05

4 0 0
                                    

05

"Bakit ba napaka-ingay ng alarm clock na 'to?"

Bumangon na ako para patayin at itapon ang alarm ko. Pa'no sabado kasi ngayon tapos maga-alarm? Ano in-enjoy ang school hours ganun?

Matutulog na sana ulit ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko.

"Ate baba ka raw!" sabi niya. I bet sinigaw niya 'yun magmula sa baba.

Pero teka sinong bisita? Sinong nasa baba?

Tinignan ko muna 'yung sarili ko sa salamin, naghilamos, nagtoothbrush, tapos inayos ang suot na damit. Syempre kahit sisiga-siga ako sa utak ko concern parin ako sa magiging itsura ko kunsakali man na may bisita.

Malay mo gwapo.

Pero nagkamali ako. Dapat pala hindi ako naghilamos at nag toothbrush. Dapat natulog nalang ulit ako. Dapat hindi na ako bumaba.

Hindi naman kasi bisita ang nasa baba. Bwisita.

At hindi rin gwapo ang nasa babae. Panget. OO PANGET!

"Anong ginagawa mo dito?" pagtataray ko sa taong nasa baba. So ano simula na ba 'to ng pagha-hunting sa'kin ng seventeen members?

"Tama nga ang sinabi  ni  hyung. Tanga ka nga." sabi ni Mingyu. Aba ang lakas naman ng loob neto na pagsabihan akong tanga ah.

"Naiwan mo bag mo sa room kahapon. Aral muna kasi bago landi." sabi niya. Hinamps ko naman sa kan'ya 'yung bag ko. Pasalamat siya wala 'tong laman kundi baka bukol bukol na siya.

"Kareah itigil mo 'yan." sabi ni mama.

"Aray naman! Tama na talaga si hyung. Tanga na nga sadista pa. Balak mo naman yatang asintahin 'yung ulo ko." sabi ni Mingyu. Tumigil naman ako dahil nakalimutan kong nandito nga pala si mama.

"Hi mama." sabi ko sabay peace sign.

"Tita 'yung anak niyo po pangarap maging killer." sabi niya.

Nyanyanya.

"Kareah umayos ka nga. May bisita tayo." bwisita ma, hindi bisita, BWISITA, "Mingyu pagpasensyahan mo na 'yan. Naistorbo nanaman ata ang tulog kaya gan'yan." oo piste ikaw lang pala dumating. "Punta ka nalang sa dining at dun nalang kayo mag-aral ni Khora."

Okay, nakalimutan kong siya nga pala ang nagtu-tutor sa kapatid ko. Bakit ba kasi ako nagkaro'n ng kapatid na kailangan pang tutoran? At bakit si Mingyu pa talaga magtu-tutor?

Hindi ko nalang 'yun pinansin at dumiretso nalang sa kusina para kumuha ng pagkain at gagawin ko talaga 'yung best ko para iwasan 'yung dining.

~S~V~T~

Bakit sobrang boring ng buhay ko? Gan'yan din ba 'yung naiisip niyo kapag wala kayong magawa?

Syempre oo.

Wala akong maaya gumala. Umalis nanaman sila Grace at hindi ko alam kung may balak pa ba siyang bumalik. Isa pa, kahit naman nakakapaglakad na ako medyo (medyo lang) namamaga pa 'yung paa ko, medyo sumasakit pa 'pag nilalakad ng matagal.

"Bwisit na bwisit na talaga ako." sabi ko dahil wala talaga akong magawa. Hinagis ko nalang 'yung phone ko dahil sa kainisan.

Lumabas ako at bumaba para manood ng tv. Nakita kong nasa sala na sila Khora nag-aaral pero hindi ko nalang 'yun pinansin. Binuksan ko 'yung tv at nilipat sa korean channel.

"Ate hindi ka naman maingay." reklamo ni Khora. Nilakasan ko 'yung volume kasi ang ingay nila 'di ko marinig.

"Hindi ako 'yung maingay, 'yung tv." sabi ko.

"Hinaan mo. May subtitle naman." sabi niya. Si Mingyu naman ay nakatuon ang atensyon sa tv. Produce x 101 kasi ang pinapanood ko ngayon. O wag mo sabihing pangarap niya rin maging trainee. Baka matanggal siya agad.

"Kayo mag-adjust." imbyerna kong sagot. Bakit ba kasi 3 pm na may tutor parin?

Kinuha naman ni Mingyu ang remote at mi-nute ang tv tapos nagpatuloy na sa ginagawa nila.

"Ba't mo ni-mute? At bakit ba alas-tres nandito ka parin?" inis kong sabi.

"E bakit ka na nagagalit?" sabi niya pero ang atensyon nasa ginagawa ni Khora. Umirap ako. Sasagot na sana ako nang biglang may magdoorbell.

Tumayo na ako para pagbuksan kung sino ang hinayupak na 'yun. Oo hinayupak malay mo seventeen nanaman.

At, hinayupak nga.

"Ano?" bwisit kong sagot. Bakit ba nasa harap ko nanaman si Sungcheol?

"Pinapabigay ni mama kay tita." sabi niya. Kinuha ko naman 'yung kinuha niya at mabilis na pumasok sa bahay at sinaraduhan siya ng pinto.

Nilapag ko 'yung pinapabigay niya at nanood ulit.

3:30 na at hindi parin natatapos sila Mingyu. Kelan kaya lalayas 'to? Aba gagawing tirahan ang bahay namin?

"Kareah, tutal bored ka naman, bakit hindi mo nalang samahan si Sungcheol hyung. Nagpapasama kasi siya sa may bayan e malay ba namin kung sa'n banda sa bayan 'yung pupuntahan niya. 'Di niya rin alam kung saan e." mahabang paliwanag ni Mingyu.

Aba aba aba ako? Ako? Ako pa talaga? Ako nanaman nakita neto.

"Bakit ako? Kaibigan ba ako? May bunganga 'yan kaya niyang magtanong. Isa pa, masakit 'yung paa ko." sabi ko.

"Masakit daw e nakapaglakad ka na nga. Nakapag-akyat baba ka na nga ng hagdan e." sabi niya. Umirap naman ako.

Bakit?

Bakit ba?

BAKIT BA KASI AKO PA?

"Bakit ba ako? Bwisit talaga kayo noh." inis kong sabi.

"E bakit ayaw mo?"

"Masakit paa ko nga kasi. Medyo makulit o medyo slow lang Mingyu?" naiirita kong sabi.

"Asus masakit daw. Dali na samahan mo na."

"E bakit mo ba kasi ako pinipilit? Pilipitin ko buto mo r'yan e."

"Bayad man lang sa paghampas mo sa kan'ya. Ang sakit kaya nung pagkakahampas mo sa kan'ya. Nanghihina braso nun pag-uwi niya. Hindi siya magalaw ng maayos." sabi niya.

"So, kino-konsensya mo ako? Nag-sorry ba siya o kahit sino sa inyo nang dahil sa warfreak niyong fandom?" inis kong sabi. Umakyat na ako sa taas dahil nai-imbyerna ako sa baba.

Ako pa, ha. Ako pa talaga ang dapat mag-sorry.

Deserve niya 'yun. Kulang pa nga e.

~S~V~T~

Kim Mingyu
active now

7:43 PM

Mingyu:
Oy 
Sorry

Kareah:
Bakit?

Mingyu:
Labo mo
Gusto mo may mag sorry dahil sa fangirls tas ngayong may nagso-sorry na tatanungin mo kung bakit

Kareah:
Ah
Okay

Mingyu:
Pero seryoso
Lagot ka nasaktan mo si Sungcheol hyung panagutan mo braso non
Galit ka parin ba?
Dahil sa nangyari?
Seen

Run to you (Seungcheol x Reader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon