Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Grey. Panigurado gulat rin siya sa mukha kong walang reaksyon. Kadalasan kasi pagkatapos niyang magconfess ee hahampasin ko siya ng kahit ano. O di kaya sisigawan ko siya ng "DI KITA TYPE" "KAIBIGAN LANG ANG TURING KO SA'YO" Pero ngayon, ni isang salita wala akong nasabi sa kanya.
That was my first time seeing him so sincere. Sincere naman siya sa tuwing aamin siya sa akin pero iba 'to ngayon. May something sa mata niya. Like Love? Lust? Puno ng emosyon ang mga mata ni Grey kanina. Hindi ko maipaliwanang. Pero ang tanging alam ko lang, pag pinatagal ko pa ang pagtitig ko sa kanya siguradong manghihina ako that's why I chose to look back.
Nasa may kanto na ako nang biglang bumagsak ang ulan.
Oh Come on, pag sinuswerte ka nga naman. Tsk
Buti nalang malapit na ako sa amin. Dali-dali akong tumakbo ng may nabangga ako. Hindi ko na napansin ang nasa harapan ko sa sobrang pagmamadali.
"Oops, Pasensya na po." nakayuko kong sabi.
"A-Are you okay?"
Natigilan ako
No!
Shit! Wag mong sabihin siya ang nabangga ko. Tsk Anong ginagawa niya dito sa labas?
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Anong nangyayari saken? Hearing his voice makes me weak... again. Pang ilang beses na ba 'to ngayong araw?
"Shiiit!" bigla kong nasabi
"Okay ka lang ba, Sage? Basang-basa ka na." pag-aalalang sabi ni Grey.
Pansin ko na hindi na ako nababasa ng ulan so I raise my head and to my surprise nakatingin siya saken and his holding an umbrella. Naramdaman kong nag iinit ang pisngi ko. Feeling ko para akong sasabog. Ano bang ginagawa niya dito sa labas at may dala siyang payong? Ako ba ang hinihintay niya? Baket?
My heart beats so fast na halos di na ako makahinga.
Ano bang ginagawa mo saken Grey? Bakit mo ba ginagawa saken to?
Sobrang dikit na namin sa isa't isa inches nalang ang pagitan. Feeling ko ay nanigas na ako sa harapan niya. Dapat sa ganitong sitwasyon itutulak ko na siya o di kaya sisigawan sa sobrang lapit niya saken. Pero traydor ang mga kamay ko pati ang mga kamay ko ay ayaw na akong pakinggan.
Ilang minuto din kaming ganito ang posisyon. Ni walang isa sa amin ang may balak na umimik.
Tinitigan ko siya ng maigi. Ang gwapo pala ni Grey sa malapitan, mapotro na ilong at may mapupungay na mga mata. Ngayon ko lang din napansin na medyo mapula ang labi niya. Shit! Bakit ba ang gwapo ni Grey ngayon? Bakit iba ang kagwapuhan niya ngayon?
Jusme! Ano na ba itong iniisip ko?!
Bigla naman akong nagulat sa ginawa ni Grey.
"Ahm.." Iwas ko sa kamay niya. Di ko alam kung anong gagawin ni Grey saken. Takte! Takteng pusong 'to! Konti nalang Grey. S-Sisipain na kita.
"Wag kang magalaw. Pupunasan ko lang yang basa sa mukha mo." Nanigas ako sa ginawa niya. Dahan- dahan niyang hinawi ang buhok ko saka niya pinunasan ang mukha ko gamit ng kamay niya. Di matanggal ang mata ni Grey saken habang ako nanghihina na sa mga titig niya.
"Ang ganda ganda mo talaga, Sage" Medyo yumuko ako ng kaunti sa sinabi niya. Maganda? Eh hindi nga ako nagpupulbos ee. Mantika nga tong mukha ko.
"A-Ano bang ginagawa mo dito sa labas, Grey? Alam mo naman na umuulan dba?" inis kong sabi sa kanya.
"Hinihintay kita, Sage. Kanina pa ako naghihintay sa'yo. Nag aalala ako kasi baka di kana magpakita saken pagkatapos ng mga sinabi ko sa'yo kanina." Alalang sabi ni Grey. And yes, He looks so worried. Kitang-kita ko sa mga mata niya na sobra siyang nag aalala saken. Di naman niya kailangan mag alala saken. Kaya ko naman ang sarili ko.
"Di mo kailangang mag alala saken, Grey. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng payong mo. At higit sa lahat hindi ko kailangan ng tulong mo." Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad.
"Teka lang, Sage"pagpipigil ni Grey saken. "Basang-basa ka na. Kunin mo nalang tong payong oh. Please!" Pagmamakaawa ni Grey saken. Pareho na kaming basa kaya wala ring silbi ang payong niya.
Tinabig ko ang kamay niya at tinalikuran siya.
Iisipin siguro ng kapitbahay namin naghiwalay kami. Para kaming bidang magjowa sa isang korean drama. Pero ang totoo... walang kami.
Call me a cold hearted bitch. Pero wala akong pakialam. It's just that hindi ako pwedeng mafall sa kanya. Hindi ako pwedeng mafall sa kaibigan ko.
Kinabukasan
"'Nak, okay lang ba ang pakiramdam mo? Okay lang ba sa'yo na maiwan ka dito? Di nalang kami tutu-" I cut my mom from speaking. Di pwedeng di sila matuloy lang dahil lang dito sa sakit ko.
"Ma, okay lang po ako. Kailangan lang po ng konting pahinga. Magiging maayos din ako bukas. Cge na po. Baka maiwan kayo ng Bus." I assure them na magiging okay ako. Mahirap na baka di pa matuloy ang lakad nila. Matagal ng plano nila Tita at Mama ang magbakasyon sa Carmen.

BINABASA MO ANG
When There Was No You and Me
RomanceSo it is really possible to fall in love with your enemy. Coz yeah... I am the biggest proof alive. Kahit ako, hindi makapaniwala na nainlove ako sa isang taong pinakamumuhian ko, halos lahat ng ayaw ko sa isang lalaki eh nasa kanya na, sa itsura, s...