"Celine please. Mahalin mo naman ako. I love you so much Celine" nagmamakawaawang sabi ni Lexus"Lexus hindi ka ba nakakaintindi. Layuan mo na ako please. Stay Away from me Lexus. Hindi kita mahal" madiing sabi ko sa kanya
"Ce-line.I k-now you l-ov-e me. Wag mo naman akong pahirapan ng ganito.I'm b-egging y-ou Celine" nauutal na sabi ni Lexus
"Lexus. Nagmamakaawa din ako . Tigilan mo na ako. Layuan mo na ako para hindi ka na nahihirapan. Lexus marami pang darating na babae sa buhay mo, at hindi ako yun. Makakahanap kapa ng iba na hihigit sakin. I'm sorry Lexus pero hindi tayo pwede." mahabang sabi ko sa kanya
"Celine ganito na lang ba tayo. Bakit ba pilit mo na lang akong nilalayo sayo. Celine I love you so much. Ikaw lang yung babaeng gusto kong pakasalan ang babaeng gusto kong iharap sa altar. The mother of my child, my wife. Mahirap bang intindihin yun Celine. Tell me what's the fucking reason to let you go" mahabang sabi ni Lexus
Tiningnan ko lang sya habang nagsasalita. 'I don't know what is the reason Lexus' gusto kong isagot sa kanya yan. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita sa mga sinabi nya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil patuloy na ito sa pagtulo..
I'm Sorry Lexus. I'm sorry kung paulit ulit kitang nasasaktan. I'm sorry kung lagi kitang pinagtatabuyan. I'm sorry for everything.
"Ano Celine?bakit hindi ka makapagsalita? Ganun mo ba talagang kaayaw sakin. Hindi mo ba talaga ako mahal?. Okay fine. Kung yan ang gusto mo ang layuan ka. Gagawin ko, i don't want to be desperate in front of you. I'm letting you go, I'm setting you free Celine. Hindi na kita lalapitan, kung yun ang gusto mo.But remember this Celine ,ang salitang lagi mong sinasabi sakin. Stay Away from me Celine " mahabang sabi ni Lexus at saka tumalikod sakin at naglakad paalis
Para akong sinampal ng paulit ulit sa sinabi nya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hindi ko malimutan ang huling salitang kanyang sinabi..
Stay Away from me Celine
Stay Away from me Celine
Stay Away from me Celine
Nagpatuloy sa pagluha ang aking mga mata na hindi ko mapigilan. Ang mga salitang lagi kong sinasabi sa kanya, ngayon ay sakin nya sinabi. Sobrang sakit pala
I'm sorry Lexus im just too weak and coward...