PART 4

10 2 0
                                    


-Plagiarism is a Crime-

Third Person's POV

Two days had past since that incident in the river happened. Kasalukuyang naglilinis ang stepmother at daddy ni Jane sa kwarto nito nang may mahagilap silang isang kahon sa ilalim ng kama nito.

Agad na binuksan ng daddy ni Jane ang kahon at bumungad sa kanila ang napakaraming tiniklop na papel kasama ang dalawang notebook na masasabing diary dahil sa itsura nito.

Hindi nagdalawang isip ang daddy ni Jane na basahin ang isa sa mga papel na nakalagay dito. Marahan niyang binasa ang nasa papel na iyon. Isa itong maiksing sulat na may malalim na kahulugan.
--
Dearest happiness,

Simula pagkabata ko pilit ka nang pinagkakait sakin ng mundo. Ano bang kasalanan ng isang batang tulad ko at pilit akong hinihila ng kalungkutan na para bang hindi ko deserve sumaya.

Jane
--
Hindi maiwasang maluha ng daddy ni Jane sa kanyang nabasa. Maging ang stepmom nito ay hindi maitangging napapaluha na rin.

Muling nagbukas ng isang papel ang kanyang ama at binasa ito kasama ang step mom niya. Binasa nila ang ilan pang natitira at tila ba iisa lang ang gusto nitong iparating--na mayroong isang Jane na pilit humihiling ng kasiyahan.

Nangangatal na inabot ng kanyang ama ang isang diary. Nanginginig ang kamay ng kanyang ama habang binubuklat ito sa mga sumusunod na phina. Maging ang kanyang stepmom ay halos kapusin na ng hininga dahil sa kanyang mga nabasa.

Naglalaman iyon ng mga saloobin ni Jane, mga hinanakit na nakabaon sa puso niya, mga kalungkutan, mga masasakit na alaalang nangyari sa buhay niya mula nang maghiwalay ang mga magulang niya hanggang sa paglaki nito.

Patuloy sa pag-iyak ang mag asawa nang biglang tawagin ang mga ito ng isang kamag anak ng ama ni Jane kaya naman mabilis silang umayos at sumunod sa kanya.

"Tito kayo na po" sabi ng pinsan ni Jane

Agad namang inabot ng ama ni Jane ang mikropono at akmang magsasalita nang biglang may umagaw sa kanilang atensyon. May isang babaeng nanghihinang naglakad palapit sa harap kasama ang dalawang bata na halatang teenagers. Siguro ay anak nito ang mga iyon. Ngunit agad nakilala ng kanyang ama ang batang lalaki.

"John" tawag nito sa lalaking kasama ng babae, ang kanyang anak, ang kapatid ni jane. Agad lang nito itong sinulyapan bago umupo sa pinakagilid katabi ang kanyang ina at isang kapatid.

"Isang napakabait na bata....isang bata na walang ibang hangad kundi ang kasiyahan niya" panimula ng daddy ni Jane. "Isang bata na ni minsan ay hindi namin nakitaan ng pagrereklamo, na hindi man lang natin nakitaan na may matindi na pala itong pinagdadaanan. Aaminin ko na mayroon din ako o kaming naging kasalanan dito sa nangyari. Kung sana tinanong namin siya tungkol sa nararamdaman niya, kung sana hinayaan namin siyang magsalita at ipaliwanag ang side niya, sana binigyan namin siya ng oras para damayan. Kailangan niya ng comfort, kailangan niya ng mapagsasabihan, pero wala ni isa sa atin ang nagkusang kausapin siya. In fact, tinawanan pa natin at sinabihang nababaliw na. Sa halip na tulungan natin siyang makaahon sa kalungkutan, mas binigyan pa natin siya ng rason para magpakalunod ito sa malalim na dagat ng kalungkutan. Nasasaktan na siya at nahihirapan pero ni minsan hindi natin iyon napansin sa kanya dahil abala tayo sa paghila sa kanya pababa na hindi natin dapat ginawa. Sobrang nagsisisi ako na hindi ko man lang nagampanan ang responsibilidad ko bilang isang mabuting ama sa kanya" madamdaming mensahe nito bago nito ibalik ang mikropono.

Hindi maiwasan ng mga tao na mapaluha dahil sa naging mensahe ng kanyang ama. Marami ring napahagulgol at pilit na humihingi ng tawad kay Jane, maging ang kanyang totoong ina at stepmom.

Maraming tao ang nagsisisi sa nagawa nila kay Jane, maraming humihingi ng tawad, maraming umiiyak at paulit-ulit na nagsasabi ng sorry, maraming may gustong bumawi dahil sa kanilang nagawa....

pero huli na ang lahat.... huli na ang lahat ..... because Jane just 'escaped'.. she just escaped from na chaotic life she once had.. she escaped from tha painful memories that keeps on chasing her. She just escaped, she wrongly escaped because she did kill herself.
--

Sa ating buhay hindi talaga natin maiiwasan ang makaranas ng iba't ibang pagsubok na magiging pundasyon natin para mas lalong maging matapang at matatag, at isiping bumangon muli.

Ngunit sa sitwasyon ni Jane, hindi lang basta bastang problema ang pinagdaanan niya. Naging matapang siya dahil pinagpatuloy nito ang mabuhay pero sa huli ay nagawa parin nitong tapusin ang buhay niya dahil sa pagod at sa walang tigil na sakit. Hindi kasi biro na labanan ang depresyon. Hindi ito basta basta lang problema o kalungkutan na konting advice, konting iyak, at konting araw lang ay mawawala na at makakabalik ka na ulit sa pagiging masaya. Hindi rin tinatawanan ang depresyon dahil hindi biro ang dinadanas ng taong nakakaexperience nito. Depressed people needs comfort, they need someone to talk to, someone who can understand them. Dahil kapag patuloy nila itong kinikimkim, maaari nitong kitilin ang buhay nila.

Depressed people are suicidal, and depression is not a joke to be laughed with. Truthfully, it is a serious matter that most teenagers are dealing with.

So, to all people and teens who read this, I know you've been suffering different kinds of pain that made you think to end your life. But I doubt that. You should continue living. Be strong. Don't let pain and sadness fill your hearts. You all deserved to be happy in different ways. Cheer up guys!
-Mijiyajyn

(Guys I would like to thank you all for keep on readingmy first true to life story. Sobrang naappreciate ko ang bawat reads, vote at comments niyo. It's sad that I needed to end this story too soon, pero wala e, hanggang dito na lang talaga ang story ni Jane. Sana ay nagustuhan niyo guys. I will be looking forward for your support for my upcoming stories.)

NOTE:
This story is not just a story. The truth is, it is a true to life story of a girl who suffered from depression.

-END-

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon