Naubos kona ang sopas..habang sya nakatingin lang sakin habang ako'y kumakain..pero nabitin parin ako..naiinis ako akala ko kasi libre nya lahat ng gustuhin ko kasu hindi..hindi pala ee!! Tsk..kaya gagawa ako ng paraan para ilibre ulit nya ako..mwuhehehe..!!
"Uwaaaahhh!!! Huhuhuh!" Ako yan..
Magkatabi lang kami sa upuan..ewan ko nga ba bat sya tumabi sa akin ng ganun lamang..siguro nga inakala nya na bibigyan ko sya ng sopas..haha pero sorry sya di pa ako nabusog tsaka nabitin talaga ako..ayaw ko namang gastusin yung pera ko..kaya naman dahil bitin ako...umakto akong parang baliw..trip ko lang sana pero sa kaabnormalan ko nawala yung kinaiingatan ko!!!
"WALANG HIYA PAASA KA!!!" sigaw ko..na umiiyak kuno..nagulat naman sya pero bandang huli nagets nya ata yung kabaliwan ko.."huhuhuh!" Dugtong kopa..nakakuha agad ako ng atensyon ng mga tao..pinagtitinginan kami kaya naman mas lalo ko pang nilakasan baka sakaling may maawa sakin at ilibre pa ulit ako..haha parang beggar lang eh no??
"Tahimik" malamig yung tuno ng boses nya pero mahina ito at nakacross arm sya habang nakacross legs din..at nakatungo lang yung ulo nya..
"Huwaaaah!! Huhuh!!! PAASA KA KASI PAASAAAA!!!!!" sigaw ko pa..yung taong katabi lang namin ay biglang umalis..naiingayan siguro at yung iba nagbubulungan na..yung iba tinatawanan na kami..pero wala ako paki..gutom pa ako!! Umasa ako na ililibre nya talaga lahat ng gusto ko kasi nga birth day ko pa..
"Tatahimik ka o papaslangin kita?"
Ganun parin sya..yung signature nyang pag upo at boses nya..pero di ko sya pinansin..ang akin lang librehin nya ulit ako..
"Tapos ngayon may balak ka pang patayin ako?? ! Huh?!! Ang hayop mo talaga!!!" Mas nilakasan ko..kasi sinabi lang nya yun sa mahina ee..
Napasulyap ako sa mga tao kumunot ang kanilang mga noo at tinitigan kami ng mabuti..ewan ko nga ba bat ko naisipan na gawin to..pero ang sa akin lang "libre" lang dahilan... gusto ko ulit na librehin nya ko..bitin pa talaga ako ee..
"Diba sabi ko tumahimik ka!!?" Yun parin talaga boses nya..
"Sige patayin muna ako!!!"
Sinigaw ko na talaga yun!!! Pero nabigla ako!!!! Di ko inaasahan na...
Titigil bigla ang mundo ko..
*tsup*
O_O ako
=_=# sya
"Diba sabi ko tumahimik ka??"
Walang pagbabago yung boses nya..pagkatapos ng ganun parang balewala lang sa kanya???!!!! Hindi pwede!!! Nung umikot muli yung oras...nung tumunog ulit ang orasan..nung gumalaw ulit lahat ng tao...napasigaw ako..
"AHHHH!!!! MAGNANAKAW!!!!"
At may lumapit na sa aming pulis..