Prologue

1.3K 33 46
                                    


Atrius

Naka tingin ako sa malayo habang inaalala ang mukha ni Azalea. Simula ng una ko siyang makita sa litrato na bigay ng aking ama ay nasigurado ko na saking sarili na siya na nga.

Tunay na nakaka agaw ng pansin ang ganda niya. Idagdag mo pa ang ugali niya. Simula high school siya ay lagi na akong naka buntot sakanya. Wala siyang kaibigan noon. May nakikita akong sumubok na ilang mga lalaki na makipag kilala sakanya pero hindi niya binigyan ng pagkaka taon kaya naging kampante ako.

Nang mag simula siyang mag kolehiyo ay doon pumasok sa buhay niya si Luther at Kia. Doon ako nagsimulang kabahan para sa kalagayan niya. We really don't know what's their motive towards Azi. Nag doble ako ng pag babantay. Lahat ng posibleng paraan ay ginawa ko para masubaybayan siya.

I saw changes in her when she started hanging out with Kia and Luther. Kaya hinayaan ko lang. Pero nagkamali ako because Luther started to court her and obviously she said yes. Gusto ko ng magpa kilala sakanya sa mga panahon na yon but still, I didn't, kahit masakit sa mata at sa dibdib na makita sila ay pinabayaan ko because Luther makes her happy pero pinangako ko sa sarili ko na I will be her end game.

I endured the pain of seeing her with somebody else for two fucking years. Nang mag hiwalay sila bago pa mamatay ang mga magulang niya ay hindi pa rin nawala ang sakit sa dibdib ko dahil alam kong mahal niya pa din si Luther.

Lagi ko siyang bina bantayan pag nasa labas siya ng bahay nila. Pag uuwi siya ay aalis na ako dahil alam kong ligtas na siya sa tabi nila Tita Azalei pero isang gabi ay sinugod sila ng mga Navarro at unang namatay ang ama niya at naka takas sila ni Tita Azalei. We tried to track them pero huli na dahil napatay na din si Tita at si Azi ay sumama naman kila Kia at Luther. Ilang buwan siya doon at nagulat na nga lang ako ng makita siya sa harap ng mansyon.

Since that day I never let her out of my sight pero sa tingin ko ay kulang pa din ang ginawa kong pag babantay sakanya ng mga panahon na yon dahil ilang beses siyang umalis sa tabi ko at lumayo.

Nang malaman kong anak ko si Aiden ay napakasaya ko na, but when she let me marry her, I felt that i'm the happiest man alive. I felt whole. Sila ang bumuo sakin pero hindi ko alam na siya din pala ang dudurog sakin matapos niyang mawala na lang na parang bula.

I wanted to breakdown ng wala kaming makuhang lead kung nasan siya but we believe she's still alive. Hanggang ngayon naniniwala kami na buhay siya.

I feel frustrated and lonely. Pilit lang akong nagpapaka tatag para sa anak namin na walang ibang ginawa kundi ang hanapin siya. Parang pinipiga ang puso ko tuwing umiiyak ang anak ko sa bisig ko at paulit-ulit tinatawag ang kaniyang ina. Gusto ko din umiyak sa sakit pero pinipigil ko dahil wala ng ibang pag kukunan ng lakas ang anak namin.

Everytime I remember her I will always ask myself.

Why did she left us?

Is her reason enough to make her leave?

Maraming tanong pero walang makuhang sagot pero kahit ganon I am still waiting. Waiting for her to comeback. Kahit wala ng paliwanag, basta bumalik lang siya.

"Dad." nagising ako sa malalim na pag iisip ng marinig ko ang mahinang tawag ng anak ko. Andito ako sa dating opisina ni Dad sa mansyon na ngayon ay akin na. Naka silip lang ang ulo niya sa maliit na awang ng pinto.

"Yes son?" tanong ko at mabilis tumayo para lapitan ito. Kinarga ko ito at hinalikan sa pisngi. Naka suot na ito ng pang tulog at tila inaantok na.

"Can I sleep beside you?" namamaos na tanong nito.

"Sure baby. Kumain kana ba?" tanong ko.

"Yes dad. Sabay po kami kumain ni baby Savanna, I fed her!" naka ngiting sabi niya. Napa tango ako sa narinig atsaka ginulo ang buhok niya.

Assassin Princess IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon