Inintroduce niya na yung sarili niya, tapos kami. Pagkatapos nun may nakapost sa blackboard, yung prayer before and after class, prayer before meal, mission and vision. Tapos inoorient niya kami kung ano ba ang meaning ng school name namin. May mga sumagot, siyempre ako rin. Tapos pinakopya niya lahat ng yun samin. Andami nun, kamusta naman diba.

Nung kumokopya kami, biglang may kumatok sa room. Nakita namin si Sir Rey, tapos may mga estudyante sa labas. Alam na naming room visit yun. Kasi sa school may tradition na every first day of school every year na bibisitahin ang bawat room, laboratories, etc. para mafamiliarize yung mga students sa school.

Pumasok sila sa room namin, nakaharap sila samin na nakaform ng line.

"Good morning Teacher Jacq, good morning 1st Year - Love. We are the 2nd Year - Joy students." bati nila.

"Good morning Sir Rey, good morning 2nd - Year Joy." bati naman namin.

"Balita ko may gwapo raw sa section niyo ah!" said T. Jacq.

Biglang lumabas sa linya sa likod yung guy na maitim, katamtaman ang height at medyo chubby, si Kuya Maverick. Nagpacute siya, hawak-hawak yung ilong niya. Yung parang pinipitik yung ilong gamit yung thumb. Nagtawanan lang kami. HAHA! Tapos, may bigla silang tinulak galing din sa likod. Maputi, katamtaman lang ang tangkad at katamtaman lang din ang pagkapayat. Nakayuko siya at nakahawak din sa ilong. *Bakit kaya pag nagpapacute, dapat nakahawak sa ilong? >n<* May name tag siya, Ranz ang nakalagay. Binibigay yun ng mga adviser sa estudyante sa first day of school. Napangiti ako at napatingin kay Kate, alam niya na kung anong nasa isip ko. Gwapo eh. X"> INSTANT CRUSH!

Di nagtagal, umalis din sila. Sabi ng adviser namin, pag natapos namin agad yung pinapasulat samin, maglilibot din kami ng school. Yeah nakapaglibot nga kami, pero di naman kami nakapunta sa room nila dahil naglilibot din sila. *AWHHHHH*

______________________________________________________________________________________________________

What a day! Nakapagkita-kita rin kami ng mga best friends at kaklase ko at nakakita pa ako ng gwapo, na agad-agad ding naging crush ko.

What a day, what a first day of high school!

The Angel Meets The Devil (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon