"Hi..." Hearing the words coming from his mouth makes me feel..annoyed and the fact that we breathe the same air makes me hate him ten times. Lalo na ngayon na ngiting aso siyang humarap sa akin.
I raised my eyebrows and looked straight at him.
"Uy Grey? napadalaw ka... na naman?" Sabi ko na may halong inis. Pang ilang dalaw na ba'to ngayong linggo?
He raised his right arm at saka ko napansin na may dala siyang supot ng... saging? and he's still smiling na para bang walang nangyari nung nakaraan. Still the old Grey way.
Hindi naman sa bastos ako aa. Pero lagi siyang pumupunta sa bahay. Laging buntot nang buntot sa'kin. San man ako pumunta gusto niya siya ang laging kasabay. Yung feeling na parang boyfriend na kung umasta. I already confronted him sa mga kilos niya. He always said that he likes me and he will do anything for me. Gagawin niya ang lahat sa'kin? Eh hindi ko nga siya boypren at never naging kami. Lagi ko ngang sinasabi sa kanya na magkaibigan lang kami. Na kaibigan lang ang kaya kong maibigay. Pero parang wa effect pa rin lahat ng mga sinasabi ko. Halata naman kasi nandito na naman siya.
He's a very consistent guy and I'm totally annoyed.
"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong ni Grey. I looked at him with a sigh.
"Wala Grey. At wala akong planong lumabas ng bahay ngayon."
"Look, I brought bananaque. Tamang-tama pang merienda." Kinuha niya ang isang stick ng bananaque at binigay sa'kin. I said no in response medyo nadismaya siya sa response ko kaya binalik niya ang stick sa supot.
"Hmm... Kain na lang tayo d'yan sa may kanto. Gusto mo ng kwek-kwek dba?" He insisted.
"Look, Grey" Nagbuntong hininga ako bago nagsalita ulit.
"Wala akong sa mood lumabas o kumain ng kahit ano. Ang gusto ko lang.. magpahinga." I faced him.
Now, I just feel so tired and exhausted. Ikaw ba naman maglinis ng buong bahay. Halos abutin ako ng kalahating araw sa paglilinis. Idagdag mo pa na si Grey ang nagalok lumabas para kumain mas lalo akong napagod at nawalan ng gana.
Umabot din ng ilang segundo bago siya nagsalita ulit.
Alala siyang tumayo at lumapit sa akin. Kaya nagulat at napaatras ako ng dalawang beses sa ginawa niya.
"May sakit ka ba? Anong nararamdaman mo?" nag aalalang sabi niya. Hahawakan na niya sana ang noo ko ng mabilis ko itong tinabig. OA lang? Nagrason lang ako may sakit na agad?
"Okay lang ako, Grey. Wala lang talaga ako sa mood. Okay? Punta na muna akong kwarto." tinignan ko pa siya at naghintay sa isasagot niya. Tinitigan niya lang ako.
I don't like the way he looks at me.
Nagsalita ulit ako.
"So dito ka lang? Kasi papasok na ako sa kwarto ko." Walang gana kong sabi. But as expected, the same old Grey strikes again.
"Tara na. Pasok na tayo sa kwarto mo." ngisi niyang sabi. Akmang susunod na sa'kin. I shook my head for disbelief. I can't believe this guy.
I stopped him at hinarap siya. Huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Tigilan mo na ako, Grey. Please, Maraming babae d'yan. Wag na ako. Ayaw ko sa'yo. Ayaw kong makita ang pagmumukha mo. Kaya pwede ba umuwi ka na. Kasi pagod pa ako."
Medyo nagulat siya sa sinabi ko. I know na medyo bastos ang pagkakasabi ko at alam kong masakit.. masakit para sa kanya. Pero gusto kong makuha niya ang mensahe ko na ayaw ko sa kanya. Na ayaw ko siyang makita. Hindi ako yung tipong babae na magpapabebe at magpapaasa ng lalaki. If telling the truth will hurt you, so be it. If I don't like you, I don't like you. Tapos.
BINABASA MO ANG
When There Was No You and Me
RomanceSo it is really possible to fall in love with your enemy. Coz yeah... I am the biggest proof alive. Kahit ako, hindi makapaniwala na nainlove ako sa isang taong pinakamumuhian ko, halos lahat ng ayaw ko sa isang lalaki eh nasa kanya na, sa itsura, s...