(VI) SECTION ANTHURIUM

9 0 0
                                    

Dalawang buwan din ang magiging bakasyon ni Mar bago ang enrollment bilang unang taon sa High School. At dahil bakasyon,imbis na puro laro ang inaatupag niya eh mas pinili nyang tumulong na lang sa mga magulang.

Naglalaro din naman si Mar minsan. Hilig niya ang paglalaro ng basketball. Shooter nga at maliksi siyang maglaro.

Kapag may liga ng basketball eh lagi siyang nanonood at sinusubaybayan laban ng mga kabarangay nya.

"Oh Mar, isang linggo na lang pasukan na ah, ready ka na ba anak?"

"Oo nga po Mama eh, kinakabahan nga po ako Mama eh."

"Kaya mo yan anak."

Inakap ni Diane ang anak nya saka nagkulitan. Kung si bunso ang pinakapaborito ng Mama nila eh si Mar naman ang pumapangalawa.

"Anak, magpaenroll na raw kayo bukas ng mga pinsan mo na nakasabayan mo."

"Sige po Mama."

Kinabukasan ay nagpaenroll na nga sila sa pinakamalapit na skwelahan sa kanila. Marami ring nagpaenroll pero dahil maaga sina Mar eh maaga rin silang natapos.

Ready na nga magbalik skwela si Mar eh. Nakabili na siya ng gamit nya nung nakaraang pista sa kanila.

Heto na nga ang unang araw niya bilang isang High School. Dahil First day ng pasok ay parang may pista sa main entrance ng school. Yung mga higher years eh nasa kani kanila ng room assignments. Ang mga first year lang ang nasa main entrance ng school dahil nandoon yung list ng mga studyante at kung anong section sila.

Ang daming studyante,nag uunahan sa pagtingin ng kani kanilang mga pangalan na nakapaskil sa isang board. Halos mag away-away na nga sila eh.

"Oy dahan dahan naman."

"Huwag naman manulak."

"Patapusin nyo kasi muna yung nasa harapan. Huwag kayong sumingit."

Yung mga ibang kamag-aral ni Mar eh alam na nila kung anong section siya.

"Uy Mar, alam mo na ba section mo?"

"Hindi pa nga junjun eh.Di ako makasingit."

Dahil mejo siga si junjun eh sumingit siya at hinanap ang pangalan ni Mar at pati na rin yung sa kanya.

"Mar, section Dahlia ako."

"Eh ako?"

"Teka,hinahanap ko pa. Section Anthurium ka pre."

"Thank you junjun."

Hinanap ni Mar ang Section Anthurium. May mga kasama naman siyang kabatch nya nung elementary siya.

Agad naman nilang nahanap ang room nila dahil maliit lang naman na paaralan yun.

Ang tahimik ng room pagpasok nila maliban sa dalawa na nakaupo sa may bandang harapan. Tumingin tingin si Mar kung saan siya uupo.

"Ah yun! Excuse me,pwedeng makiupo?"

"Ah cge pre."

"Thank you."

Iba ibang itsura ang nakikita ni Mar. Halos wala siyang kakilala. Yung mga iba parang mayayaman kasi may mga sariling phone na.

"Goodmorning mga bata, ako nga pala si Ms Yolanda Toledo. Ako ang magiging adviser nyo sa buong taon at ako rin ang magiging guro nyo sa araling panlipunan."

Nagsitayuan silang lahat at binati ang magiging adviser nila sa buong taon.

"Tsug! Tsug! Tsug!"

Biglang nakaramdam ng kaba si Mar. Iniisip nya na ngayong high school eh mas mahirap na ang pagaaralan kumpara nung elementary. Sinasabi niya sa sarili niya na kailangan nyang mag aral ng mabuti.

----------------------------------------------------

THE DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon