Chapter 6

319 15 19
                                    

Hello. Sorry for the long wait. Wala po talaga ako sa mood mag sulat nitong mga nakaraan buwan bukod sa busy ako manuod ng anime ay busy ako sa mga anak ko. Thank you sa pag hihintay. 😊 Ayokong mangako na lagi na ko mag a update. Basta pag trip ko mag a update ako. Hehe. Thank you. Enjoy! 😄

Astrid

"Are you okay?" Tanong ni Dylan ng makarating kami sa private room ni Aviona. Pangalawang araw niya na dito sa ospital at hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa nangyari sakanya.

"Yeah." Mahinang sagot ko dahil tulog si Aviona.

"Hindi ka mukhang maayos para sakin." Ngiwing sabi ni Dylan habang naka diretso ng tingin sakin. Nag iwas na lang ako ng tingin dahil alam na alam niya pag may bumabagabag sakin.

"Stay here Dy. I need to talk to Palm and Knuckle. Pupunta lang kami sa coffee shop sa baba. You want anything?" Sabi ko at sinenyasan ang dalawa na sumunod sakin.

"Nah. Cheesecake and Frappe na lang for Aviona." Sabi nito kaya tumango lang ako at mabilis na lumabas ng kwarto kasunod si Knuckle at Palm.

"What do you want?" Tanong ni Knuckle ng makarating kami.

"Espresso for me." Simpleng sabi ko at
pumwesto sa may lamesa'ng malayo sa mga tao. Nadinig ko'ng nag sabi din si Palm ng order niya pero nanatili na ko'ng tahimik hanggang sa maka balik si Knuckle.

"Ano'ng balita?" Simpleng tanong ko ng maka upo na si Knuckle.

"Well... I heard she's having a hard time." Sabi ni Palm ng naka ngisi.

"That's what I thought, kaya nga inutusan ko kayo na pilitin siya'ng tumira don."

"She's always having a fight with the girls. Ang huli'ng balita ko maayos na ngayon ang pakiki tungo sakanya nung lalaki." Sabi naman ni Knuckle.

Hindi ko maiwasan mapa nguso at mapa buntong hininga sa nadinig.

"Nag sisisi kana ba?" Natatawang tanong nila na nagpa sama ng tingin ko. Pareho naman silang napa iwas ng tingin.

"Continue doing your job. Just let her know that she can't use my little boy." Naka tingin sa labas na sabi ko.

Pagka tapos namin ubusin ang kina kain ay umakyat na kami sa kwarto ni Aviona. Naabutan namin ito'ng gising at kina kausap ng doktor niya.

"Good morning Mrs. Larazabal. I just came to say that Aviona can be discharge this afternoon. Nag iwan na din ako ng reseta para sa mga gamot niya." Naka ngiting sabi ng doktora sakin. Nag pasalamat ako dito bago umalis.

"Knuckle, can you please pay the bills at the ground floor." Sabi ko atsaka lumapit kay Aviona para iabot ang pagkain.

"Sure thing." Sagot nito. Napa sulyap naman ako kay Palm at nakita kong nili ligpit na nito ang mga gamit namin.

"Mom, am I going home?" Tanong nito habang sini silip ang inabot kong cheesecake.

"Yeah. What do you want to have for lunch? I'll call manang to cook it for you."

"Anything. I just want to go home. I'm bored here."

"Hindi na ba masakit ang paso mo?" Tanong ni Dylan dito.

"No dad."

Inubos namin ang oras sa ospital ng nag ku-kwentuhan. Nang dumating ang oras ay mabilis kaming umuwi sa bahay at nag pahinga. Nang dumating naman ang hapunan ay may dumating kaming hindi inaasahan na bisita.

"Good evening everyone!" Masayang bati ni Leon.

Lahat kami ay natigilan sa pag subo at naka nganga'ng naka tingin sakanya. Kasunod nito ang butler niya na si Gilbert.

Assassin Princess IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon