Try lang ng tagalog hehe
---
Nitong mga nagdaang araw,
Tila ba pighati ko'y umaapaw,
Sa dinami-daming rason para maging masaya,
Bakit wala akong mahanap kahit isa?Kalungkutan ang tangi kong dama.
Pilit na kine-kwestyon kung tama pa ba.
Tama pa bang ipakita ko na kaya ko pa?
Kahit hindi na talaga?Sa tuwing nakikita ko ang aking sarili sa salamin,
Para bang walang nandyan para sakin,
Aking ngiti'y kailangang pwersahin,
Maitago lang ang lungkot na nasa akin.Sa lumalaki nilang ekspektasyon,
Hindi ko na alam kung paano ko iaayon,
Iayon ang sarili ko sa bawat pagkakataon,
Na pinipilit nila akong maging iba sa paglipas ng panahon.Kailangan ko ba talagang maging magaling?
Maging mabuti sa kanilang paningin?
Paano naman ang sarili ko?
Kailangan ba unahin ko ang gusto nila bago kaligayahan ko?Lagi nalang pinagkukumpara.
Kung sinong mas magaling, ako ba o siya.
Hindi manlang ako tinanong kung "Ayos ka pa ba?"
Na tila nawawalan na ng pag-asa.Itong lungkot na pwedeng mauwi sa kamatayan?
Sana maisip nilang kumakapit ako kahit wala ng makapitan.
Sawa na akong itago ang pagod at kaba.
Sarili ko naman ang gusto kong iuna.If you like this, kindly hit the STAR.
Thank you

BINABASA MO ANG
Bonafide Notion
PoesíaThe poems by heart for all of you. A random thoughts that came out of the blue. "GENUINE THOUGHTS" | The cover was made by @mycngi |