Chapter 16

307 31 4
                                    

Lili's POV

3 days ng nakakalipas at nasa hospital pa rin si Adrian . Sobrang thankful ko kay Sian kasi nandun sya ng mga panahon na di ko alam ang gagawin ko

After work ay dito lagi ako dumederetso para magbantay . After din nun ay back to normal lahat tanging tango at kaunting ngiti lang ang binibigay sakin ni Sian sa tuwing sya ang magchecheck up kay Adrian

Yeah, dito na sya sa hospital nila nagtatrabaho and I can say that Adrian loves him . Hindi na si Tito Doc nya ang Favorite nya kundi si Tito Doc Sian na nya ang favorite nya na minsan ikinakatampo ni Drew

Papasok na ako ng room ni Adrian ng may tumawag sakin

"Titaaaa!!" Sigaw ng pamilyar na maliit na boses paglingon ko ay Si Maddie anak ni ate Ella, ka-age lng ni Adrian pero mas matanda si Adrian ng buwan . Yeah Ate Ella is happily married na . Sa Australia sila nagpakasal kaya nmn di na ako nakaattend sa kasal nila

Maddie is quiet close to me kaya naman pag nagkikita kami ng bata ay ganun na lang ang excitement nya . Si Ate Ella kasi ay sinigurado nyang close ako sa bata na ituring ko din daw na parang sariling pamangkin ang bata

Napangiti ako ng niyakap nya ako and I saw Solana na naka cross arm at nakatingin sa pamangkin nya at sakin na nakapagpatawa sakin

"Hii" malambing kong sabi at binuhat ang bata gayundin ang paglapit ko kay Solana and gave her a hug. Solana is very jealous sa pamangkin nya dahil lagi itong nakakapit sakin pag nagkikita kami

"Napapunta kayo ate?" Tanong ko kay Ate Ella na may bitbit na prutas at si Hannah namn ay may dalang bulaklak at nakasibangot

"Bibisitahin namin si Adrian" saad nya habang tinuro ang pintuan ng room ni Adrian . Napangiti ako dahil dun pero nawala ang ngiti ko ng may magsalita pa sa likod

"Sorry I am late ate" saad ni Elkie na hingal na hingal . Nakita kong napairap si   Hannah at bumulong ng mahina at nagmake face

At kasabay nun ay ang paglitaw ni Sian sa likod ni Elkie atsaka pinalupot ni Elkie ang kamay nya sa braso ni Sian . Looks like they are officially together huh?

"Ate let's go na" solana said at hinila ako papunta sa loob . Sian with his poker face again

"Baby you have a visitors" saad ko and Adrian's face lighten up at napangiti ng makita ang mga Tita nya

""And one bwisitor" mahinang saad ni Hannah sa likod ko at narinig kong hinampas sya ni Ate Ella

"May mga bata" saad pa ni Ate Ella at ng lumingon ako ay nakita kong umirap si Hannah

----

Kakaalis lang nila Hannah and nangamusta lang sila kanina at nakita ko ang saya kay Adrian ng makita nya sila Hannah kanina

Hannah texted me kanina and she says sorry dahil sa inasta nya . Naiinis daw kasi sya kay Elkie na buntot ng buntot sa kuya nya na akala mo linta kung makadikit and ayoko tanungin kung ano ba meron sa kanila dahil baka masaktan lang din ako sa huli kaya nanahimik na lang ako

"Sige na umuwi ka na ako na bahala dito pagod ka din nmn sige na" pagtataboy sakin ng ate ko . Its 11pm na at sabi ko ay dito ako matutulog pero ayaw nya pumayag

"Ayy oo na ate tss bat ba ayaw mo ko dito matulog sasamahan nga kita eh" saad ko pero umiling lang sya

"Wag ka na nga malurit ako na bahala sa pamangkin mo sige na" saad nya at tinulak na ako palabas ng kwarto ni Adrian

"Hay nako" inis na sabi ko pero mahina lang saka naglakad na padabog . Napahinto ako ng may humarang sa harap ko

"Buhay ka pa pala?" Saad ni Elkie na nakacross arm at nakatingin sakin ng mataray . Napataas ang kilay ko dito

My Heart Beats For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon