PART 1

55 2 0
                                    

My life's been chaotic and melancholy. I grew up from a broken family. Nakatira ako sa iisang bahay kasama ang stepmother ko na hindi ako kayang ituring na parang sarili niyang anak. Even my relatives, iisa ang tingin sakin--a disgrace to the family, a failure. Kahit sarili kong ama ay hindi magawang tanungin kung okay lang ako. I got depressed.

I was 5 years old when my mom and dad decided to annul. Napunta ako sa puder ni daddy since ako ang panganay while my younger brother is with my mom.

After their separation, dinala ako ni daddy sa hometown niya where my grandparents in his side lives. Dun ko tinuloy ang pag-aaral ko sa elementary level.

I was a kid back then longing for a mother's love and care. Sino ba namang hindi maiinggit kapag nakikita mo ang kapwa mo mag-aaral na hinahatid at sinusundo ng mga nanay nila? Since my parents got divorced, di ko nararanasan ang ihatid at sunduin ng nanay ko, di ko na nararanasan ang matulog habang yakap yakap ng sarili kong ina, and that hurts.

As I grew up marami na akong katanungan kay daddy like what happened to our once a happy family? Bakit sila naghiwalay? Bakit di nalang sila magkabalikan? I miss my mom. I miss my brother. Pero ang lagi niyang sagot ay si mommy ang sumira sa pamilya namin. Si mommy ang dahilan kung bakit di kami magkasama ng kapatid ko, at ang pinakamasakit sa lahat ay may iba nang pamilya si mommy kaya naman nagkaroon ng galit sa puso ko.

Hindi nagkulang si daddy sa akin. He gave me everything I want and everything I need kahit pa malayo siya sakin dahil nagtatrabaho siya sa Canada. At mula nang nagalit ako kay mommy ay never ko na ulit kinausap ang ina ko.

Grade six na ako noon, and as the usual routine we always do, tumawag si daddy. He asked me what do I want dahil malapit na ang graduation ko, but I told him that I just want him to attend my graduation day. Kahit alam kong malabong mangyari ay yun parin ang hiling ko. I was surprised when he said na uuwi siya. Pero natahimik ako sa sunod nitong sinabi.

"Do you want to have a new mommy, Jane?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung gusto ko nga bang magkaroon ulit ng bagong nanay. Yes, I'm always longing for a mother's love and care but having my dad with me is enough. Pero saglit akong napaisip, paano ko magagawang ipagkait ang kaligayahan ng aking ama? Wala siyang ibang ginawa kundi ibigay lahat ng kailangan at gusto ko para lang mapasaya ako kahit sa ganoong bagay lang. That's why I agreed and said yes.

"You know I always wanted to have a mom once again, dad"

After that phone call, I thought about my biological mom. I am mad at her but I can't help myself to think about her and miss her. Does she misses me too?

Before my graduation day, my dad went home pero di siya nag-iisa dahil may kasama itong magandang babae na hindi nalalayo sa edad niya. The girl smiled at me as I stare at her blankly.

"You must be, Jane. I am tita Rose, you can call me mama" she said. I greeted her that made her smile even more.

Marami silang dalang pasalubong para sakin. Alagang-alaga din ako kay tita Rose. Masasabi ko talaga na ginagampanan niya ang pagiging nanay sa akin. Siya din ang umaattend sa mga meetings sa school para sa graduation ko. She did everything that a mother should do, kaya agad niyang nakuha ang loob ko.

Makalipas ang ilang araw na pamamalagi nila tita Rose dito sa pilipinas ay bumalik na sila sa ibang bansa. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot nang umalis sila matapos ang graduation ko dahil mamimiss ko sila pareho. Yes, I began to love my stepmom.

Highschool na ako at dito na ako na ko nagkaroon ng circle of friends. Natuto rin akong makihalubilo sa iba. Masyado kasi akong mahiyain noong nasa elementary pa ako that's why I never had a chance to have a friends.

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon