Chapter 1

36 0 0
                                    

Mission of My Angel

By:T3aR4ME

xxxxxxxxxxxxxxxxx

Chapter 1

xxxxxxxxxxxxxxxxx

(--------->Si Maze po yung nasa multimedia.Iimagine nalang po natin nakamukha ni Luhan si Maze hihihi)

     Habang naglalakad ako papuntang school.....nakita ko na naman sila .....Nandun sa mga dati nilang pwesto naghihintay kung kelan matatapos ang mission na sila mismo ang may gusto at gagawa.

     Yung bata dun sa kanto.....hinihintay nyang bumalik ang nanay nya .Ilang taon na sya yata dun.5 o 6 siguro ? Pero kung titingnan mo sya ganung ganun pa rin ang istura nya .Bata pa rin na nakasuot ng  school uniform nya .Nasagasaan kasi sya nung hinihintay nya ang mommy nya.Kaya ang mission nya ay makita muli ang nanay nya. 

    Dun naman sa may tapat ng tindahan  ni aling Ebeng nandun yung asawa nya.Ang mission nya ay makitang grumaduate ang bunsong anak nya .Kung makikita nyo sya ganun pa rin ang itsura nya katulad ng dati.Laging nakapolo na uniform nya sa trabaho.

    Yung lalaki sa may tapat ng bakanteng lote....umaasa sya na pupuntahan sya ng girlfriend nya  .Nung araw kasi na mamatay sya yun yung araw na dapat magpopropose sya kaso natamaan sya ng ligaw na bala.Hindi nya nakita yung babaeng mahal nya hanggang ngayon.Kung makikita nyo sya maaawa talaga kayo sa kanya kasi lagi syang umiiyak pagnakikita ko sya.Ay! Oo nga pala di nyo sya makikita PWERA na lang kung ...........mayroon kayo kung ano ang meron ako.

    Opss !opss! opps!!! Walang magbaback out sa pagbabasa ng storya ni Miss Author! Paalala lang po ang storyang ito ay HINDI HORROR! Sa gwapo kong to ilalagay pa ako ni Miss Author sa horror story no way! Baka magwala na lahat ng babae sa mundo de joke lang hehe.tsaka imposibleng magsulat ng kababalaghan si Miss author sa hagdan nga lang takot na yan eh sa multo pa kaya?

    Sisishin nyo na lang si miss author ,hindi kasi nainom yung mga gamot nya sa sira ng ulo ,ayan tuloy naloloka nanaman at tinatakot kayo at kung ano ano ang tinatype.Tingnan nyo nga yung username nya.Tear? Iyakin kasi yan kaya pinapaarte ang username .AY! bat ba napunta to kay Miss author? Akin tong Storya na to AKIN!! Kaya back to the story tayo.

  

     Yung sinasabi ko kanina na nakikita ko ?TOTOO po iyon.Isang malaking check.

     May THIRD EYE  nga ako.Kaya nakikita ko ang mga kababalaghan sa mundo.Makakausap ko sila minsan lalo na nung bata ako.Tsismoso kasi ako eh.Kaya ayun nalaman ko yung mga mission nila.Hindi naman sila nananakit eh.

  

    Pero ngayun tinigil ko na ang pakikiusyoso sa kanila.Yung tungkol naman dun sa sinasabi kong mission ,nalaman ko lang yun sa isang expert .Sabi nya sakin ang mga multo daw ay may mga misyon.Yung misyon nila na iyon,yun rin yung mga DREAMS o inaasahan nilng mangyari nung nabubuhay pa sila na di nila natupad gaya nung bata.Inaasahan nya na dadating yung mommy nya kaya naghihintay pa rin sya.Pagnatapos na yung mission nila eh di pupunta na sila kung saan sila dapat mapunta.Kung di naman nila magawa ang mission nila..........ewan ko di ko alam eh.Yung expert kasi biglang nag-walk -out na-nosebleed yata sa kagwapuhan ko.

   Pero ngayon gusto ko na ng normal na buhay eh.Yung walang halong kaabnormalan .Yung kagwapuhan ko nga extraordinary na yung mata ko pa kaya?Kaya ayun wapakels na ko sa kanila inshort nagiging snobber ako........... sa multo nga lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission of My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon