Deng Rei Xiu
Bloody Hell! Kaka uwi ko pa lang tapos may meeting agad? Like blooddyy hell!
Nandito na kaming lahat sa gymnasium, at medyo may amoy ang ibang estudyante dito marahil na rin umaga ngayon.
From Grade Seven hanggang College ang nandito, at kasya naman kaming lahat dito.
Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Axia, paano ko ngayon sasabihin kay Ace iyon? Lahat ng estudyante dito ay nababasa ko ang mga iniisip nila maliban kay Ace at Kristine. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip nila, pero nakakahiya naman kung sabihin ko pa iyon sa kanila.
Katabi ko si Ace sa kanan ko, at si Brent naman sa kaliwa ko. Napapansin ko na kakaiba ang ikinikilos nitong si Brent, pero hindi ako interesado... Gusto kong mag isip ng explanation kay Ace yung hindi ko sya masasaktan.
Let's talk later... Bulong ko kay Ace at inihilig ang ulo ko sa balikat nya at inakbayan nya naman ako.
Sure, Mate! Bulong na sagot nya sa akin at tumango naman ako. May naisip na ako, pero sana hindi sya masaktan. Ayoko syang saktan.
Ilang saglit pa ay nakita ko na na nagsipagdatingan na ang mga SSG Member kasama si Mr. Choi. Grabe! Nauna pa talaga kami! Si Bella ay kasabay lang namin na dumating.
Naupo si Stacy sa tabi ng isang SSG Member, at si Mr. Choi naman ay tumayo sa harap at nakapatong ang mga kamay sa Book Stand. Si Bella naman ay nakatayo lang sa kanan ni Mr. Choi.
Guten Morgen! Bati sya sa Aleman na lengguwahe. Choi ang apelido, pero pusong aleman. Tumayo naman kaming lahat para batiin sya pabalik. Nang mabati na namin sya ay umupo ulit kami.
Ipinatawag ko kaya dito upang ipaalam na ngayong taon natin isasagawa ang nakasanayan natin na Tradisyonal. Anunsyo nito at nag simulang umingay ang paligid. Ang ipinagtatawa ko lang ay bakit may iba na natatakot? Bakit may ibang masaya? Bakit may iba na gusto ng magpakamatay?
Ano namang meron sa Tradisyon nila dito? Bakit naman parang takot na takot sila? luh?
Anong meron sa tradisyon nyo dito? Tanong ko kay Ace at tumingin naman sya sa akin bago mag salita.
Hindi ko alam, pero tuwing three years ay ginagawa ang tradisyon. Sagot nya sa akin at gusto kong mag tanong kung bakit ganun ang itsura nya. Para kasi syang nakakita ng multo!
Well, bampira ako at hindi ako multo.
Simula ngayong araw ay inaanunsyo ko na ang lahat ng gate ay ipapasara, at wala ng sino man ang pwedeng lumabas! Ang kinder at buong elementary ay mag ho - homeschool, parte iyon ng tradisyon. Dagdag pa nito na aking ikinagulat.
Heh?! Bawal ng lumabas?! Hindi naman tama iyon!
Ang kaninang kalmadong pagkaka sandal ko sa balikat ni Ace ay nawala dahil sa sinabi ni Mr. Choi!
Nakaligtas nga tayo dati, pero ngayon naman ay matutuluyan na tayo!
Dapat pala ay hindi na ako nag enroll dito!
Panlilinlang ang ginagawa nila upang makahikayat ng mga estudyante!
Madami dami tayo ngayong papatayin!
Ilang lamang iyan sa mga narinig ko sa kanila at may narinig ako na aking ikinabahala. Nag simula akong lumingon lingon sa paligid para makita kung sino ang nag sabi ng "Madami dami tayo ngayong papatayin!"
Hindi ko sya kilala kaya hindi ko sya makita! Hindi ko sya mahanap!
Ibig - sabihin ay nasa loob talaga ang mga pumapatay!
![](https://img.wattpad.com/cover/189369676-288-k562609.jpg)
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...