Uunahin ko po muna kay Mico at Ellaine. Nabura po kasi iyong kina Marco at Adie.
Bukas po dalawa updates ko plus yung sa shut up and be mine :)
--------
Masayang pinapanood ni Mico ang sixteen year old na anak niyang si Mella na ekspertong nangangabayo. Noong ten years old palang ito ay nakitaan niya na agad ito ng interes sa pangangabayo nang makita nito siyang nangangabayo dito sa Rancho.
"Pa! Mella!"
Nilingon niya ang eighteen year old na panganay nilang si Elisha na may kipkip na libro sa dibdib. Lumapit ito sakanya.
"Tawag na kayo ni Mama, meryenda daw po muna." paalam nito.
Tumango siya at tinawag si Mella. Mabilis namang bumaba ang bunso niya, hila-hila ang tali ng kabayo nito.
Inakbayan niya si Elisha at Mella at sabay na silang tinungo ang garden ng hacienda kung nasaan nakita niya ang asawa na nakangiti habang inaayos ang mesa.
Lumapit siya at hinalikan sa labi ang asawang si Ellaine. "Hi, sweetie."
Siniko siya ni Ellaine at hinagisan ng bimpo. "Magpunas ka nga ng pawis. Ang lagkit mo."
Humalakhak siya. "Malagkit lang kasi tingin mo sa'kin."
Inirapan lang siya ni Ellaine pero kitang-kita niya ang pagngisi ng asawa habang inabutan rin ng bimpo si Mella na pawis na pawis.
"Thanks, Ma." utas ni Mella tsaka mabilis na tumusok ng turon.
Napailing si Ellaine at pinalo ang kamay ng bunso nila. "Naghugas ka na ba ng kamay mo, Mella?! Humawak ka ng kabayo!"
"Ma, kaya nga nakatinidor ako eh." daing ni Mella sabay kagat sa turon nito.
Napapindot nalang sa ilong si Ellaine dahil sa sinagot ng bunso nila. Tumawa siya at pinaupo na ang asawa. "Hayaan mo na sweetie, may point naman si bunso."
Dinuro sakanya ni Ellaine ang tinidor na hawak. "Isa ka pa! Maghugas ka ng kamay mo."
Napailing nalang siya at hinila narin ang bunsong si Mella na puno pa ang bibig dahil sa pagkain. Matapos nilang maghugas ng kamay ay bumalik na sila sa may garden at naabutang nag-uusap sina Elisha at Ellaine.
"Dadalaw rito ang mga kaibigan namin ng Papa ninyo. Ikaw na bahala kela Isaac." bilin ni Ellaine sa panganay nila.
Tumango si Elisha. "Ma, kabisado naman nila Isaac itong rancho. Bakit kailangan ko pa silang bantayan?"
Inayos ni Elisha ang salamin nito at kumagat sa nakatusok na banana cue sa tinidor nito. Umupo narin si Mella sa tabi ng ate nito at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.
"Sweetie kasi eh, ang hina magpaliwanag."
"'edi ikaw ang magpaliwanag." mataray na sambit ni Ellaine sakanya.
Napatawa nalang siya. "Kasi nga 'di ba kararating lang nina Ninang Colyn mo at Ninong Jeremiah mo. Kasama nila sina Calix at Calvin. Naaalala mo pa naman sila 'di ba? Magkababata kayong lahat."
Tahimik lang na tumango si Ellisha sa tanong niya kaya naman ipinagpatuloy niya ang sinasabi. "Kasama sina Calix at Calvin mamaya kaya kayo na ni Mella ang bahala sakanila. Siyempre ikaw ang panganay kaya ikaw ang in-charge."
Huminga ng malalim si Elisha at binuklat ang libro niya. "Okay, Pa."
Last week lang ay sinundo nila ang pamilya ni Jeremiah dahil sa wakas, sa loob ng pitong taon ay bumalik na ang mga kaibigan nila. Saktong bakasyon naman kaya naisipan nilang dito bumisita ng iilang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/23375548-288-k827705.jpg)
BINABASA MO ANG
The Barkada Series Special: A Promise 'til Infinity
General FictionStill can't get enough of the boys? Here's a special book of the isa't kalahating gago gang! Have a peek on their lives after marriage. Witness how these five handsome and powerful men shower their everything to the love of their lives. At humanda d...