23
Isa lang naman ang gusto kong mangyari e.
Mapalitan si Seungcheol bilang escort ko.
Mahirap ba 'yun?
"Hi po tita." sabi ni Seungcheol nang makarating siya sa bahay namin. Pasimple naman akong umirap. Tita? Close lang ganun close lang?
"Hi Seungcheol! Upo muna kayo saglit ihahanda ko lang 'yung miryenda niyo." sabi ni mama. What miryenda? Bakit 'pag kami walang ganun pero 'pag si Seungcheol meron?
Sino ba talagang anak? Huhu.
Dumating na si mama dala ang napakaraming pagkain. Hah, sana ma-impacho siya kapag kinain niya 'yan lahat.
"So ayun, kailangan muna natin ilista lahat ng magiging 18 roses, 18 candles, 18 treasures, 18 balloons, uhm, ano pa gusto mo?" sabi ni mama. May naisip naman ako hehe.
"18 blue bills tsaka 18 yellow bills. Tsaka mama p'wedeng ilipat nalang si Seungcheol sa 18 blue bills tutal mayaman naman sila." sabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni mama.
BAKIT BA IBANG-IBA ANG PAKIKITUNGO NIYA SA'MIN NI SEUNGCHEOL? SINO BANG ANAK NIYA TALAGA HA?
"Ayun, magkakaro'n din tayo nung sinasabi mo. Ano pa? Gusto mo ng 18 bags, 18 shoes, tsaka 18 dress?" sabi ni mama. No gusto ko 18 house and lot tsaka 18 cars.
"Oo nalang." sabi ko dahil sa totoo lang wala naman akong pake e. Kahit nga kumain nalang kami dun sa birthday ko ayos lang e. Pagkain lang sapat na.
"Sige. Unahin muna natin 'yung 18 roses. Syempre isasama na natin 'yung seventeen members d'yan."
WHAT?
PATI BA NAMAN ANG LABING DALAWANG 'YUN NANDYAN?
Okay lang sana kung si Seungcheol e, pero shems na malagket ano ba naman. Enough na si Seungcheol sa kainisan ko. Pati ba naman sila dadagdag? Pa'no na ang araw na 'yun sirang-sira na?
Buong pag-uusap namin nakabusangot lang ako. Bakit ba kasi isasama pa sila? P'wede namang, sige invited sila pero p'wede bang hanggang dun nalang 'yun ha?
"Sarap plantsahin ng mukha mo." sabi ni Seungcheol. Hindi ko namalayan na kaming dalawa nalang pala ang natira rito.
"Bakit ba kasi isasama mo pa 'yung labing dalawang alagad mo ha? Ayos na 'yung ikaw lang e. Kaso may labing dalawang bwisit na dadagdag piste." ang ibig sabihin ko r'yan ay ayos ng siya lang ang piste sa araw na 'yun. Wag kayo mga utak niyo ha.
"Ayaw mo nun? May labing tatlong gwapo ang isasayaw ka. Tapos 'yung escort mo pa 'yung pinaka-gwapo." sabi niya. Inirapan ko naman siya. Yuck eww kadiri mas pipiliin ko nalang po na mag-escort ng tambay.
"Bwisit ka talaga ng buhay ko." pagkadiin-diin kong sabi. Totoo naman e always nalang bini-bwisit ako.
Natapos na ang pag-uusap namin tungkol sa 18 chubaness. Nang matapos ang usapan namin mas lalo pa akong tumamlay.
Inaya narin ni mama si Seungcheol para sa bahay kumain ng dinner kaya 'yung katamlayang taglay ko ay mas nadagdagan pa. Gosh, ano bang ginawa ko para maka-abot sa puntong 'to ng buhay ko.
Nakatingin lang sa'kin si Seungcheol dahil alam niyang hindi niya ako maaasar ngayon. Seryosohang bad mood ako ngayon dahil sa mga napag-usapan namin. Scratch that, dahil sa 18th dance ko. I mean, dzuh sa lahat naman talaga bakit siya pa?
Matapos kumain ng hapunan ay magpapasalamat na sana ako dahil uuwi na at mawawala na si Seungcheol pero ewan ko ba at bakit ba lagi nalang ako ang nakikita at nauutusan ni mama. I mean wtf nandyan naman si Khora e.
BINABASA MO ANG
Run to you (Seungcheol x Reader)
Fanfiction"I'm going, I try to tell you my heart Even if it won't reach you by any chance." --- Seventeen Series #1 Seungcheol x You "In which Choi Seungcheol is your long-lost (by heart) bestfriend and eventually have feelings for him but continues to deny i...