Chapter 6: Thanks dust in the floor

6 0 0
                                    

Gabi gabi akong di makatulog, nagiisip kung pano siya ligawan I mean maging friends muna syempre. Naupo ako sa isang table, kinuha ang brand new pad paper at nagisip isip, ilang papel na ang nagagamit ko di parin ako matapos. Susulatan ko sana siya. Patagong magbibigay ng sulat. Alam kong torpe moves yun pero wala eh ganun talaga. Naubos ko na yung papel, pagtingin ko sa oras ay 2 am na wala parin akong nagagawa. Tinigilan ko na, baka mag-apoy pa ko sa inis.

Yung paggising ko hindi masyadong naging maganda, anlaki ng eyebags men. Lumuluwa yung mata pero naligo parin ako at pumasok sa school.

Recess na at matamlay parin ako, wala namang energizer dito, sana pwedeng inumim yung battery na energizer. Nasa canteen ako nang mga oras na iyon, ang Chckgag* iniwan ako mas maaga recess nila, nakayuko lang ako nakatingin sa duming sinisipa ko habang syempre sa gwapo kong to nagbubulungan nanaman yung mga babae. Nang biglang Boogshhh.

"Ouchyy"

"Aww bro ansaket" sabi ko

Nabangga ako sa ulo lang naman. Pagtayo ko habang kumukuha ng gamit eh yung mga libro pambabae yung covers tas may panyo. Pag tingin ko shet babae, and mas shet pa si Wii.

"Ay sorry sorry sorry sorry miss sorry talaga sorry"

"Ok-ayy la-ang di masaket" kahit kita naman masakit

"Sorry tara dalhin kita sa clinic"

"Wag mabigat ako"

"Di naman kita bubuhatin, maglalakad ka ren"

"Ay paasa, kala ko pa naman pipilitin mo ko hanggang sa pumayag ako parang sa mga movies, tapos magiging magkaibigan, magbestfriend tas magkakadevelopan tas magiging sila tas magaasawa tas sa huli maghihiay ren... Haha jk"

"Hehehe"

"Teka nakikita mo pa ko. Wala ka nang mata" haha ganun talaga daw ako tumawa nawawala yung mga mata

"Ang daldal mo haha"

"Ay sorry bro"

"Hahahaa sorry talaga kala ko lalaki ka"

"Oo okay lang pero try nanating pumunta sa clinic noh"

"Ay oo pala"

Naglakad lakad kami papuntang clinic habang naguusap syempre awkward pag hinde. Kinikilig ako brad. Nakakaihi.

"Btw Im Aid"

"Ah Hi Im Band, Aid"

"Hahahha ang kulit mo ehnoh"

"Haha jk My name is Wii"

"Oh hi Wii, Im Nintendo"

"Ang corny na tama na" at sabay kaming tumawa. Pero yung mata niya talaga yung nakakabighani. Pag tumatawa rin siya walang mata eh. Kala niya.

Di ko na siya sinamahan sa loob ng clinic pero hinintay ko parin siya. Syempre boyfriend to mga tol. Este friend na boy. Feeling ko di na ako matamlay bat ganun hahah, eh Wii eh. Bro wag kayong maingay ah, shhh quiet lang NASAKIN PANYO NIYAAA. MAS SIPON NGA LANG KONTI.

Paglabas niya eh nagising nanaman diwa ko at sabi niya "Okay na ko bro, pwede mo na kong iwan malaki na ko mas malaki pa ko sayo oh oh" habang tumitingkayad siya "Sa susunod kase wag kang yumuko tas walisin yung kalat, di naman janitor, Sge bro alis na ko babay" dagdagpa niya sabay takbo, may importanteng lakad siguro, eh takbo pala.

"Ge bye... Babe" syempre binulong ko lang yung babe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon