Chapter 4

496 20 14
                                    

Gian

"Hoy! May nag text!" Napitlag ako sa pagkaka tulog dahil sa sigaw ni Shanaia. Inis ako'ng bumangon at tinignan siya ng masama, pero napalitan din 'yon ng matamis na ngiti ng nakita kong mas masama ang tingin niya sakin.

"Bakit gising ka pa?" Nag tataka kong tanong habang dahan dahan buma bangon sa higaan.

"Ginutom ako e." Naka ngusong sagot nito habang naka tingin sa hawak niyang bowl. May laman 'yon ice cream at tila strawberry syrup.

"Diba naubos mo na ang strawberry syrup? Saan mo kinuha yan?" Takang tanong ko.

"Huh? Sino ba may sabing syrup 'to? Ketchup to. Duhh." Maarteng sabi niya sakin sabay subo ng kinakain niya. Hindi ko maiwasan mapa ngiwi habang tini tignan siya. Kadiri.

Simula ng mabuntis siya ay kung ano anong klaseng pagkain ang pinag hahalo niya.

"Asan nga pala ang cellphone ko?" Tanong ko ng hindi makita yon sa side table.

"Ayan! Gabi na may nag tetext pa! Sino ba yan?" Galit na sigaw niya sabay bato ng cellphone sa mukha ko. Mabuti na lang at agad ko 'yon nasalo.

"Hindi ko alam. Sana binasa mo ng nalaman mo." Bubulong bulong na sabi ko. Napaka sungit kasi.

"Huwag kang bubulong bulong dyan Gian! Gusto mo'ng ipakain ko sayo to?!" Inis na sabi niya sakin. Nanlaki naman ang mata ko at agad umiling.

"Sino ba kasi yan?" Tanong niya sa mas mahinahon na boses. Tinabihan ko siya at hinalikan sa pisngi at binuksan ang message sa harap namin dalawa.

From: 0916*******

Pick up your boss here at Nitro Club.

Kumunot ang noo namin dalawa dahil sa nabasa. Alam namin umalis si Atrius kanina dahil nabanggit samin 'yon ng mafia guards na nakita namin naka bantay sa may harap ng pinto ni Aiden.

"Itrack mo." Utos ni Shani sakin. Agad kong kinalikot ang phone ko pero hindi ko na agad ma track yon.

"Puntahan mo na. Baka kung ano ang nangyari kay Atrius." Nag aalalang sabi ni Shani sakin. Agad akong tumayo para magpalit ng damit para maka alis na. Sakto pag bukas ko ng pinto ay nandoon na sa harap si Aldus at Azileus na naka kunot ang noo.

"May nag message daw kay Aldus tungkol kay Atrius. Pupuntahan namin, sasama ka ba?" Tanong ni Azileus sakin.

"Oo. Palagay ko iisang tao lang yung nag message samin dalawa. Naka received din kasi ako ng text." Sabi ko atsaka sinulyapan si Shani at sinenyasan na aalis na kami. Tinanguan lang naman ako nito kaya nag patuloy na kami.

"Mag isang sasakyan na lang tayo." Sabi ni Aldus ng makarating kami sa garahe.

Tahimik kami habang tina tahak ang daan patungo sa club na sinabi ng nag message samin. Alas onse pa lang ng hating gabi kaya nakakapag taka na ang agang nalasing ni Atrius. Sigurado kaming may hindi magandang nangyari.

Nang makarating kami ay agad tinawagan ni Azileus si Theo. Siya ang may ari ng club na ito. Ayaw kasi kaming papasukin ng mga bouncer dahil sa dala namin mga baril. Pwede naman kaming sapilitan pumasok pero ayaw namin gumawa ng eksena.

"Papasukin niyo na." Sabi ni Theo ng pumunta sa entrance para salubungin kami.

"Ano bang nangyari?" Takang tanong niya habang nag lalakad kami papasok.

"May nag text lang samin na sunduin daw si Atrius dito." Simpleng sagot ko habang ini ikot ang paningin sa club.

"May nakapag sabi nga sakin na nandito siya. Hindi ko naman na inistorbo dahil mag isa lang daw. Ini isip ko na baka gusto mapag isa." Sabi nito at lumapit sa may bar counter.

Assassin Princess IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon