~I cannot believe I let you go
Or what I should say is, I should have grabbed you up and never let you go
I should have went out with you
I should have made you my boo, boy
Yeah, that is one time I should have broke the rules~5 months of courtship. 1 year and 7 months of being together but its been 1 year and 6 months since we broke up. But why?
Why can't I move on?
****
Masayahin, baliw at kalog. Sino bang taong mag-aakalang may problema siya? Sa araw araw ba naman na ginawa ng Diyos, hindi siya maubusan ng energy.Kilala mo siya, kilala ko siya. Kilala siya ng lahat, kilala ba talaga? O may maskarang bumabalot sa mukha niya? Sino ba talaga siya?
Siya si Elizabeth Bernardo, Eli for short. Masaya sa labas, di makamove on sa loob. Bakit? Well, this is her story....
ELI'S POV
Papasok nanaman, walang katapusang pagpasok. Dito na lang umiikot ang buhay ko, magigising, papasok uuwi, matutulog at magigising ulit. Wala na bang iba? Pwede bang yung dati na lang? Nung mga panahong kasama ko pa siya?
"Good morning Eli" bati M.G. Isa sa pinakamaganda sa room, mabait at masayahin.
"Morning Emj" bati ko din sa kanya. Close kami niyan, mabait kasi siya at tahimik. Kahit magkaiba kami ng ugali nagiging magkasundo pa din kami.
"Oh? Parang nabuhusan ka ng malamig na tubig? Ba't ganyan mukha mo?" tanong niya at tumabi sa akin.
"HAYYY! ANO BA?! Bakit kasi may pasok ngayon?!" inis na sabi ko at sumalampak na lang nang upo sa chair ko. Ano ba ngayon? Bakit ang bigat sa pakiramdam?
"Ano ba ang nangyari?" nakangiting sabi ni MG.
"Wala. Nakita ko lang si Sir. Napi sa labas. Nasira araw ko" nakakunot noong sabi ko. Tinalikuran ko na lang si M.G at lumabas ng room. Naupo ako sa corridor mag isa at inalala lahat ng yun. Bakit ganun? Bakit hindi ko matakasan yang nakaraan na yan?
October 7 ngayon, at tandang tanda ko pa. Masakit at hanggang ngayon di ko pa din matanggap.
FLASHBACK:
"Oy! Eli, ang tagal ko nang nanliligaw. Bakit di mo pa ako sinasagot?" nakabusangot na sabi ni Gabriel sa tabi ko. Ilang buwan na ba? Maglilima na yata.
"Alam mo Gab, malapit na! Wag kang mainip" nakangiting sabi ko. Walang nakakaalam sa panliligaw niya sa akin, mga kaibigan lang namin. Miski magulang ko hindi alam. Bakit? Ayaw nila.
Sa limang buwang panliligaw ni Gab nakita ko yung sincerity niya at alam kong he's the one. Napamahal na din ako sa kanya, sino ba namang hindi? Halos puro effort makikita mo.
Lagi niya akong hinahatid at sinusundo. Sabay kaming magrecess at halos hindi na kami maghiwalay, kaya palagi kaming inaasar ng mga kaibigan namin.
"Sige. Mamaya ulit" nakangiting sabi ko habang papasok ako ng room ko. Mas ahead siya ng one year sa akin, at second year highschool na ako ngayon. Oo, masyado pang bata sa ganito pero hindi ko iniisip yun. Wala namang pinipiling edad kapag nagmahal ka.
"Ah! Eli, diba may practice ka ng cheerdance mamaya? Hintayin kita ha! Bye!" nakangiting sabi niya at tumakbo papunta sa room niya.
Nagsimula yung klase, nagbreak kami at nagklase ulit pero iba yun kasi kasama ko si Gab. Masaya siyang kasama. Masaya kaming dalawa kapag magkasama kami. Natapos yung klase ngayong araw at dumiretso ako sa gym para sa practice ng cheerdance namin.
BINABASA MO ANG
Why Can't I "Move On"? (ONE-SHOT)
Teen Fiction5 months of courtship. 1 year and 7 months of being together but its been 1 year and 6 months since we broke up. But why? Why can't I move on?