Hyeongjun's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko. Ang dami kong sinabi pero mali pala yung pagkakaintindi ko? Mas bata pa naman yung kausap ko kaya nakakahiya.
Ang saklap naman... Paano ba kainin ng lupa?
"Dance club ka? Anong pangalan mo?" Nagising naman ako mula sa pagooverthink nung may kumausap sa akin. Uy, si Kang Daniel! Oo nga pala, yung college na hanggang ngayon kasama pa rin sa nagma-manage ng dance club. The best dancer in the world si idol Kang Daniel!
"S... Song Hyeongjun." Sagot ko sa kanya. Tinignan niya bigla yung papel na hawak nya at tsaka umiling.
"Naliligaw ka yata. Wala yung name mo sa dance club." Ang sabi naman ni Kang Daniel. Nagulat akong bigla, pati na rin sila Dongpyo na katabi ko't handa nang pumasok sa club. Sigurado namang nakalista sila, pero bakit ako hindi?
"Vocal club ka Hyeongjun. Sabi nila Yohan, nakalista ka daw dun." Biglang sabi ni Donghyun. Nagtaka akong bigla. Hindi pwede, gusto kong magdance club.
"Paano nangyari yun? Dito ako pumirma last time!" Pagrereklamo ko. Tinapik naman ni Dongpyo yung balikat ko.
"Hyeongjun, sa maling pila ka kasi pumila last week nung namili na ng clubs. Magpalipat ka na lang ulit, bro."
Isa isa na silang pumasok sa look ng dance club area. What? Seryoso bang nasa vocal club yung pangalan ko? Hindi naman ako magaling kumanta, bakit ako pupunta sa club na 'yun?
Kailangan kong magpalipat sa dance club. Worse, nasa vocal club nga pala yung grade 9 na 'yun.
BINABASA MO ANG
Note | S. Hyeongjun
Fanfiction❝ Gusto ko ang nota, ang nota nota mo. ❞ ; in which Hwang Arian sends a secret code to all the glee club members, including to her crush, Song Hyeongjun. ~ ・// song hyeongjun × you // • [ pdx ep. #3] © dongpyoo 2019